CHAPTER 2

2.9K 170 33
                                    

Patuloy lang ako sa pagsunod sa kanya hanggang sa huminto sya sa pinakadulo ng canteen.Huhu! Bakit dito pa? Ang dami kayang tao.

Habang naglalakad ako papalapit sa kanya. Mas lalong lumalakas ang mga bulongbulungan na naririnig ko.

Balak nanaman ba nyang landiin si jake? - 1

Ang kapal talaga ng mukha! -2

Nakakaawa naman si jasmine nakatingin pa sa kanila-3

Hindi naman sila magbebreak kung hindi nilalandi ng babaeng yan -4

Diba si Yuna yan? Yung 4th year saphire. -5

Oo nga noh. Matalino pa naman sana kaya lang malandi -6

Nakakarindi na ha! Akala mo kung sinong mga perpekto. Imbis na makipagsabayan pa ko sa pagiging low class nila. Lumapit na ako kay jake para malinaw na din na hindi kami magkakilala at nag magandang loob lang sya sakin.

" Bakit ba dito mo pa ko pinasunod? May sasabihin kaba? " Inis na tanong ko. Pwede din naman kasing sa likod nalang ng school para walang masyadong tao. Kailangan broadcast talaga?!

" Wala na kami ni jasmine. " sabi nya, what do I care? Ipapamukha nya ba sakin na ako ang may kasalanan?! "And She's breaking up with me. " ramdam ko naman ang pagkalungkot sa boses nya.

" So? Anong gagawin ko? " tanong ko pa. Ano bang kinalaman ko sa gulong to? Inosente po ako at hindi ko alam kung ano o paano nagsimula to?

I think sinadya to eh! May gusto lang talagang sumira sakin o kay jake pero grabe ha. Alam kong maganda ako at talented pero hindi naman kailangan na mainsecure sa akin si Amanda. Kung siya man ang gumawa nito.

"Look at them. " cold na sabi nya. Tiningnan ko muna sya bago ko tingnan yung tinitingnan nya. Sya ba yung jasmine? Ang ganda nya infairness pero ang putla di kaya may sakit sya?

Matapos kong tingnan si jasmine at yung mga kaibigan nya na nakatingin din samin muli akong bumalik tingin kay jake.

" Nakatingin din sila satin. " sabi ko pa sa kanya. Napangisi naman sya sa sinabi ko. Nababaliw na ba sya? Dapat nga nagpapaliwanag sya doon para magkabalikan sila. Hindi yung nagpakita nanaman sya na magkasama kami.

" I know. " nakangiting sabi nya at mas lumapit sakin.

Lalayo na sana ako pero parang nasemento yung paa ko sa lupa dahil sa sinabi nya.

" Kiss me, now! " #$%&?! Sa harap ng mga Classmate ko? Classmate nya? at lalong lalo na ni jasmine?!

" Pardon? " hehe baka naman nagbibiro lang sya.

" Kiss me now, faster! " S-seryoso nga sya. Huhu! My virgin lips.

" W-what? Are you out of your mind?" Sabi ko pa at umatras ng kaunti.

"Tss. "

Tatakpan ko na sana ang bibig ko kaya lang bigla nya akong hinatak at hinalikan.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon