CHAPTER 21

1.4K 105 10
                                    

Nakaupo ako sa sofa habang si jake naman ay naghihitay sa pinto.

" Ah sassy, nakita mo ba si ate jane?" Tanong niya sa babaeng may hawak na measuring tape.

" Ahh oo actually ibinilin niya na kapag may naghanap daw sa kanya maghintay nalang daw sa loob." Nakangiting sagot nito. Napatingin naman siya sakin at ngumiti.

" Girlfriend mo jake?"

" Yup. " lumawak naman ang ngiti ni sassy, ang weird.

" Idol talaga kita, ang gaganda ng mga naging girlfriends mo. " natatawang sabi pa niya kaya hinatak siya ni jake palabas.

" Argh! Kahit kailan talaga napakadaldal ng babaeng 'yon." Sabi niya nang makabalik siya. Ginulo gulo pa yung buhok.

" I'm glad na isa ako sa mga magaganda na naging GIRLFRIEND'S mo. Nice!" Sarcastic kong sabi at umayos nalang nang upo.

" Alam mo naman na dumaan ako sa mga flirt relationship kaya wala lang sila sakin. " Inis na sabi niya, nagkibit balikat naman ako dahil wala akong ideya kung bakit siya naiinis.

" Wala ka man lang ba sasabihin?" Humarap siya sakin habang nagkakamot sa ulo.

" Eh ako?" Tanong ko, baka naman para sa kanya hindi 'to seryoso.

" Totoo Yuna chen! Kahit ipagsigawan ko pa sa buong mundo gagawin ko. " seryosong sabi niya. Ugh. Nakakatouch naman.

" Ugh jake ang sweet mo talaga.. " sabi ko pa at niyakap siya.

" Lalo ka tuloy nafa-fall sakin. " natatawang sabi niya bago ibalik sakin ang yakap.

Sabay kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. Si ate jane pala. Parang nagmamadali 'ata siya at mukhang hingal na hingal.

" Sis are you okay? Gusto mo ba ng water? Ipapakuha kita. " worried na tanong ni jake. Mabilis naman na umiling yung ate niya.

" Jake, pinatatawag ka ni mama. " sabi ni ate jane. Bakit naman parang naiiyak siya? O namamalikmata lang ako?

" Bakit daw? " takhang tanong ni jake.

" I-im sorry jake, sinubukan ko namang pigilan sila eh. Dahil ayokong matulad ka sakin. " tuluyan na siyang napaiyak kaya nagpapanic na kaming dalawa ni jake.

Tumungo ako kung saan ko inilapag ang bag ko para kuhain ang dala kong tubig.

" Inom kana muna ate jane. " inabot ko sa kanya ang tubig. Agad niya ring kinuha at ininom.

" Yuna, sumama ka narin samin sa bahay. " tumango ako, hinawakan ni jake ang kamay ko at sumunod kami kay ate jane na nauna nang lumabas.

Nang makalabas na kami, hindi napigilan ng dila ko na magtanong.

Ibubuka ko palang sana ang bibig ko nang unahan niya ko.

" Promise me, hindi ka aalis sa tabi ko." Huh? Bakit naman niya nasabi 'yon.

Napalunok ako ng bahagya dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Kung ako ang tatanungin ayokong iwan siya at gusto kong nasa tabi ko lang siya palagi. Pero ayoko naman na mawala ang alaala ko kasabay ng pagkawala ng feelings ko para sa kanya.

" Kahit hindi ka sumagot. Alam ko naman na hindi mo 'ko iiwan. " nakangiting sabi niya. Kinagat ko ang ibaba ng aking labi dahil nakaramdam ako ng guilt. Siguro dapat narin na malaman niya na kailangan kong umalis.

" Jake sumunod nalang kayo sakin. " sabi ni ate jane bago sumakay sa kotse niya.

Pinagbuksan naman ako ni jake ng pinto at nang maisara na niya umikot siya para siya naman ang makapasok.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon