" Boyfriend mo siya anak?" Takhang tanong ni mommy, kaya tumango at yumuko. Ramdam ko din ang paghawak ng madiin ni jake sa kamay ko.
" Yes mom. " sagot ko pa. Napansin ko naman ang pagtahimik ni dad.
" Nagmamahalan kayo?" Nagulat ako dahil sa sobrang pagseryosong tanong ni dad. Nagkatinginan naman kami ni jake at parehas din nagiwas ng tingin.
" Yes sir. " sagot naman ni jake. Napatingin sakin si dad kaya tumango ako.
Tumahimik naman ng ilang saglit at tila tunog nalang ng aircon ang maririnig mo.
Napabuntong hininga si dad at ngumiti naman si mom huhu. Kasi dapat hindi na pumunta 'tong si jake eh.
" Payag na ko. " parehas kaming nagulat ni mommy dahil sa sinabi ni dad.
Pinagmasdan namin si dad na biglang umakyat, feeling ko medyo hindi pa niya tanggap.
" Susundan ko lang ang dad mo yuna. Iho alagaan mo sana ang anak ko, huwag mo siyang sasaktan. Nagkakaintindihan ba tayo?" Seryosong sabi ni mommy.
" Opo tita. Hinding hindi ko sasaktan ang anak niyo. " nakangiting sabi ni jake at inakbayan ako, ayan nanaman si heart parang nagkaroon ng mataas na energy kaya malakas tumibok.
Pagkaakyat ni mommy, hinampas ko ng unan si jake.
" Bakit kaba nanghahampas?" Sabi pa niya at itinaas ang kamay para pansalag sa hampas ko.
"Bakit kapa kasi pumunta dito?" Inis na sabi ko, paano na kami maghihiwalay niyan? Ngayong alam na ng parents ko na kami.
" I just want to meet your parents, Inaamin ko nakaramdam ako ng kaunting kaba noong una pero ngayon hindi na. " sabi pa niya. Kabahan talaga siya kay dad nakakainis buti sana kung hindi na kami maghihiwalay eh.
" Hindi purkit legal na tayo, hahayaan kong magextend 'tong pagpapanggap natin. Hindi na nga ako makatagal eh. " hindi na ako makatagal sa pagpapanggap kasi gusto ko totoo na.
Shit! Ano bang sinasabi mo yuna? Nahihibang kana naman!
" Oo na. 3 weeks nalang ang meron tayo kaya kailangan nanatin mas galingan umakting para bumalik na sakin si jasmine. " sabi pa niya, tumagilid naman ako para hindi niya makita ang pagirap ng mata ko. Ako ang kasama pero si jasmine ang iniisip tss. " Magpalit kana, may pupuntahan tayo. " dagdag pa niya,
" Saan tayo pupunta?" Tanong ko pa dahil wala naman kaming napagusapan na aalis kami ngayon.
" Wag ka ng magtanong at pagkatapos mong magpalit magpaalam ka sa parents mo. hihintayin kita sa labas. " sabi pa niya kaya tumango nalang ako at tumakbo paakyat sa kwarto ko.
Nagsuot lang ako ng damit na hanggang pusod with chaketa na nakapulupot sa bewang ko. Nagmaong rin ako at sakto lang ang iksi.
Tumakbo ako papuntang lagayan ng shoes ko at kinuha ang heels ko na kulay pink. Kailangan ko nito dahil matangakad ang kasama ko.
Matapos kong magayos ng sarili, dumiretso ako sa kwarto ni dad. Kumatok ako ng dalawang beses at binuksan ito. Huh? Bakit wala siya maski si mommy akala ko pa naman nandito siya para makapagsorry rin ako dahil sa paglihim ko sa kanila.
Tinanong ko rin ang mga maids kung nasaan si mom and dad pero hindi daw nila napansin kaya hinayaan ko nalang at pumunta na ako sa labas.
Paglabas ko ng pinto natanaw ko agad na kausap ni jake ang parents ko. Lumapit ako sa kanila para alamin kung may problema ba.
" Jake ngayon ko lang ipinagkatiwala si miracle sa ibang tao pero ngayon hindi kana iba dahil mahal ka ng anak ko kaya sana ingatan mo siya habang kasama mo. " eh? Hindi naman kami ikakasal ni jake pero grabe sila magbilin ha.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.