Nasa gilid lang sya ng gate nakatayo at nakatakip ang kamay sa mukha. Pero bakit nya iniwan si jake kung nasasaktan sya?
Tuloy tuloy lang ang lakad ko at kunwaring hindi sya nakita, baka kasi kapag nakausap ko sya bigla akong maawa at masabi kong nagpapanggap lang kami ni jake.
" Yuna wait! " shit! Nakalagpas nako eh. Hihinto ba ako o tutuloy nalang?
Aish bahala na nga, " Jasmine, why are you here? " I asked. Pinunasan nya ang kanyang mata at ngumiti.
" You love him? " halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa tanong nya, bakit ba siya nambibigla ㅠ__ㅠ
" Yes. " tipid na sagot ko. Alangan namang sabihin kong hindi edi nabuko agad kami.
" Hope you can take care of him. Alam kong wala ako sa lugar para sabihin to pero ang gusto ko lang mahalin mo sya at wag mo siyang iiwan di katulad ko na nasaktan ko sya. " maluha luhang sabi niya. Nakatungo lang ako sa sahig habang pinakikinggan sya. "Kapag nagsusungit intindihin mo sya but maybe you can buy icecream for him at bilhin mong flavor is chocolate. Yun kasi ang nagpapakalma or nagpapalamig ng ulo nya. When he sick naman you can remind him to take his medicine an---"
" Enough, we can get each other by ourselves. I know how much you love him and also he loves you too but you're the one who broke his heart into pieces so you better go and don't waste your time to tell me about that. I have my own way to manage him tsaka we're new. Bago palang kami paano ko sya matutulungan makapagmove on kung gagawin ko rin yung mga ginagawa mo? And you are not even his girlfriend at malinaw na sinaktan mo sya. Okay I have to go and thanks kasi iniwan mo sya kaya napunta sya sakin. " sabi ko pa. Kung ako naman ang tatanungin gusto ko nang magkabalikan sila kaya lang naiinis ako dahil wala naman syang balak bawiin si jake kaya pinanindigan ko na ulit. Tsaka tinapos ko narin ang usapan dahil sunod sunod na tumutulo ang luha niya. Ayoko panaman nakakakita ng umiiyak.
" Okay, I-im sorry. " sabi pa niya bago sumakay ng kotse at umalis.
Nang makauwi na ako sa bahay, idiniretso ko muna si jack sa kwarto ko at syempre sinigurado ko muna na walang makakakita, baka kasi tanungin ako kung kanino galing yung napakalaking bear at yung flowers.
Papasok palang ako ng kwarto ng biglang may nagsalita sa likod ko.
" Ate yuna ang laki naman ng teddy bear mo. " shit! Si yohan.
Binuksan ko ang pinto ng kwarto at inilagay si jack sa kama ko. Sumunod din naman si yohan sakin.Umupo sya sa kama ko at binuhat yung teddy bear.
" Oo nga eh. Lumabas kana yohan baka hanapin ka nila mommy. "Sabi ko at kinuha sa kanya si jack.
" Hindi yan ate. Kanino pala yan galing? " sabi na eh. Magtatanong at mangungulit lang sya.
Inilapag ko ulit si jack at hinatak ko si yohan palabas ng kwarto ko. Tinago ko kasi yung bulaklak sa ibaba ng kama ko. Baka kasi makita nya at isumbong ako kay daddy.
" Hi Daddy. " salubong ni yohan kay dad na kapapasok lang.
" Hello son. " niyakap lang niya si yohan. Nagbless lang ako at bineso siya.
" How's your school yuna? " tanong agad ni dad.
" I'ts good. And dad tutugtog kami bukas baka pwedeng hiramin ko muna yung guitar mo sa kwarto. " request ko masyado kasing malakas yung tunog no'n kaya mas better dahil masyadong malaki ang stage namin.
" Yes. Pakuha mo nalang sa maids natin. " sabi pa niya. Dumating naman si mommy at niyakapndin si dad.
" Let's go. The dinner is ready. " pag aya ni mom at dumiretso sa kusina. Sumunod naman kami sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.