CHAPTER 25

1.3K 99 11
                                    

Naglalakad kami ni jake papuntang memorial. Nakakalungkot nga eh kasi ang tahimik niya at mukhang iwas siyang kausapin ako.

I sigh--

" Jake may problema ba?" Tanong ko, feeling ko dinadamdam parin niya yung nangyari samin ni bryan.

Umiling siya at patuloy lang sa paglakad huhu..

" Hindi ako naniniwala! " sabi ko pa, nagkibit balikat naman siya, ayaw niya talagang magsalita?!

Nang makarating kami sa memorial umupo agad siya sa ilalim ng puno. Tumingin ako sa relo ko at saktong alas singko palang ng hapon.

" Gusto mo bang malaman? " tanong niya kaya napakunot ako ng noo.

" Huh? " ang alin? Ano bang dapat kong malaman?

" Yung dahilan ni bryan kahn. " napatahimik ako saglit dahil sa sinabi niya. Dahilan? Wala akong pakielam!

" Para saan pa? Past is past jake! " inis na sabi ko. So pinapalabas niyang kapag valid ang reason babalik ako kay bryan?!

" Fine. " bumuntong hininga siya. "Saan gusto mong pumunta? " tanong niya.

" Dito lang. " ngumiti ako sa kanya, "Dito lang kung saan tayong dalawa lang. " napahawak ako sa noo ko ng pitikin niya ko.

" Tss. " naalala ko tuloy yung dating jake. Kaya lang mas okay nang ganito kaysa maging playboy siya.

" Ayaw mo ba? O sige, uuwi nalang ako! " nakapout na sabi ko at akmang tatayo na kaya lang hinila niya ako payakap sa kanya.

" Gusto ko. Gusto ko na ganito lang tayo palagi. Mahal na mahal kita yuna ko. " sabi niya habang yakap yakap parin ako ramdam ko rin ang paghalik niya sa ulo ko.

" Mahal na mahal din kita. " nakangiting sabi ko.

" Thank you. " sabi pa niya. Para saan?

" For what? " tanong ko.

" Dahil mahal mo rin ako. " sus, ako nga yung dapat magpasalamat dahil ibinalik niya yung pagmamahal ko sa kanya noon. "Can i ask something?" Sabi pa niya kaya tumango ako.

" Ano 'yon? "

" Pwede bang kahit pagtabuyan kita o sabihin kong hindi na kita mahal hindi mawawala 'yang pagmamahal mo sakin? " bumitaw ako sa pagkakayakap niya. Ano bang pinagsasasabi niya?

"Hindi mo ako susukuan, yuna." Nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Hindi ko siya maintindihan.

" Oo jake, mahal kita hindi ako papayag na mawala 'yang pagmamahal mo sakin kahit sabihin mo pang hindi mo ako mahal o maagaw ka ng iba kaya please huwag ka nang umiyak huh?" Pinunasan ko yung pisngi niyang may luha, nakakaiyak naman ayokong makita siyang ganito.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon