CHAPTER 31

1.4K 84 2
                                    

“ I don't have ” sambit ko at naglakad na sa table nila para makaupo.

“ Woah, sino yung Daddy ng anak mo? ”

Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

“ Si--- ”

“ Ito na yung pulutan niyo, Yuna sumunod ka sakin tulungan mo 'ko. ” Dali-dali akong tumayo at sumunod kay Kim pero bago 'yon ibinilin ko muna si Nayu sa Yaya niya.

Save by Kim. Thanks to her dahil hindi na ako pinilit ng mga boys.

“ Wala ka ba talagang balak na sabihin sa kaniya? ” tanong ni Kim nang makarating kami sa loob ng kwarto na ni-rent nila.

“ Hindi ko alam, syempre may part na gusto ko kaya lang isa pa sa kinakatakutan ko na baka hindi niya tanggapin si Nayu bilang anak niya.”

“ Naiintindihan ko yung point mo pero 'diba karapatan niya rin bilang ama na malaman ang totoo? ” naguguluhan ako, gusto ko nalang talaga sabunutan yung sarili ko dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

“ Bahala na Kim, bahala ng si tadhana ang magbigay ng sign sakin. ” sambit ko

Bumalik kami sa mga boys at naki-salo narin sa inuman. Medyo awkward nga lang kasi kaharap ko si Jake isama mo pa na nakatingin siya sakin ngayon kaya todo iwas din ako.

“ Kayo mga under ba kayo sa mga asawa niyo? ” tanong ko sa kanila matapos kong inumin ang unang shot.

“ Ako Yuna, alam mo na sobrang under ako kay Kim. Pero ganon mahal na mahal ko siya. Kaya nga inanakan ko na eh, para hindi na siya maagaw ng iba. ”niyakap niya si Kim pero hinampas lang siya nito na naging dahilan ng pagtawa naming lahat maliban lang kay Jake.

Yung iba ikakasal pa lang at yung iba naman ay pagtatrabaho naman ang iniisip.

“ Ikaw Yuna, sinong daddy ng anak mo? ” tanong ni Joey

“ It's been a long time mula noong maghiwalay kami ng Dad niya. ” nakangiti kong sagot, nagkatinginan lang sila at sabay-sabay na napatingin kay Jake na tahimik lang.

“ Alam niyang may anak kayo? ” umiling ako then ininom muna ang alak bago sumagot.

“ Nope. Iniwan ko siya at isa 'yon sa part na pinagsisisihan ko sa buong buhay ko.” hinugot ko mula sa bulsa ang panyo ko upang punasan ang mata ko na may nagbabadyang luha.

“ So si Jake---”

“ Let's drink, what are you waiting for?” Bago pa ako mabuking, iniba ko na agad ang usapan. Siguro sapat na rin yung clue na ibinigay ko.

Nagsimula na kaming mag-inuman kasabay ng pagkukwentuhan. Feeling ko wala akong problema dahil sa kanila, kahit ngayon lang.

Maya-maya pa, biglang may dumating na mga babae mga tatlo sila. Umupo sila agad sa mga available na upuan. Napako ang tingin ko kay Jake dahil sa pagtabi sa kaniya ng isang babae. Si Shakira?

“ Mukhang nagkakasiyahan kayo ah.” Sambit nung babaeng katabi ni King. Siguro siya si Ayumi. Hindi ko na kasi alam kung ano ng itsura nila ngayon pero base sa kwento ni King si Ayumi raw ang kasintahan niya ngayon.

“ Oo naman. Mabuti nga at nakauwi rin si Yuna dito sa pilipinas. ”


“ Really? Ikaw si Yuna? As in Miracle Yuna Chen? ” Di-makapaniwalang sambit ni Shakira na ngayon ay katabi ni Jake. Tumango lang ako at muling uminom ng isang basong alak.



“ Nag-matured na ang looks mo ah. ” ngumiti ako dahil sa sinabi ni Ayumi. Siguro ganon talaga kapag may anak na.



“ So, Yuna may Husband kana ba? ” Tanong pa ni Shakira. Siguro dapat, kaya lang hindi sumang-ayon si tadhana.



“ I'm a single Mom.” nakangiti kong sambit, sakto namang lumapit si Nayu sakin.

“ Mommy, I'm hungry ”


“ Jack Nayu, sumabay kana kila Dwim. ” Sabi ni Kim, ngumiti naman ang anak ko bago sumunod.

“ Nayu, wag maglilikot ah ”


“ Yes po Mommy! ”

“ Anak mo? ” nanliit ang mata ko dahil sa tanong ni Shakira. Hindi pa ba halata? “I mean He's cute, parang may kamukha siya.” Si Jake ang kamukha niya. Kaya lang hindi ko pa masabi.



“ Ganon siguro, sa Ama nagmana eh.” natatawa kong sambit sabay napatingin kay Jake, nahuli ko siyang nakatingin sakin kaya lang umiwas rin siya agad.



“ Labas muna ko. ” Tumayo siya at naglakad paalis.

“ Jake saan ka pupunta? ” tanong sa kaniya ni Shakira, hindi siya sumagot at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad paalis.


“ Anong nangyare don? ” Tanong ni Joey

“ Baka maninigarilyo lang 'yon. Tara na magkantahan nalang tayo. ” Sambit ni Drake na sinang-ayunan ng mga kasama namin.

Tumingin ako sa kaninang inuupuan ni Jake, naa-awkwardan kaya siya sakin?



Habang busy sila sa kantahan, pa-simple akong lumabas ng resort para puntahan si Jake, bahala na, lakas ng loob lang ang kailangan ko.



Palabas pa lang ako ng gate nang matanaw ko siya na nakaupo sa malaking bato katabi ng isang malaking puno. Masyadong madilim na ang paligid, tanging baga lang ng sigarilyo ang naaaninag ko.



Mabagal lang ang pag-lakad ko habang papalapit sa kaniya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, siguro dahil na rin sa kaba.



Nang tuluyan na akong makalapit, tumayo lang ako sa tabi niya. Ibinagsak niya ang sigarilyong hawak niya tiyaka inapakan.


“Jake...” kinagat ko ang aking ibabang labi. Bakit ba kasi ako sumunod?


“ Ilang taon Yuna! ”


“H-ha? ” Shit! Ito na ba 'yon? Ngayon ko na ba dapat sabihin? Pero magagalit siya at baka kunin niya lang sakin si Nayu.



“ 9-10 years? Kinaya mo siyang itago sakin? Hindi mo man lang inisip yung nararamdaman ko! Anong klase kang Ina? Hinayaan mo lang ang anak natin na lumaking walang ama?! ”



“ P-pero Jake H---



“ How dare you! ”



“ Jake... ”



“ Yuna! Kanina pa kita tinatawag hindi ka man lang nagreresponse diyan! ”




Tiningnan ko lang si Kim bago ko inikot ang paningin ko sa paligid. Hindi totoong sinundan ko si Jake? At hindi rin totoo na alam niyang siya ang Ama ni Nayu?

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon