CHAPTER 20

1.6K 100 8
                                    

Napagpasiyahan namin ni jake na pumuntang mall dahil dadaanan pa namin si Ate jane sa botique niya.

Iniisip parin kaya niya na inagaw kolang si jake kay jasmine? Mukha pa namang mataray 'yon.

" Saan mo gustong kumain?" Tanong niya.

" Kahit saan nalang babe. Alam mo na kapag gutom walang nang pinipili." Natatawang sabi ko. Ginulo naman niya ang buhok ko bago kami tumungo sa Mcdo.

Umupo ako sa pinakadulo at siya naman ang nagpresinta na umorder.

" Dito kalang babe, sisiguraduhin ko na marami kang kakainin para naman tumaba ka. " sabi pa niya, ayoko ngang tumaba baka ipagpalit niya ko.

" yes babe :) " sabi ko pa. Pumunta naman siyang counter.

Inilabas ko ang phone ko para i check kung nag email or nagtext si dad. Sinisigurado pa kasi nila kung matutuloy ako sa america para magpagamot.

" Pwedeng makishare? " tumingala ako para makita siya. Duh-- Sinusundan niya ba kami?!

" Hindi, kasama ko yung boyfriend ko. " inis na sabi ko pero parang wala siyang narinig dahil tumuloy parin siya sa pagupo at paglapag ng pagkain sa table.

" Ang kulit mo rin noh?!"

" I miss this. " nakangiting sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

" Madaya ka talaga. " natatawang sabi niya.loko-loko ba siya paano naman ako naging madaya?!

" Pwede ba lumipat kana sa ibang table baka maabutan kapa ni jake." Goodthing. Hindi lumilingon si jake habang nasa pila. Nakakainis naman kasi 'tong lalaking 'to. Hindi marunong umintindi.

" Hayaan mo siya. " balewalang sabi niya. Tss, nababaliw na talaga siya.

" Fine ako nalang ang lilipat!" Sabi ko nalang at akmang tatayo na ako nang hawakan niya ko sa wrist.

" Ano ba?!" Inis na sabi ko. Sandali akong napatigil ng magkatinginan kaming dalawa.

(→_→) (←_←)

'Yuna bakit ako pa ang nakalimutan mo?

Boyfriend mo ko yuna kaya dapat lang na malaman ko ang mga ginagawa mo.

Bryan~ bakit magkasama kayo ni trixie? A-at bakit magkahalikan kayo..

Let me explain yuna---

No--!

Ajjuiolpsjsjsjskmsnnsnssjz------

Mariin akong napapikit dahil sa boses na nageecho sa isip ko. Tama ba 'yon? B-boyfriend ko si Bryan?

Hell no! Si jake lang ang boyfriend ko. Hindi ko kilala 'yang bryan na yan. Kung may ugnayan man kami noon nararapat lang na ibaon nalang sa limot dahil alam ko sa sarili ko na dahil din sa kanya kung bakit naging kumplikado ang nangyare.

" You better leave! I don't want to see your face anymore! Ayokong maguusap pa tayo ulit. Sana huli nato!" Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak niya saakin. Ayokong dumating yung point na maalala ko yung mga bagay na may kinalaman sa kanya. Sarap lang ipukpok ng ulo ko dahil sa biglang paalala nito.

Agad akong pumunta ng counter para ayain si jake na lumipat nalang nang ibang fastfoodchain.

" Babe, sa jollibee nalang tayo. " aya ko sa kanya.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon