CHAPTER 27

1.4K 91 11
                                    

Medyo SPG, medyo lang!

" Yuna naman, gan'on nalang ba kadali sayong sabihin 'yan?!" Muli siyang umupo sa ilalim ng puno habang nakatingin parin sakin.

" Wala ng patutunguhan 'to Jake. Tanggapin nalang natin na hindi talaga tayo para sa isa't isa!" Masakit para sakin sabihin lahat ng 'to. Pero sa tingin ko. Ito na yung tama para wala ng masaktan.

" Hindi ko matatanggap Yuna! Diba nagpromise ka na hindi mo 'ko iiwan? Tangina. Please panindigan mo 'yon!" Kinagat ko ang ibaba ng aking labi nang tumulo ang luha niya.

Feeling ko ang sama-sama ko, dahil ako yung dahilan kung bakit umiiyak siya ngayon. Mas lalo ko tuloy nararamdaman na hindi talaga ako yung karapat-dapat para sa kanya.

" Please Jake, tanggapin mo! Aalis na 'ko. Pupunta nakong America para magpagamot at natatakot ako na baka hindi maging maganda yung resulta. Kapag nakalimot ako, alam ko na masasaktan ka. Kaya mas maganda na ngayon palang tanggapin na natin. " takha siyang tumingin saakin. Nag-iwas naman ako ng tingin. Isa pa 'to sa kasalanan ko sa kanya. Naglihim ako. Nagdesisyon ako para sa sarili ko. Naging Selfish ako!

" Yuna, sabay tayong lalaban. Hindi kita iiwan. Kaya sana naman magtiwala ka sakin dahil mahal na mahal kita. Magtiwala ka na nandito lang ako. Hihintayin kita kasi gan'on kita kamahal. " Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya para yakapin. Hindi ko maintindihan 'tong sarili ko.

" Yuna I'm so sorry, hindi ko naman talaga pakakasalan yung bruha mong kaibigan at wala 'kong balak kasi ikaw lang yung mahal ko. "

"Alam kong mahal mo 'ko. Sana lang h'wag mong hayaan na umikot sakin 'yang mundo mo. Kasi anytime Jake, baka makalimutan ko na naging mundo kita. " Naiiyak talaga 'ko. Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ko sa ulo.

"Hindi ko hahayaang mangyari 'yon. Gagawa at gagawa ako ng paraan wag kalang mawala sakin. " sambit niya. Ngayon palang gustong-gusto ko ng humingi ng tawad sa kanya. Nararamdaman ko kung gaano kabigat sa damdamin niya yung mga sinabi ko.

***

Pumunta kaming Condo na kung saan doon muna naka-stay si Jake. Hanga rin ako sa kanya dahil napakalinis niya sa bahay.

Tumungo kaming kwarto dahil nagaya siyang manood ng movie. Bumili rin siyang Popcorn para habang nanood may kinakain.

" Magshashower lang ako ah, saglit lang 'to. " ngumiti ako sa kanya at tumango. Humiga nalang muna ko sa kama habang hinihintay siya.

Mga ilang minuto ang nakalipas bago siya nakabalik. Shit! Topless siya. At tanging twalya lang ang naka tapis sa baywang niya.

Nag-iwas ako ng tingin at ipinatong ang unan sa mukha ko.

" Babe.. " dahan-dahan kong tinanggal ang unan sa mukha ko. Nanlaki ang mata ko ng wala ng nakabalot sa katawan niya, tanging brief nalang ang suot niya. HEAVEN!

Iling-iling feeling ko ang pervert ko. Huhu! Bakit ba siya nang-aakit?!

" Babe padampot naman ng twalya oh. Nalaglag kasi. " Utos niya, kyaaaaaah! Feeling ko pulang-pula na yung mukha ko. Eh kasi, ikaw ba naman makakita ng bakat!

" I-ikaw na! " tinakpan ko yung mukha ko ng dalawa kong kamay.

" Pfffttt... Hahhahah! Nakakatawa yung mukha mo Babe! " binato ko siya ng kahit anong pwede ipambato sa kanya.

Tumakbo naman siya pabalik ng C.r, this time may hawak na siyang damit at short.

Inayos ko yung sarili ko nang makabalik na siya.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon