KIMSinubukan kong tingnan si Drake sa room niya kaya lang wala, asan na kaya yung lalaking 'yon? Hindi pa kasi nagpapakita sakin simula kanina.
Pupunta na nga lang ako ng canteen nakakagutom kapag mag isa. Hayy, nakakainis hindi tuloy ako sanay na magisang maglakad papuntang canteen. Ano kayang pinagka- kaabalahan niya? teka bakit ko ba siya iniisip? Nahahawa na yata ako ng pagkaalien niya.
Papasok na ako ng canteen at kung minamalas ka nga naman ang daming tae este tao kaya wala akong maupuan.
Inikot ko ang paningin ko at nagbakasakaling may makitang bakante kaya lang iba yung nakita ko.
Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ko si drake na may kasamang ibang babae.
B-bakit ba ako naiinis? Bullsht. Hindi ko dapat maramdaman 'to. Bahala siya sa buhay niya mamaya nalang ako kakain, di ko sila masikmura bwisit!
"Kim!" Palabas na sana ako nang tawagin niya ang pangalan ko. Lumingon naman ako at tinarayan siya, sino ba sya sa akala niya? Akala ba niya maiinis ako o magseselos dahil may kasama siyang ibang babae? Hell no!
Tumayo siya at hindi ko inaasahang tatakbo siya palapit sakin.
" Oh bakit?" Walang ganang sabi ko. Nakakainis may side na playboy magsama sila ni Ivan mga bwisit!
" Sorry may practice kasi kami sa basketball kaya hindi kita nasundo." Sabi niya kaya tumaas ang isang kilay ko bago tumingin sa babaeng nasa table na kasama niya kanina.
" Mukhang iba yata ang nashoot mo!" Inis na sabi ko, kumunot naman ang noo niya.
"Ha?" Takhang tanong niya, maang-maangan pa tss. Magsama sila ng babae niya wala akong pakielam sa kanila.
" Ha? Ha-in mo mukha mo!" Sabi ko pa at tinalikuran siya. Kaya lang nagreklamo yung tiyan ko.
" Tabi! " inis na sabi ko, "Oorder ako kaya tumabi ka diyan. " nakaharang pa sa bilihan ng pagkain.
" Wag kang ngumiti diyan. Hindi ako natutuwa!" Epal kasi. Kung makangiti akala close kami sakalin ko sya eh.
" Nagseselos kaba?" Nakangising sabi niya. Ako magseselos? Asa pa siya.
" Hindi kana nga pogi, assumero kapa!" Sabi ko pero joke lang sa hindi pogi pero sa assumero Isandaang pursyento totoo.
" Hindi ako pogi?" Sabi pa niya ng may nakakalokong ngiti at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hahalikan niya ba ko? Dito talaga sa canteen?! What the hell mababaliw na talaga ko sa kahihiyan.
" P-pogi.. " huhu. Baka kasi halikan ako tapos picturan kami, mahirap ng madiscover ang kagandahan ko.
" Good. " nakangiting sabi niya at hinawakan ang kamay ko, hinila naman niya ko papunta sa table nila kanina.
" Hi Kim. " nakangiting bati nung babae Infairness maganda kaya lang lamang ako ng ilang ligo. Kaya hindi kami magkalevel. Maganda lang siya ako dyosa!
" Kimeneah!" Pagtatama ko, we're not close kaya wala siyang karapatang tawagin akong Kim.
" O-kay, kimeneah. " wag kang ngumiti babae ka, tatanggalan kita ng isang ngipin!
" hello. " walang ganang sagot ko, may inilapag naman si drake na carbonara at juice sa harap ko kaya agad ko rin 'yon kinain.
Kwento lang ng kwento yung babae tungkol kay drake at talagang marami syang nalalaman huh? Edi sila na bagay.
Kada kwento niya palihim din akong tumataray hanggang sa manigas sa semento ang paa ko dahil sa huling sinabi niya.
" Mahal ka kaya ng kapatid ko palagi ka nga niyang nakukwento sakin eh." Magkapatid sila? Shit! Halos gusto kong kaltukan ang isip ko dahil sa mga nasasabi ko kanina. Hehe.. ang gaan pala ng loob ko sa ate ni drake *^▁^*
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.