Hinatid ako ni Jake sa bahay pero agad din siyang umalis dahil may biglaang dinner sila with his family and relatives.
Hinintay ko munang makaalis siya ng tuluyan bago ako pumasok sa loob. nang maisara ko ang gate may napansin akong papel na nakaipit sa isang malaking bato kaya hindi ako nagdalawang isip pulutin iyon.
Tumingin tingin muna ko sa paligid bago ko basahin ang nakasulat. Para saakin pala dahil nakasulat sa unahan ang pangalan ko.
Miracle Yuna Chen,
Mali ka ng minahal! Hindi ko hahayaang mapunta sya sayo dahil akin siya at wala kanang magagawa doon 3:)
Mabilis kong itinago ang papel na hawak ko dahil lumabas si yohan. Sino kaya yung sumulat nito? Si jake kaya yung tinutukoy niya?
" Ate may babaeng pumunta dito kanina tinatanong kung nasaan ka. " sabi ni yohan. baka si kim, pero imposible dahil kilala ni yohan si kim.
" Sinong babae?" Tanong ko pa dahil wala naman akong natatandaan na may pinapapunta ko dito sa bahay.
" Hindi ko namukhaan eh. Nakahood at nakashades kasi. " sabi pa niya kaya tumango tango nalang ako. Hindi ko siya kilala pero hindi ko hahayaan na maagaw niya sakin si jake.
Pumasok na kaming dalawa sa loob, wala si dad and mom dahil nasa business trip sila sa korea. Nagpaluto nalang kami ni yohan kay manang dahil wala ako sa mood umorder sa labas.
Pumunta ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Nang matapos na ako. Nagvibrate ang phone ko na nakapatong sa kama.
Expected ko na si jake 'yon pero hindi eh. Unknown number bakit ba siya nagbabanta na aagawin niya si jake saakin? At saka sino ba siya? Si Amanda kaya 'to? Dahil siya lang ang kilala ko na gustong makuha si jake.
Unknown number -
'Sulitin mo na ang araw na nasa'yo pa siya dahil sa isang iglap magbabago ang lahat. Bilog ang mundo Yuna kaya magingat ka. 3:'>'
Iniisip ko palang na makukuha niya sakin si jake parang gusto ko na siyang sabunutan hanggang sa makalbo.
Halos mabato ko ang cellphone ng bigla itong magring.
" S-sino kaba?! " Inis na tanong ko. Dapat lumaban siya ng harapan. This is so unfair! Hindi ko kilala kung sino ang kaaway ko.
[ Soon dear. ] natatawa na may halong pagsindak na sabi niya. Waah! May pa soon soon pang nalalaman
" Bwisit ka mala----" aba! Bastos binabaan ako kainis.
Itinapon ko ang aking saril sa kama. Nahihilo tuloy ako sa kaiisip kung sino siya.
*phone rings
" Hoy! Ms-who-you-are lumaban ka ng patas sabihin mo kung si----"
[ Chill Yuna ko, may kaaway kaba?] Natatawang sabi niya, napalunok naman ako ng bahagya waaah! Gusto ko siyang makita. ~T_T~
" Jake wala 'yon bakit ka napatawag?" Tanong ko pa. Pupunta papala siya kay shakira bago dito sa bahay.
[ I love you babe. ] seriously? Kapag babe yung tawag niya sakin. Kinikilig ako lalo isabay mo pa ang mga banat niya.
" I love you too. Anyway tapos naba yung dinner niyo?" Tanong ko pa pero rinig ko ang tawa niya sa kabilang linya.
[ Hindi pa nga nagsisimula. Miss mo na agad ako? Hayaan mo miss narin naman kita. ] Siguro para sa iba napaka-oa ko dahil kahit na may pagkacorny yung mga banat niya kinikilig parin ako.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.