CHAPTER 29

1.6K 97 4
                                    

“ Talagang sikat kana. ” Sambit ko nang makita ko siyang ini-interview.

Pinatay ko yung T.v dahil alam kong magkukulit lang yung anak ko na magpasama maglaro.

Yes, I have only son, and 10 years ago nang mabuo namin siya ni Jake.

10 years ago, magmula nang umalis ako sa pilipinas. Alam kong malaki ang pagkakamali ko nang iwan ko si Jake nang walang paalam. Masyado naging mabilis ang mga pangyayari.

Siguro ipinanganak ko muna si Jack Nayu bago isinagawa yung mga bagay na pwedeng magpagaling sakin. Well 5 years ago pa simula nang gumaling ako.

Nagbalak akong umuwi ng pilipinas para ipakilala si Nayu sa Daddy niya. Kaya lang...

Iba yung nadatnan ko. I mean wala na akong nadatnan sa dati nilang tinitirhan maski si Drake na asawa na ngayon ni Kim hindi na rin alam kung nasaan si Jake.

At isang araw nakita ko si Ate Jane. Hindi na ako nagtangkang kausapin siya at dahil sa gusto kong malaman kung nasaan si Jake sinundan ko nalang siya.

Huminto siya sa tapat ng simbahan at nakita ko si Shakira na nakapangkasal.

T-tuloy na yung kasal nila?

Ang tanga ko! Dahil hindi ako nagtiwalang kaya naming dalawa na labanan 'tong naging sakit ko.

“ Mommy, palagi ka nalang umiiyak, Stop na please, Nayu's hurt when you're sad.” siguro pati 'tong anak ko nao-oa-han na sa'kin dahil sa pag-iyak ko sa taong alam ko na wala nang pakielam sa'kin.

“ Yes, for you baby. ” napangiti nalang ako nang punasan niya yung pisngi ko.

“ I love you Mommy. ” niyakap niya 'ko at kiniss sa pisngi.

“ Naglalambing ang Baby ko ah, I love you too. ” sunod-sunod ko siyang binigyan nang halik sa pisngi.

“ Mommy, I want to play. ”

“ Sure. But tell yaya first and go to your room to change your Clothes okay?”

“ Yehey! Thank you Mommy.” Tumakbo siya papuntang kusina para tawagin ang yaya niya.

Napapangiti nalang akong pinagmamasadan siya. Tuwing nakakita ko si Nayu naaalala ko si Jake.

Naagaw nang atensyon ko ang pag-ring ng cellphone ko. Si Kim pala.

“ Oh Kim, napatawag ka? ”

[ Kailan ba ang uwi mo dito? ]

“ Siguro sa susunod na araw na. Ito kasing si Nayu excited makita si Dwim. ”

[ Kahit naman ang anak ko, excited na rin makita si Nayu. ]

Minsan na kasing nakapunta sina Kim at Drake dito sa Tinutuluyan namin sa America, kasama rin nila ang dalawang anak nila na si Dwim at Dwayne.

“ Ako nalang ang magsusundo sa inyo ni Nayu sa airport. ”

“ Hindi na. Dadaan muna kami kay Daddy sa company. ”

[ Ah ganon ba, Sige na kailangan ko pang pumasok sa work. Text nalang kita. ]

“ Okay bye. ”

“ Mommy, I'm ready... let's go na po?” Umupo ako at pumantay kay Nayu.

“ Anak si Yaya muna ang sasama sa'yo ha? Kailangan ko munang magresign sa trabaho eh. ”

Biglang lumungkot ang mukha niya kaya pinisil ko nang mahina ang pisngi niya.

“ Don't be sad, inaayos na ni Mommy yung mga maiiwan dito kasi pupunta na tayong pilipinas. Makikita mo na sina Grandma at Grandpa. Si Tito Yohan, sina Tita Kim, Tito Drake pati narin si Dwayne at si Dwim. ”

“ Yes Mommy, I understand. ”

“ That's my boy, anyway Yaya please take care of my son, may kailangan lang akong asikasuhin. ”

“ Yes po Ma'am, tara na Nayu, magpe-play na tayo. ”

“ Bye Anak. ”

Nag-wave lang siya at excited na umalis. Basta talaga laro ang bilis niya.

-----

Kinabukasan, pumunta na kami ni Nayu sa airport.

Hanggang ngayon ay umaasa parin ako na muling magkakatagpo ang landas namin ni Jake. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya Once na magkita sila ng anak niya, matatanggap niya kaya si Nayu? Kahit na may asawa na siya?

Pagpasok pa lang namin sa loob ng eroplano, ramdam ko na kung gaano ka-excited si Nayu pumuntang pilipinas.

Halos isang araw din nang maglanding na ang eroplano, ito na... nasa pilipinas na kami.

“ Yaya hintayin niyo nalang ako ni Nayu sa exit. Tatawagan ko lang yung Driver namin. ”

“ Nayu mauna na raw tayo sabi ni Mommy mo. ”

Pinagmasdan ko muna sila palayo bago ko idinial ang number ni Daddy.

[ Mira, nakauwi na ba kayo ng Apo ko? ] natawa naman ako sa tanong ni Dad. Wala man lang Hello or Hi?

“Yes Dad, nasa Company kaba?”

[ No, nandito ako sa Korea para sa business trip. ] eh?

“ I know Nayu's get mad. ”

[ Don't worry Daughter, One week lang ako dito. ]

“ Okay Dad, tatawag nalang ako ulit kapag nakauwi na 'ko ”

[ Okay, pakisabi sa Apo ko miss na miss ko na siya and Ofcourse ikaw rin Yuna. ]

Matapos kong tumawag kay Dad, sunod ko namang tinawagan si Mom para papuntahin ang Driver namin.

Naglakad na ako papuntang exit pero wala si Yaya at Nayu. Siguro nagturo nanaman yung anak ko.


“ Ma'am...Ma'am... ”

“ What? ” tanong ko nang hawakan niya ang kamay ko.

“ Si Nayu po nawawala. ”

Halos magblurd yung mata ko dahil sa sinabi niya. Imbis na magalit at sermonan ko siya, tumakbo na agad ako para hanapin si Nayu.

Napahinto ako sa bilihan ng Ice cream dahil natanaw ko siya. Nakahinga ako ng maluwag nang makumpirma ko na si Nayu nga yung nakita ko.

“ Anak naman. Kung bibili ka dapat magpasama ka.pinag alala mo 'ko”

“ Sorry po Mommy. ”

“ Miss, ikaw ba yung Mommy nang poging bata na yan?” tanong nung boses lalaki kaya napatingin ako sa kanya.


“ Miss? ”


“ Uh- okay, I see. ”


“J-jake?"

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon