CHAPTER 28- K/D

1.4K 80 4
                                    

KIM

"Ma'am, Heto na po yung mga requirements ko."

" Thank you. Sige mauna na 'ko. "

Nang lumabas yung adviser ko sa faculty doon na ako sumunod. Hayy, nakakalungkot lang at umalis na si Yuna.

Dinukot ko sa bulsa ng pants ko yung cellphone ko.

To: Yunababes

Text me if you're there. :)) take care.

Ikakain ko na lang 'tong pag-iisa ko. Bakit lahat na lang sila iniiwan ako? Hindi naman ako mabaho.

Patungo akong canteen nang mapansin kong nagkakagulo sila banda doon sa may court. Diba sembreak na? Bakit ang dami paring tao? Pambihira kung kailan walang pasok, doon ang sisipag.

Dahil hindi naman ako curious, lalagpasan ko na lang.

" Kim!"

" Oh?"

Ang weird nila! Lahat sila nakatingin sakin. At dahil nakaramdam ako kahit papaano ng hiya, lumapit na 'ko kay Mizzy.

" Anong meron?" Tanong ko, pero nakangiti lang siya at kulang na lang mapunit yung labi niya.

" Akyat ka nga ng stage. " Utos n'ya. Eh?

" Ayoko nga! Ikaw nalang. Tutal ikaw naman yung nakaisip eh." Aba. Bakit ako? Eh kararating ko lang.

" Sige na Kim, akyat kana." Napatingin ako sa isa pang nagsalita na sinundan pa ng ilan.

Uso kumatok mga be. Daya ni Mizzy nagtawag ng tropa.

" Ano bang meron?" Tanong ko sa kanila. Ano? Aakyat ako ng hindi ko alam kung bakit?!

" 'Wag ng maraming tanong, akyat na!"

" Edi wag!"

Inirapan ko sila bago ako umakyat sa stage. Woah! Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya, talagang marami sila ha. Pinaghandaan kaya nila 'to? Baka prank lang 'to tapos ako yung nakita nila na pwedeng maloko. Kala nila ha. Hindi ko mapapansin 'yon.

Tiningnan ko silang lahat, at lahat sila nakatingin sakin. Talagang titig na titig. Anong gagawin ko rito, nga-nga-nga?

Ilang sandali pa bigla akong nakarinig ng kumakanta kaya napatingin ako kung saan nanggagaling yung boses.

" Omygod!"

There I was, an empty piece of a shell,
Just minding my own world;
Without even knowin' what love and life were all about
Then you came,
You brought me out of the shell;
You gave the world to me
And before I knew, there I was so in love with you♩♩♪♪

Napahawak ako sa bibig 'ko, hindi ko maiwasang hindi manginig dahil hindi ako makapaniwala.

Anong ginagawa--ay hindi! Bakit siya nandito? Diba hindi ako yung mahal n'ya? Diba nakahanap na s'ya ng bago? Diba hindi n'ya na 'ko mahal?!

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin'
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you♪♬

Pinunasan niya ng sariling kamay yung magkabilang pisngi ko dahil sa luha.


I love the touch of your hair
And when I look in your eyes
I just know, I know I'm on to something good
And I'm sure, my love for you will endure
Your love will light up my world;
And take all my cares away
With the aching part of me

You gave me a reason for my being
And I love what I'm feelin
You gave me a meaning to my life
Yes, I've gone beyond existing
And it all began when I met you♪♩♬

" Wala akong balak ipagpalit ka Kimabaho." He whispered.

Speechless talaga 'ko ngayon. Bakit ba nambibigla s'ya? Is it true or I had a dream?!


" Masaya talaga 'ko na nalaman ko mismo sayo na mahal mo rin ako."

Kailangan talaga broadcast? Nakakahiya naman ang daming tao.

" Magsalita ka naman!" Pfftt.. Namiss ko 'tong Alien na 'to. Kainis!


" Ano?" Wala sa sarili kong tanong.

" Tss. Abnormal ka talaga! "  hinatak niya ako para mayakap. We? Hanggang ngayon speechless parin ako.



" I love you. "

Nananaginip yata ako eh. Pakisampal nga 'ko.

Humiwalay ako sa yakap n'ya at tumalikod.

" Oh bakit?" Takhang tanong niya.

" Ih... baka hindi ka naman totoo. Siguro nag-iimagine lang ako na nandito ka." Sabi ko pa habang nakapout.


" Kim naman, expected ko pa naman na sasalubungin mo 'ko ng yakap."

Dahan-dahan akong humarap sa kan'ya. Lumapit siya saakin at ngumiti.



Hanggang sa narealize kong hinahalikan niya na pala 'ko.

" Totoo nga, nararamdaman ko." Wala sa sarili kong sambit at muli siyang kiniss.


" Sabi ko na nga ba patay na patay ka sakin eh."

I rolled my eyes.




" The Feeling is mutual!"

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon