CHAPTER 16

2K 125 7
                                    


" Ano ba jake may practice pa kami pwede bang mamaya nalang yan?" Huhu. Hagulgol kami ngayon sa oras dahil sa ikalawang araw na pala ang Band competition sa ibang school. Tapos pinipilit nya kong sumama sa kanya dahil hindi pa ako kumakain ng lunch.

" Sige na yuna ko, ako nalang ang bibili basta kumain kalang. Baka magkasakit ka nyan. " napangiti akong humarap sa kanya.

" Mamaya nalang ako kakain, promise pagkatapos ng practice kakain agad ako. " nakangiting sabi ko pero kinurot lang niya ko sa pisngi.

" Trip mo yung pisngi ko ah. " kagabi pa kasi niya kinukurot.

" Di parin ako makapaniwala na ang ganda ng girlfriend ko. "

" Yuna chen, maguumpisa na tayo. " tawag ni shakira kaya nagthumbs up ako.

"I'll go na. Kumain ka na ah.wag mo na kong hintayin. " ikikiss ko sana sya sa cheek kaya lang humarap sya kaya sa lips tuloy sumakto.

" I love you. " sabi pa niya at kiniss ako sa noo. Ugh, kinikilig ako <3

" I love you too. " nakangiting sabi ko bago ako tuluyan pumasok sa loob ng music room.

Lumapit sakin ang mga kabanda ko pero pansin ko ang pagkatahimik ni kim. Himala yata.

Nang sabihan na kami ni ma'am pinky tungkol sa positions, pasimple kong kinausap si kim kung may problema ba.

" Tahimik ah. May problema kaba?" I asked. Syempre Bestfriend ko sya kaya may pakielam ako.

" W-wala. " sabi pa niya at nagiwas ng tingin.

" Hindi ako naniniwala, sabihin mo na kim. Diba bestfriends tayo?"

" Eh si drake kasi.. "

" Anong meron kay drake?"

" Hindi man lang sya nagtetext tapos aalis na sya bukas." Mangiyak ngiyak na sabi niya kaya hinahod ko ang likod niya.

" Saan ba sya pupunta?" Tanong ko pa. Wala namang nababanggit si jake sakin tungkol sa pagalis ni drake.

" Newyork. " woah!

" Ang layo, paano yung pagaaral niya? "

" Nagexcuse na sya, hindi nya sinabi sakin kung bakit basta babalik daw sya after twomonths. " malungkot na sabi niya, baka naman may emergency lang kaya sya aalis.

" Mabilis lang ang twomonths kim. Pwede pa naman kayong magusap via skype. " suggest ko kung talagang mamimiss nila ang isa't isa.

" Oo nga noh? Hindi ko naisip 'yon. Salamat bestfriend. " tuwang tuwa na sabi niya hayy. Nako iba na talaga kapag inlove.

" Tara na nga kumanta na tayo. " inakbayan ko siya bago kami pumunta sa pwesto namin.

" Shakira, ayumi kayo ang magiguitar at kimeneah ikaw ang magpapiano. Yuna yung pagvocal ayusin mo. Okay start na. " sabi ni ma'am pinky kaya umayos na kami.

Bago kami magsimula, napansin ko ang pagtingin ni jake mula sa pintuan. Hayy. Ang tigas talaga ng ulo. Dapat nauna nalang sya para hindi sya magutom.

Tadhana~

Sa hindi inaaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito.
Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sa'yo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon