CHAPTER 8

1.9K 142 24
                                    

Pagkadating ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto kainis talaga yung lalaking 'yon!

" Hay nako jack! 'Yung tatay mo nakipaglandian nanaman sa iba." Sabi ko at itapon ang aking sarili sa kama. Tinry ko rin buksan ang phone ko pero wala manlang kahit text akong natanggap. Mukhang nageenjoy pa yata siyang kasama yung babae kanina!

" Ate may bisita ka. " Sigaw ni yohan mula sa baba. Bisita? Wala naman akong pinapapunta dito ah.

" Sige sabihin mo saglit lang. " sabi ko pa bago ako tumayo at nagbihis pambahay.

" Oh Drake bakit nandito ka? " tanong ko nung makita ko siyang nakaupo sa sofa. Anong ginagawa niya dito?

" Tatambay lang. " sabi pa niya at humiga. Seriously? Nakasinghot ba siya ng katol?

" Ano nga? " Hindi kasi ako naniniwala na walang dahilan ang pagpunta niya dito.

" Ate boyfriend mo ba siya? " biglang singit ni yohan, swear magsusumbong yan kay dad.

" Yes. " sagot naman ni Drake kaya nakatanggap siya ng malakas na hampas galing sakin.

" Sabihin mo na baka mamaya dumating si dad at maabutan ka dito. Goodluck nalang kung makalabas ka ng buhay. " natatawang sabi ko kaya mabilis siyang umayos ng upo.

" May party mamaya sa bahay nila jake, birthday ng ate niya. Ang gusto niya daw pumunta ka dahil dadating din yung parents niya na galing korea. " ako pupunta? Para saan hindi naman ako kilala ng ate niya para maging invited ako.

" Ipapakilala ka daw niya sa family and relatives niya. " nanlaki naman ang mata ko O.O ipapakilala?

" B-bakit naman ako ipapakilala?" Tanong ko pa. Kinakabahan tuloy ako kasama ba to sa pagpapanggap?

" Nbsb kaba? Natural lang na makilala ka ng magulang niya dahil girlfriend ka niya. " huhu. Kailangan ba talaga 'yon?

Kinagat ko ang ibaba ng aking labi at nagisip kung pupunta nga ba ako mamaya. Marunong bang magtagalog or english yung parents niya? Kaya kailangan ko ng magpractice may korean language.

Angyongseyo...

Eowseyo...

Anongasayo?

Paksyet! Hindi ako marunong.

" Yuna. "

" Anongasayo! " napatakip ako ng bibig dahil sa nasabi ko nakakahiya naman.

" Hahahahah! Don't worry marunong sila magtagalog. Sinubukan mo pa mali naman. " mali pala ㅠ__ㅠ kung nagkataon mapapahiya pa ako.

" Ano bang tama? " tanong ko baka alam niya para masubukan.

" paanongasayo! " nakangiting sabi niya. Bakit parang hindi ako nakumbinsi dun? Pinaglololoko niya lang yata ako eh..

" Annyeonghaseyo yun ate at kuya. " natatawang sabi ni yohan. Putspa nakikinig pala siya. Yari ako nito mamaya.

" maglaro ka nalang doon yohan, nakikinig kapa sa usapan eh. " Sabi ko Buti naman sumunod siya at lumipat ng pwesto.

" Mabalik tayo, ano pupunta kaba?" Tanong pa niya. Pupunta na nga lang ako baka sabihin niya na nangiiwan ako sa ere kahit siya naman talaga 'yon.

" Pwede kobang isama si kim? " tanong ko sana pwede para hindi naman ako ma-op doon.

" It's up to you. '' sagot niya at nagiwas ng tingin.

" Bakit namumula ka? " natatawang tanong ko. ang cute niya pala lalo na nung namula yung pisngi niya.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon