CHAPTER 32

1.6K 88 2
                                    

Kinaumagahan matapos ang reunion, napagdesisyonan ko na maagang umuwi. Hindi ko na sila hihintayin na magising pa dahil ayokong maabutan ako ni Jake.

Hindi ko alam kung bakit ganito pa rin yung nararamdaman ko, napaka-daya mahal ko pa rin siya kahit kaunti hindi 'yon nabawasan.

" Nayu, Sabihin mo kay Tita Kim uuwi na tayo ha, 'wag kang magiingay baka magising sila Dwim. " Sumunod naman agad si Nayu

Habang naghihintay ako dito sa labas ng resort, nakarinig ako ng hampas ng tubig banda sa swimming pool, may gumagamit ng ganito kaaga? Alas singko pa lang ng madaling araw ah.

Tumingin ako sa dinaanan ni Nayu pero wala pa siya, kaya pumunta ako sa bandang swimming pool.

Nakita kong may sumisisid, si Joey kaya 'yon? O baka naman si King?

" Mommy... "

Lumingon ako at nakita ko si Nayu na tumatakbo palapit sakin.

" Nayu, be careful baka madulas ka." Basa kasi ang sahig.

" Yes Mom--- ahhh "

" Omygod Nayu! "

Agad akong tumakbo papalapit kay Nayu nang mamali ng balanse ang mga paa ko. Shit!

Ramdam ko na may humawak sa bewang ko kaya hindi natuloy ang pag-bagsak. Pero hindi ko na muna siya pinansin at tumuloy ako kung nasaan si Nayu.

" Baby, saan masakit? Dito ba? Dito? " Palipat-lipat ang hawak ko sa parte ng katawan niya para makasigurado

" Hindi naman po masakit Mommy, nag-alala nga po ako sainyo nung muntik ka na pong madulas eh, buti nalang po sinalo ka ni Idol. "

"Idol? "

Tumango siya at may tinuro sa bandang likuran ko kaya syempre lumingon ako.

" Hindi ka marunong mag-ingat! " pinasadahan niya ako ng tingin bago tumalon sa tubig.

Napatahimik ako ng marealize kong si Jake siya, tumingin ako kay Nayu atsaka siya niyakap.

" Baby, sa susunod mag-iingat ka ha? " Kiniss ko siya sa ulo at naramdaman ko naman ang mabilis niyang pagtango.

Ilang saglit pa, narinig ko ang tunog ng mga tubig at napansin ko ang pag-ahon ni Jake.

Halos manlaki ang mata ko nang lumapit at pumantay siya kay Nayu kasabay narin ang bahagya kong paglunok.

" Aalis na kayo? " tanong niya kay Nayu at ginulo ang buhok nito.

" Yes po, sabi ni Mommy. " tumingin sakin saglit si Jake, hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi. Kinakabahan ako,

" ah, so sinong Daddy mo? "

" Jake! " matigas kong sambit, hindi naman yata tama na biglain niya si Nayu.

" What? " hinila ko si Nayu papunta sa likod ko

" Anong alam ng bata? Wala na siyang Ama, matagal na kaming tapos ng Daddy niya! " Naiiyak ako, kahit kailan napakababaw ng luha ko,

" Tapos? " nagtakha ako ng bigla siyang tumawa pero may halos sarcasm.

" Oo tapos na kami, alam mo ba na sobra kong pinagsisihan 'yon? Kasi 10 years ago nang iwan ko yung kaisa-isang taong minahal ko! Meron na siyang iba, at ang masakit pa hindi man lang naranasan ni Nayu na magkaroon ng buo at masayang pamilya! " Hindi kona kaya i-handle pa ang mga luhang tumutulo sa mga mata ko,

" Ako ba? " Napatahimik ako sa seryosong pagtanong niya, alam kong sobrang masasaktan si Nayu kapag nalaman niya na may ibang pamilya yung Daddy niya. " Ako nga, " ngumiti siya pero nakita kong may luhang tumutulo sa pisngi niya.

Nag-iwas ako ng tingin, hahawakan ko na sana ang kamay ni Nayu para makaalis na ngunit pinigilan niya ko, niyakap niya 'ko.

May asawa na siya, hindi 'to tama. Gustuhin ko man pero mali,

“ Please, sobrang sakit pa Yuna... Sobrang sakit pa ng ginawa mo. ” sambit niya habang mahigpit na nakayakap sakin.

“ J-jake... Let's move on, ” Masakit pero 'yon ang tama, sa loob ng sampung taon marami ng nangyare, nagbago. Siguro naman kahit papaano ay naging masaya sila ni Shakira.

“ Sinubukan ko, pero mahal talaga kita... Babe, ”

Kinagat ko ang aking ibabang labi para maiwasan ang sobrang pag-iyak,

“ No, bumalik kana kay Shakira ” pinunasan ko ang aking pisngi na may luha pa,

Napansin ko na wala na si Nayu sa likod ko, siguro kinuha siya ng Yaya niya, alam niya kasi yung tungkol samin ni Jake.

“ Bakit nasama si Shakira dito? ” Nagtatakha niyang sambit bago bumitaw sa pagkakayakap sakin.

“ May pamilya na kayo Jake kaya dapat may limitasyon kana sa paglapit sakin. ”

“ Pamilya? ”

“ Oo pamilya ”

Nagsalubong ang mga kilay ko ng tumawa siya, nababaliw naba siya? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko e,


“ Wala akong pamilya, No I mean-- may pamilya ko Sila Ate Jane bukod sa kanila, wala na. ” natatawa niya pang sambit, eh ano yung nakita ko 5 years ago?


“ 'Di ba kinasal kayo ni Shakira? ” tumutulo na lalo ang mga luha ko, dahil unti-unti na akong naliliwanagan.

“ Palabas lang 'yon. Lahat 'yon fake, diba nga, gaya ng sabi ko sayo hindi ako magpapakasal sa babaeng hindi ko naman mahal. ”

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin para yakapin siya,


“ Noong nasa America ka, nandoon din ako kaya madalas nilang sinasabi na pumupunta akong ibang bansa minsan para mag-shooting, mambabae, ang hindi nila alam pinupuntahan kita. ”

Hinampas ko siya sa may dibdib, bakit hindi niya man lang nagawang magpakita sakin?

“ Edi alam mo na... Na---

“ Na anak ko si Nayu? ”

“ Oo ”

“Naaalala mo ba bago ka umalis, may nangyare saten? ”

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya, Hindi ko makakalimutan 'yon. Dahil isa yun sa araw na mahalaga sakin.


Tumango ako, “ Sinadya ko talagang mabuntis ka non. ”



“ Nakakainis ka! Pero salamat pa rin dahil kung hindi, wala si Nayu ngayon. ”



“ Hmm, I love you ”


Tumingin ako sa kanya pero nag-iwas siya ng tingin, nahihiya siya? Ang cute.


“ I love you t---

Hindi na natapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.


“ I miss you! ” bulong pa niya,


Muli nanaman niya akong hinalikan, nakakaramdam na rin ako ng init sa aking katawan

Pareho kaming sabik sa isa't isa---




“ OH NO MOMMY! ”

Agad akong bumitaw sa halik ni Jake dahil sa nakita ni Nayu, shit!


“B-baby...” Lumapit ako kay Nayu,

Pinanlakihan ko si Jake ng mata dahil sa pag-tawa niya, huhu! Nahihiya ako sa kanilang dalawa.





Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon