CHAPTER 9

1.8K 147 16
                                    

Nang mahismasan na kahit papaano ang nararamdaman ko. Nag ayos muna ko saglit bago bumalik sa party.

" Hi :) " nagulat ako noong lumapit saakin si jasmine, lumingon at tumingin tingin ako sa paligid baka mamaya hindi pa ako yung kinakausap niya.

Nang makumpirma ko nga na ako yun nginitian ko lang siya, hinawakan nya ang mukha ko at may parang tiningnan pero iniwas ko rin agad.

" Bakit namumugto 'yang mga mata mo? " sabi pa niya. May kinuha siya sa bag niya at inabot sakin. " Tingnan mo sa salamin. "Dagdag pa niya kaya kinuha ko agad.

Shit! Oo nga kaya ayokong umiiyak eh para akong bagong gising. Huhu. Baka mapansin nila anong gagawin ko?

" Hindi bagay sa katulad mong maganda ang umiyak. " nakangiting sabi niya at hinawakan ang mga mata ko.

" S-salamat. " sabi ko pa kahit naiilang ako parang nakokosensiya tuloy ako na niloloko namin siya. Dahil sa kabila noon nagagawa parin niyang maging mabuti sakin.

" My name is Jasmine Tan. Hindi pa kasi ako nakapagpakilala sayo." Sabi niya at naglahad ng kamay. Inabot ko naman 'yon.

" Miracle Yuna Chen. " nakangiting sabi ko. Hehe parang ang awkward tuloy.

" You wanna join? " pag aya niya at tinuro ang table nila may kasama kasi siyang tatlong babae.

Umiling lang ako,"Hindi na may kaibigan kasi akong naghihintay sa table namin." Sabi ko pa at nginitian siya bago umalis sa tabi niya.

" Ah Miracle. " napalingon naman ako noong tawagin niya ako sa first name.

" Pwede kabang sumama sakin sa guestroom kahit saglit lang?" Tanong niya, tumango nalang ako at sumunod sa kanya.

" Anong gagawin natin doon?" I asked habang naglalakad kami.

" Ayokong magmukhang kawawa ka sa party kasi halatang umiyak ka." Natatawang sabi niya, nang makapasok na kami sa guestroom. Pinaupo niya agad ako sa kama bago siya naglabas ng makeup.

Umupo siya kaharap ko at nilagyan ng maskara ang mga pilik mata ko. Tinakpan niya rin ang eyebags ko at nilagyan ako ng eyeliner,blush on at lipstick pero hindi naman makakapal.

" You're so pretty kaya no wonder if jake likes you. " kung alam mo lang jasmine na mahal ka parin niya na ikaw lang ang gusto niya.

Ngumiti lang ako at nagthank you sa kanya bago kami maghiwalay.

Nang makabalik ako sa party hinanap ko agad ang table nila kim at mabuti nalang hindi ako nahirapan kahit na maraming tao.

" Hi guys! " nakangiting sabi ko ayokong magpahalata na malungkot ako. Hays! Bakit ba ako malungkot!

" Umupo kana diyan yuna and let's drink!" Sabi ni liam, si kim naman mukhang nalasing dahil tulog na. Si Drake, liam , terence at jake nalang ang gising. Pero si liam at terence mukhang bagsak nadin si Drake naman shumot lang dahil ihahatid niya pa kami ni kim. At si jake? Hindi ko alam dahil hindi ko siya matingnan, nakatitig kasi siya sakin eh.

Umupo ako sa tabi ni kim at tinungga ang isang bote ng alak, kailangan ko to ngayon. Gusto kong magsaya!

Tiningnan ko na si jake at napangiti ako noong nakatingin siya ng seryoso sakin. Ang pogi talaga kaya maraming nagkakandarapa eh.

"Baby you're my destiny...yeah woohh..hahahah" kanta ko nakakatuwa wala ako sa tono.

Nag apir kami ni liam dahil natawa siya sa pagkanta ko, muli akong kumuha ng isa pang bote ng alak at tinungga ulit.

" Gusto mo? " pag alok ko kay jake na nakatingin lang samin at inangat ang bote na hawak ko.

Umirap lang siya hehehe ang cute talaga kapag ganyan siya. Lumapit ako sa kanya at pinisil ang pisngi di ko napigilan nanggigigil ako eh.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon