Natapos ang kantahan hindi ko parin iniimik si jake. Bakit? Kasi trip ko lang.
" San ka pupunta? " tanong niya sakin noong tumayo ako.
" Tapon basura. " pamimilosopo ko at umalis muna ng court.
" Aray/Ouch! " sabay na daing namin nang nakabanggaan ko. Huhu! Buti nalang hindi ako tumilapon sa lakas ng bangga.
" Sorry. " paumanhin ko, hindi ko na siya tiningnan at akmang lalagpasan nalang siya.
" Yuna right? " biglaang sabi niya kaya napalingon ako. She know me?
Nakita ko yung mukha niya atsaka kolang napagtanto na siya yung kasama ni jake doon sa vacant room." Yeah. " walang gana kong sagot. Siguro pagod lang ako.
" Are you friend with jake? " she asked so paki nya ba? Ewan ko ba wala naman siyang ginawang mali sakin pero naiinis ako sa kanya.
" No, Im his girlfriend. " sabi ko pero nakita kong kumunot ang noo niya. Tss. Hindi nga pala ako girlfriend. Fake lang!
" Wala naman siyang sinabi about two of you. " kunot-noong sabi pa niya. Alangan namang sabihin sa kanya edi natapos agad yung landian nila.
" Yuna bakit kaba umalis doon! " dumating si jake at tumabi sakin, napatingin naman siya sa babaeng kaharap ko.
" Aliah anong ginagawa mo dito? " tanong niya at talagang nakangiti pa.
" May pupuntahan lang ako, sige una nako basta yung usapan natin mamaya ah. " sabi pa nung aliah at umalis na. Napacross arms nalang ako at napairap noong tumango naman si jake.
Naglakad ako palayo pero sumunod naman siya, naramdaman ko narin ang pagreklamo ng tiyan ko dahil sa gutom.
" May problema ba? " tanong niya at humarang sa dinadaanan ko.
" Wala! " mabilis kong sagot at nilagpasan siya. Pero dahil makulit humarang nanaman siya. Lalo tuloy akong nabwisit
" Wala ba talaga." natatawang sabi niya.
" Oo! "
"Eh bakit nakakunot 'yang noo mo?" Di purkit nakakunot ang noo may problema na? Di ba pwedeng gutom lang ako.
" Nagseselos kaba? " natatawang tanong niya kaya nahampas ko siya ng bag ko.
" Hindi bakit naman ako magseselos tayo ba? Ha. Tayo ba?! " sabi ko pa at naglakad ng mabilis patungong canteen.
" Oo na hindi ka nga nagseselos sa lagay nayan eh. " sabi pa niya pero hindi ko na siya pinansin. Buti alam niya na hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos eh wala naman talagang kami tss.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya noong makalapit kami sa isang table.
" Pake mo? Bakit libre mo ba?" Sabi ko pa, kung hindi naman siya mablilibre, huwag siyang magtanong!
" Sungit ah, red days? " inirapan ko siya dahil sa sinabi niya. Pero umiling iling lang siya at bumili. Oh diba ang bait sarili lang niya ang ibibili niya.
Tatayo na sana ako para bumili ng pagkain nang biglang dumating si jasmine. Badtrip! Baka isipin pa niyang hindi talaga kami ni jake kung ako ang bibili ng saakin!
" Hoy babae! " tiningnan ko si Amanda na inis na papalapit saakin.
" Yeah I'm girl, any problem with that?" Balewalang sabi ko, babae kasi tawag niya eh may pangalan naman ako.
" Malandi ka talaga noh?! " sabi pa niya. Wow huh? Sinong nilandi ko?
" No Im not, ikaw ha! Insecure kaba sakin kaya mo kinalat yung mga picture?! " nakangiting sabi ko, nanlaki naman ang mata niya at may pahawak hawak pa sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.