Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa konting pagkirot na nararamdaman ko." Buti naman nagising kana. Hayy nako girl. Four hours ka kayang tulog grabe ka ha. " sabi ni kim. Inikot ko ang aking paningin at ngayon ko lang napagtanto na nasa clinic ako.
" Wala naman akong sakit pero bakit ganoon nalang ang pagsakit ng ulo ko? " nagtatakhang sabi ko habang nakatingin kay kim.
"Pagod kalang siguro kaya sumakit ng husto 'yang ulo mo. Tsaka tanungin mo narin sina tito at tita." Sabi pa niya kaya napaisip naman ako, wala rin naman kasing nababanggit sila mom and dad kung may sakit ako. "Atsaka girl. Si jake pa talaga ang naghatid sayo dito. Ang bongga mo talaga." Natatawang dagdag niya. Speaking of jake? Siya ang kasama ko noong nawalan ako ng malay.
" Nasaan siya? " tanong ko. Gusto ko rin magpasalamat dahil dinala niya ako dito.
" Umalis. Ibinilin ka nga niya sakin dahil may lakad daw siya. " lakad? Haist. Kasama nga pala niya si Aliah.
" Yung magiging representative ng school kasama ba tayo doon? " pag iiba ko.
" Don't worry kasama tayo doon. " nakangiting sabi niya kaya napangiti din ako. Buti naman hindi nasayang ang pagkanta ko.
" Tara na nga uwi na tayo. " Aya ko dahil hapon narin at baka abutan kami ng gabi.
Hinawakan niya ang braso ko kaya inalis ko rin agad. " Kaya ko na okay?" Natatawang sabi ko.
Hinatid ako ni kim sa bahay, sumaglit lang siya para sabihin kay dad and mom kung bakit ngayon lang ako nakauwi.
Dumiretso ako sa kwarto at nakita kong umilaw ilaw ang phone ko kasabay no'n ang pag ring.
" Hello? " tss. Anong kailangan niya?
[ Sorry dahil umalis ako kanina. ] sabi pa niya. Eh bakit humihingi siya ng sorry? hindi naman ako nagalet ah.
" I'ts okay. " sabi ko pa, umupo ako sa kama ko at kinalong si jack. Nahirapan pa nga ako eh dahil sa laki.
[ Nakauwi kana ba? ] tanong pa niya.
" Yup. " sagot ko naman. Lumapit ako sa salamin at tiningnan ang itsura ko. Parang tuloy pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa itsura ko. Gulo-gulo kasi yung buhok ko isabay mo pa ang nakakunot kong noo.
[ Anyway are you free for tomorrow?] Free ako bukas? Siguro dahil sabado naman at wala kaming pasok.
"Yeah. I think so? Why?" Bakit naman niya natanong kung pwede ako bukas?
[Date tayo. same with the relationship goals. ] natatawang sabi niya. Pumayag narin ako dahil boaring din naman dito sa bahay.
"Sure, what time and saan mo ako hihintayin?" Tanong ko pa, ano kayang trip niya at nagaaya.
[ Sa kanto ulit at exact 9:00 am, don't be late. ] ako pa talaga ang malelate? Eh ang lapit lapit lang.
" Yeah. Sige na ibababa ko nato. Magbibihis pa ako ng pantulog. " sabi ko habang nagkakalkal sa closet.
[ Ako nalang ang magpalit sayo. ] sabi pa niya. Kaya nanlaki ang mata ko, kanino ba siya nagmana at napakapervert?!
" Ewan ko sayo. Bye! " pinindot ko na ang end call at nagbihis na.
****
" Saan ba tayo pupunta? " tanong ko habang nakatingin sa kalsada.
" Mall. " tipid na sagot niya habang nagdadrive.
Napasandal nalang ako sa upuan at pumikit,nagulat naman ako noong hawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya. Siguro dahil sa aircon dito sa kotse niya.
" Ayoko sa mall. " sabi ko eh diba parang ang common na masyado dapat yung hindi masyadong pinupuntahan ng mga couples.
Hininto niya ang kotse at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.
" Saan mo gustong pumunta?" Tanong pa niya kaya ngumiti ako at kinindatan siya. Mukhang mageenjoy kami nito ^^,
KIM
" Kim magusap naman tayo. " mag usap? Ang alam ko tinapos na niya ang lahat saamin.
" A-yo-ko! " sabi ko at nilagpasan siya. Hinawakan naman niya ang braso ko.
" Doon ka sa babae mo! " mataray nasabi ko at inalis ang pagkakahawak niya.
" Ang gusto kolang naman magkaayos na tayo hindi ko naman hinihiling na magkabalikan tayo. Pero kim minahal kita pero ayokong magpakaunfair sayo." Magpakaunfair? Tss. Naging unfair na siya dahil hinayaan niya 'kong magmukhang tanga!
" Hindi ko pa kayang makipagayos sayo kaya layu-layuan mo ko,tsaka baka makita ka ng boyfriend ko at isipin pa niyang may iba ako. Ayokong maging kalahi mo!" Inis na sabi ko, ang totoo niyan hindi ko pa kaya dahil hindi pa ako nakakamove-on.
" Boyfriend? " takhang tanong niya. Anong boyfriend? O_O sinong boyfriend ko?
" Oo may boyfriend ako! " huhu! Kahit wala naman talaga.
"Sino?" Tanong pa niya. Bakit pa siya nagtanong? Eh wala nga akong boyfriend.
" Siya! " turo ko sa lalaking kadadaan lang kayanapatingin din ito saamin.
" Ikaw?" Gulat na tanong ni Ivan doon sa lalaki.
" Anong ako? " takhang tanong niya kaya napasapo ako ng noo.
Ang tanga mo kim! Si Drake yan eh. ㅠ.ㅠ
YUNA
" What's that? Nakakadiri naman. Shit! Papakainin mo ko nyan?" Halos gusto kong paliparin ang lalaking kasama ko dahil sa napakaarte. Sa street foods ko lang kasi siya dinala at dahil masyadong mayaman ang isang to. Mukhang imposible na mapakain ko siya ng ganito.
" Isaw yan. Try mong tikman. " kinuha ko ang isa at itinapat sa bibig niya, nagdalawang isip pa nga sya kung ibubuka niya o hindi ang bibig niya. Pero tumikim naman siya.
Natatawa ako sa itsura niya dahil pulang pula ang pisngi niya.
Isusubo na sana ang isawna hawak ko ng bigla niyang agawin at kainin. Ang arte arte tapos aagawan din pala ko. Mukhang nasarapan siya dahil kumuha pa siya ng dalawa.
" Enough hindi na maganda kapag nakakarami, wait kalang diyan ah marami pa tayong titikman. " sabi ko sa kanya kaya nagsimula na kaming lumapit isa isa samga nagtitinda.
Nabusog ako pero hindi naman lahat ng streetfoods ang kinain namin. Syempre iwas iwas baka magkasakit pa kami.
" Hi baby. " sabi nung babae at lumingkis sa braso ni jake. Pansin ko lang ha. Lapitin siya ng iba't ibang babae.
Nagulat ako noong pisilin niya yung ilong ng babae, mukhang nakalimutan na ata niyang kasama niya ko.
Binulungan niya yung babae at parehas silang nagtawanan. Feeling ko tuloy ako yung pinagtawanan nila dahil sabay pa silang nakatingin sakin.
" Alis na tayo. " bulong ko kay jake, ayokong masira yung araw nato dahil sa kanila.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tuloy lang siya sa pakikipagpalitan ng ngiti sa babae parang nakikita yung playboy side niya and I hate it!
" Bahala kana nga mas pipiliin ko nalang makasama si jack sa bahay kaysa sayo! " Inis na sabi ko at naglakad paalis sa tabi niya.
At talagang hindi niya ko sinundan? Bwisit basta makapaglandi lang talaga. Kaya ayoko talaga sa mga playboy eh!
********
[ A/n : Minadali ko lang ang chapter na ito dahil baka bukas hindi ako makapag UD! kaya mianhe T___T ]
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.