CHAPTER 15

1.8K 138 24
                                    

" Umalis kana bro. Ako ng bahala sa girlfriend ko!"

" Girlfriend? Eh sino si jasmine sayo?" Natatawang sabi ni Ivan at hinila ako para makawala sa yakap ni Jake.

" Stop acting like this Ivan! You don't fvcking care about us!" Inis na sabi ni jake at muli nanaman akong hinila.

" Eh G*go kapala eh! Matapos mong saktan si yuna tapos babalik balik ka na parang walang nangyare?!" Tumayo si Ivan pero nanatiling nakaupo si Jake habang yakap yakap ako. Shit! Baka magkagulo sila.

Pero bago mangyare 'yon. Nangielam nako. " Stop! Umalis na lang kayo pareho kaysa magaway kayo. " Inis ko pang sabi. Ayokong mangyari ngayon yung nangyari kanina.

" No,Yuna hindi kita iiwan!" Seryosong sabi ni Ivan. Kaya napafacepalm nalang ako. Mukhang hindi kami matatapos nito.

" T*ngina! Hindi kaba nakakaintindi? Aayusin lang namin ng girlfriend ko yung misunderstanding namen kaya bro labas kana 'don!" Napalunok ako ng bahagya dahil sa sinabi ni Jake. M-may pagasa pa na magkaayos kami?

Tiningnan ko lang si Ivan pero natahimik lang siya, maging si jake ay pinapasadahan ng kamay ang buhok.

Muli nanaman niya akong niyakap ng mahigpit. Diba tapos na ang lahat? Bakit ba siya nagbibigay motibo na pagsisihan ko na tinapos ko ang pagpapanggap namin.


" Yuna, Im sorry. " bulong niya habang yakap yakap ako, ayan nanaman ang mata ko nagiging gripo nanaman.

" U-umalis kana. " nanghihinang sabi ko. Parang anytime kasi babagsak ako.

Umayos ako ng upo at tiningnan si Ivan na masamang nakatingin kay jake.

" Mauna kana Ivan, may dapat lang kami linawin." Sabi ko pa. Gusto ko lang naman linawin ang lahat dahil gulong gulo pa ko sa nararamdaman niya.

" Pero yuna. Diba masakit ang ulo mo kaya please umuwi kana. Ihahatid na kita sa bahay nyo. " sabi pa niya. Naappriciate ko naman na concern siya kaya lang gusto ko syang umalis dahil ayokong marinig niya ang usapan namin ni jake.

" Nah. I'm okay na kaya pwede mo na kong iwan. " nakangiting sabi ko pero deep inside sobrang sakit na. Para lang maniwala sya.

" Fine. Pero itetext mo ko kapag nakauwi kana. " tumango lang ako at ngumiti bago siya umalis.

Nang makalayo na siya nabaling na ang atensyon ko kay jake na nakakunot ang noo.

" M-may gusto kaba kay Ivan?" Napairap nalang ako dahil sa tanong niya. Ano naman ngayon? Pero seriously kaibigan lang ang tingin ko kay Ivan.

" Wala. Ano pa bang kailangan mo? Diba sabi ko bumalik kana kay jasmine!" Inis na sabi ko. Tama na yung mga luhang nasayang ng dahil lang sa kanya.

nagbuntong hininga lang sya at nanlaki naman ang mata ko ng hawakan nya ko sa pisngi at nakatingin lang sya sakin ng diretso. Buti nalang kami lang ang tao dito dahil yung iba may mga klase na.

" Why?" Tanong ko pa. Diba mahal nila ang isa't isa?

" S-she's pregnant. " B-buntis si Jasmine?!

Halos masamid ako dahil sa sinabi niya. What the-- I can't beleive this. Kaya pala hindi nya kayang bitawan.

Ang sakit lang <\3

"Don't cry." Sabi pa niya at pinunasan ang luha ko. Kaya hinampas ko siya ng hinampas sa dibdib.

" Kakaamin ko lang sayo na mahal kita tapos nabuntis mo na agad siya? You shit! Nagpanggap pa tayo. This is bullshit!" Naiiyak na sabi ko. Tuluyan na nga talagang magtatapos ang storya namin.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon