Mahigit isang oras na akong naghihintay kay jake dito sa tapat nang school.
Napapadalas naman ang pagtingin ko sa relo na suot ko dahil ilang minuto nalang magpeperform na kami.
" Magsisimula na ah. Di kapa ba papasok sa loob?" Tanong ni Ivan kaya umiling ako.
" Hihintayin ko pa si Jake, umuwi lang siya saglit may kukunin daw siya eh. " sabi ko kaya tumango nalang siya at pumasok sa loob.
Pansin ko ang pagkabalisa ni Ivan nitong mga nakaraang araw siguro dahil hanggang ngayon hindi parin sila magkaayos ni kim. Dapat yata kausapin ko na si kim dahil may boyfriend na siya at para naring maipakita niya na nakamove-on na talaga siya.
Hayy, maiintindihan kaya ni jake kapag dumating yung araw na kailangan ko siyang iwan?
Ilang months nalang matatapos na ang aking highschool life kaya kailangan ko ng umalis at pumuntang amerika.
Naiintindihan ko na ang parents ko. Noon pa man sinabi na nila sakin ito, na may sakit ako kaya pupunta akong ibang bansa para magpagamot kaya lang dahil sa sakit ko nawala sa ala ala ko dahil kasama na yon sa past.
Curious lang ako, ano kayang mga bagay ang nawala sa ala ala ko noon?
May mga tao ba akong nakalimutan? May tao bang naging dahilan ng paglimot ko sa nakaraan?
*phone rings
" Hello?"
[ Babe start naba? ] tiningnan ko ang screen ng phone ko. Si jake pala, hindi ko kasi ugaling tingnan yung screen kapag may tumatawag.
" Hindi pa naman babe pero sa tingin ko magiistart na. Nasaan kana ba?"
[ Pumasok kana sa loob hahabol nalang ako. ] eh. Pano niya nalaman na nasa labas ako?
[ Sabi ni kim nasa labas kapa. Haha sige na babe pumasok kana. ] natatawang sabi niya sa kabilang linya. Pero hindi niya pa sinasagot kung nasaan siya.
Ibubuka ko palang sana ang bibig ko para tanungin siya ulit kaya lang biglang naputol ang tawag.
Sa loob ko na nga lang siya hihintayin. Baka nasiraan lang siya ng sasakyan kaya natagalan siya.
Papasok pa lang ako ng gate nang muntik na akong mahagip ng isang kotse. The hell! Hindi ba siya marunong magdrive?!
Inatras niya ang kotse niya at pumatay sa harap ko. Binuksan niya ang bintana kaya nakita ko ang nakakairita niyang mukha.
" Sa susunod magingat ka naman sa pagdadrive! Muntik mo na kong mabangga eh!" Inis na sabi ko at talagang nagagawa pa niyang tumawa.
" Hindi kapa rin nagbabago. " nakangising sabi niya. Huh? Hindi pa raw ako nagbabago? Hindi naman kami magkakilala kaya paano niya nasabi? Loko loko rin ang isang to eh.
Inirapan ko siya, " Tss. Sino kaba?" Tanong ko pa.
" I'm Bryan. " nakangiting sabi niya. Pinilit kong alalahanin kung sino siya pero wala akong natatandaan na kahit ano. Kaya baka niloloko niya lang ako.
" Babe! "Napaatras ako noong hilahin ako ni jake papuntang likuran niya. "Diba sabi ko sayo pumasok kana sa loob? Bakit ba ang tigas ng ulo mo yuna?!" Napaiwas ako ng tingin dahil sa pagtaas ng boses niya.
" Layuan mo girlfriend ko! Diba nagusap na tayo?! " inis na sabi ni jake. Pinagtitinginan na tuloy kami dito. Teka nga bakit ba siya nagagalit? Magkakilala ba sila?
" Di ko maipapangako pre. Una siyang naging aken!" Isininara ni Bryan yung bintana ng kotse niya at pinaandar ito.
Napayuko ako noong tingnan ako ni jake. Huhu.. baka ako pagbuntungan niya ng inis.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.