CHAPTER 13

1.8K 142 18
                                    

Kanina pa ako patingin tingin sa phone ko dahil kagabi pa noong huli akong replyan ni jake. Nakakainis hindi man lang nag good night edi sana hindi ako parang tanga na naghihintay ng text at tawag niya.

" Yuna kanina pa ako daldal ng daldal dito hindi ka man lang nakikinig. " nakapout na sabi ni kim. Going to school na kami nakakapagtakha nga dahil walang drake na sumundo saamin. Magkasama kaya sila ni jake? Hay. Bakit ko ba iniisip yung taong yon.

" Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko pa sa kanya. Kasalanan kobang lipad ang isip ko? Ah basta naiinis ako!

" Kita mo na, kita mo na hindi ka talaga nakikinig! Ang sabi ko dapat ko pa bang pagselosin si Ivan kay Drake?" Sabi pa niya. Parehong pareho kami ng sitwasyon kaya lang ako yung ginagamit at siya naman ang gumagamit.

" Kung ako sayo tumigil kana baka mainlove kalang kay drake." Sabi ko pa pero umakting lang siya na parang nasusuka.

" Pwe! Sa alien na 'yon maiinlove ako? Duh~ hindi siya yung Ideal man ko no. " napangisi nalang ako at umiiling iling. Ganyan din kaya yung nararamdaman sakin ni jake? Hindi niya ako magagawang mahalin.

" Baliw ka talaga. " natatawang sabi ko. Hayy. Pero may chemistry sila basta kahit sino sa mga kakilala ko boto ako sa kanila para kay kim.

Nang makarating na kami sa loob ng school nagpaalam na agad siya sakin para pumunta sa room niya. Dumiretso narin ako ng room at sakto namang wala pang teacher. Nakakapagtakha hindi nila ako napansin dahil lahat sila nakadungaw sa bintana.

Hindi ko na sila pinansin at umupo nalang ako. Bakit kaya wala rin si Ivan? Baka naman may practice sila sa basketball or sa music room.

@nakakaawa naman si jake huhu..

@ bakit sila nag away?

@Diba si Jasmine yung girl na katabi ni jake?

@Malandi rin pala 'yang Jasmine na yan.

@ No! Una palang sa kanya na talaga si Jake noh. Kaya ayos lang kung magkabalikan sila ulit.

Ano bang mga binubulong bulong nila at nababanggit nila si Jake at Jasmine.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagbukas ng facebook. Buti nalang hindi na sumasabog ang notif. Ko

Puro scrolldown lang ako, pero may isang post na nakakuha ng atensyon ko.

"Jake and Jasmine shipper. "

Natapos ang pagloading kaya nakita ko ang mga picture. Si jasmine at si jake nga bakit magkayakap sila?

" Yuna!" Tawag sakin ng isa kong kaklase kaya napatingin ako sa kanya. " Diba boyfriend mo si Jake bakit hindi ka makisali doon?" Nakangising sabi pa niya kaya kumunot ang noo ko. Ano bang meron?

Lumapit ako sa bintana at nakidungaw narin. O_o B-bakit sila nagaaway? Anong dahilan?!

Lumabas ako ng room at tumakbo papuntang court nandoon kasi sila hayy. Mga engot sila nanga lang magkakaibigan nagaaway pa.

" GAGO KA! PAANO MO NAGAGAWA KAY YUNA 'TO?!" Sigaw ni Ivan kay Jake.

" WALA KANG ALAM!" Sigaw din sa kanya ni Jake, ano bang pinagaawayan nila? At bakit nasasali ang pangalan ko?

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon