CHAPTER 18 - Kim&Drake

1.5K 116 14
                                    


KIM

" Kimeneah ang bagal mo talagang kumilos ano?" Sino bang nagsabing hintayin niya ko? Baliw talaga 'tong bestfriend ko.

" Oo na. Lumabas kana nga muna ng kwarto ko para makapagbihis na ko."sabi ko pa kay yuna. Natawa naman siya bago lumabas. Tss. Nakatapis lang kasi ako ng twalya kaya kitang kita yung malaki kong nunal sa dibdib.

Hayy, ihahatid kasi namin si drake sa airport. Nakakalungkot lang kasi dalawang buwan ding walang alien na kukulit sakin.

Nang matapos nakong magbihis at magayos. Lumabas na ako ng kwarto para puntahan si yuna. Kasama niya rin pala sina Ivan at yung mga boys na kagrupo ni drake. Lumapit ako kay drake para ayusin yung nalukot niyang suot.

" Inlove kana naman bestfriend." Natatawang sabi ni yuna kaya ngumiti nalang ako. Baka kasi kapag tumaray ako isipin pa nila na ayoko kay drake kahit gusto ko naman.

G-gusto ko? I mean ginusto kong magpanggap na mag fake lang kami, anong akala nyo maiinlove ako sa isang alien??!

Napaharap ako kay drake nang hawakan niya ako sa baba.Parang nakakabaliw kasi nakatitig siya at nakangiti sakin pero napapikit nalang ako ng ikiss niya ako. Smack lang kaya ang ingay at puro tukso ng mga kaibigan niya lang ang naririnig ko, except kay Ivan na nakangiti lang.

" Tama na drake baka hindi kana payagan umalis nyan." Natatawang sabi ni joey. Napailing nalang ako at napangiti. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti di ko alam kung bakit.

" Tara na baka mahuli kana sa flight drake. " Aya ni Ivan at nauna na sa pinto. Nagrereminiscenes tuloy ako noong nagpupunta dito sa bahay si Ivan para sunduin ako.

" Hindi nyo naman kailangan pang ihatid ako. dalawang buwan lang naman ako mawawala." Natatawang sabi ni drake kaya hinampas ko siya ng bag na dala ko. Nakakainis paano namin malalaman kung safe ba siyang makakapunta doon?!

Huhu! After namin syang ihatid diretso agad kaming school dahil mamaya narin ang competition. Hindi tuloy siya makakapagperform.

" Nakakainis ka Drake! Palibhasa hindi mo ako mamimiss. " naiinis na sabi ko ang unfair! siya mamimiss ko. Kahit papano may pinagsamahan kaming dalawa tsaka I considered him as my friend na rin.

Pinisil niya ang pisngi ko huhu. Kita mo na sinaktan pa'ko ang sakit tuloy ng pisngi ko.

" Mahal kita kim kahit hindi mo ako nagawang mahalin noon. mahal na mahal parin kita. " bulong niya kaya sapat na 'yon para marinig ko. M-mahal niya ko noon pa?

" A-an--"

" Tara na 9:00 ang flight mo diba drake? Isang oras nalang tsaka babyahe pa tayo. " Sabi ni yuna kaya tumango lang si drake. Muli naman siyang humarap sakin at ngumiti.

" Nevermind. " sabi niya lang at ginulo ang buhok ko bago lumabas. Pero curious pa rin ako sa sinabi niya.

Nasa kalagitnaan kami ng byahe hinayaan ko nalang na magkulitan sila. Si yuna nakaearphone habang yakap ni jake at yung mga boys nagtatawanan at asaran. Gusto ko sanang makisali sa kanila kaya lang nandoon si ivan at wala lang talaga ko sa mood.

Nakaharap lang ako sa bintana at pinagmamasdan ang mga nadadaanan namin.

" Dapat hindi kana sumama eh." Sabi ni drake kaya sinamaan ko siya ng tingin. kung sinabi niya lang kanina pa na ayaw niya kong kasama edi sana hindi nalang talaga ko sumama. "Baka mapilitan akong huwag umalis." Dagdag pa niya. Feeling ko tuloy ang init init nang maging dahilan ng pagpula ng mukha ko.

" Bakit ka aalis? Hindi mo pa sinasabi sakin yung dahilan." Natahimik naman siya sa tanong ko. Bakit naman siya pupunta ng US ng walang dahilan?

" M-may Fia-- ugh.. paano ko ba sasabihin. " kumunot naman ang noo ko. Wala naman akong naintindihan nagiging ngongo na siya.

" Ano?"

Nagbuntong hininga siya. "May Fia-"

" We're here!" Sigaw ni king kaya napatingin kami sa kanya.

" Let's go. " bumaba na si drake ng van kaya sumunod nalang din ako. Hindi niya na tuloy na sabi yung dahilan niya.

Nasa labas kami ng airport pero tanaw na tanaw namin ang mga malalaking airplane.

" Alis na ko mga bro's. " sabi ni drake kaya nagtapikan sila ng mga balikat. " Yuna alagaan mo sana ang bestfriend mo. " nag apir naman sila.

" Kung makapagbilin akala mo di na babalik. " natatawang sabi ni yuna.

Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko tsaka ko pinunasan ang mukha ko. Mali 'tong kutob ko na baka hindi na siya makabalik o dikaya makahanap na siya ng iba doon.

" Wag kang lalapit sa ibang lalaki habang wala ako maliban lang sa mga kaibigan ko. "

" Eh paano kung lumapit ako. May magagawa kaba?" Sabi ko pa kaya natawa siya.

" Fine. Hindi nalang ako babalik." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang yun lang? Grabe mangblackmail to ah.


" Oo na. Hindi napo ako lalapit. " waaah. Mamimiss ko si drake. "P-pwedeng payakap?" Request ko, hindi ko na siya hinintay makasagot. Hinatak ko nalang siya agad para mayakap ng mahigpit.

Naiiyak ako waaaaaah! Ako nalang tuloy mag-isang mangiistalk kay Ivan.

Inaakit kasi ni drake ng palihim yung mga dumidikit na babae kay Ivan para lang hindi sila maging linta.

Kahit ramdam ko na labag sa loob niyang gawin yun. Ginagawa niya parin para sakin.

" Kim, bitaw na tinatawag na yung mga pupuntang US. " sabi ni jake pero hindi ako bumibitaw. Maski si drake hindi rin bumibitaw.


" Kim ano ba. Baka maiwanan siya ng eroplano. " rinig kong sabi ni yuna. Dahan-dahan naman akong bumitaw pero pilit ding ibinabalik ni drake sa pagkahigpit.


" Pagbalik ko sana maamin mo na yang nararamdaman mo. " bulong niya bago bumitaw. Ramdam ko naman na mula sa pagkabitaw niya na maaaring hindi na siya bumalik.

Ang alam ko si Ivan talaga ang gusto ko aish!



"Mga bro's si kim pakibantayan hangga't maaari bakuran nyo nang walang makalapit ng kung sinong lalaki. " mukhang tanga tuloy ako dito. Naiiyak at ngumingiti.



" Sige magiingat ka. " sabi naming lahat pero bago siya umalis hinalikan muna niya ko saglit.


"magpromise ka muna na kahit anong mangyari magtitiwala kalang sakin. " huh? Ano bang sinasabi niya.

" Promise magtitiwala ako sayo." Sabi ko nalang. Ngumiti naman siya lalo.

" Good. Bye guys. " paalam niya at tuluyan na ngang pumasok sa loob.




Saan ako magtitiwala? Kung babalik pa siya o hindi na?/








*****

[ Sana magustuhan nyo sina kim at drake para madalas ko din silang ipasok sa kwento. Writer's block pako kila yuna pero sila yung sa next chapter dont worry!😂 ]









Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon