CHAPTER 11

1.8K 131 23
                                    

" Hindi kaba masaya na nandito ako jake?" Nakangiting sabi niya bago lumapit kay ate jane at nakipagbeso ganoon din sa parents ni jake.

" Tss. Ibang klase " bulong ni jake at umupo ulit.

" Maupo ka iha at sumabay kana rin saamin. " sabi ni tito. Umupo naman si jasmine at kapag minamalas ka nga naman sa tabi pa ni jake ang may bakante.

Hinila ni jake papalapit saakin ang upuan niya kaya nagkaroon ng medyo malaking space sa pagitan nilang dalawa.

" Babe kumain ka pa ng marami ayokong nagugutom ka. " sweet na sabi niya at dinagdagan ng pagkain ang plato ko.

" Thanks. " nakangiting sabi ko at nagsimula ulit kumain.

" Ano nga palang ginagawa mo dito iha?" Tanong ni tita kay jasmine, napatigil naman saglit si jasmine sa paglalagay ng pagkain sa plato niya.

" Tinext po kasi ako ni ate Jane sabi niya pinapapunta nyo daw po ako." Sabi pa niya, so kaya pala siya nandito dahil pinapunta lang siya ni Ate Jane?

" Ate! Bakit mo pa siya pinapunta?" Inis na sabi ni jake.

" Sorry okay. Hindi ko lang kasi tanggap na wala na kayo ni jasmine!" Paliwanag ng ate niya.

" Ate naman, May girlfriend na ko!" Sabi pa ni jake sa ate niya. Nakayuko lang ako habang pinakikinggan sila, mukhang close na close talaga si jasmine kay ate jane.

" Magkaliwanagan nga tayo jake, diba mahal na mahal niyo ni jasmine ang isa't isa? Bakit ba kayo nagkaganyan o baka naman nilandi kalang ng yuna na yan!" Nanlaki ang mata ko kasabay ang pagtulo ng luha ko. Ako nanaman ang may kasalanan? Lahat nalang ba tingin sakin malandi?!

" Si Jasmine ang may kasalanan kung bakit kami nagbreak! Tsaka huwag mong sinasabihan ng malandi si Yuna dahil mahal ko siya!" Hingal na tila sasabog na siya sa inis. Pero ako nakayuko lang, at hindi ko madepensahan ang sarili ko.

" Sorry Jake,mahal kita!" Sabi ni jasmine. Nakita ko din na tumulo ang luha ni jake. Please jake. Huwag ka munang bibigay.

Sa sandaling pinagsamahan namin, inaamin kong mahal ko na siya hindi ko alam kung paano nangyari basta naramdaman ko nalang.

Napatingin at napatahimik sila kay tito na tumikhim.

" Respeto nasa harap kayo ng pagkain. " seryosong sabi ni tito. Napairap nalang si ate jane at si jasmine na nagpunas muna ng pisngi bago nagsimulang kumain ulit.

" Are you okay?" Tanong ni jake at inakbayan ako. tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko atsaka ako tumango.

" Please don't cry. " sabi pa niya at pinunasan ang pisngi kong basa narin ng luha.

" Excuse me po. " tumayo ako at tumakbo palabas. Naiinis ako sa sarili ko dahil nalaman ko na sa sarili kong mahal ko na talaga siya.

Pumunta akong Memorial kung saan pinuntahan namin ni jake noong umiyak siya dahil kay jasmine.

Kailangan ko nabang magdesisyon na itigil na namin to? Ito ba yung sinasabi nilang One sided love? Ang sakit pala.

" Tuwing nakikita kita para kang may problema. " tumabi siya sakin at tumingin sa malayo.

" Anong ginagawa mo dito? " tanong ko pa. Siguro naman wala siyang balak Inisin ang araw ko.

" Para Inisin ka. " napairap naman ako. Kakasabi ko lang eh.

" Ano nga bang ieexpect ko? Si Ivan ka eh. " sabi ko pa. At tumingin din sa malayo.

" knock.. knock " napatingin ako sa kanya at nakangiti rin siyang nakatingin saakin.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon