CHAPTER 26

1.3K 94 13
                                    

Tahimik akong nakasakay sa kotse ni Bryan. Binigyan niya ako ng makakain at maiinom. Siguro kaya ako nanghina dahil sa gutom.

Inihatid ako ni Bryan sa bahay, umalis din siya agad pero bago 'yon. Sinabihan niya ako na huwag ko nang uulitin 'yong hindi kumain sa tamang oras.

Nang makapasok ako. Sinalubong ako ni Mommy ng yakap. Hayy, mukhang pinag-alala ko siya.

" Anak naman. Anong oras na oh. Tapos hindi ka manlang sumasagot sa tawag ko. Akala ko kung ano ng nangyari sayo." Nagiguilty tuloy ako sa ganitong reaksiyon ni mommy.

" Mommy, aalis nako." Naiiyak na sabi ko. Feeling ko nabibiyak yung puso ko.

" Sige anak, magpahinga kana." Tumingin ako sa sahig at bumuntong hininga.

" No mom. Gusto ko ng pumunta sa america para magpagamot. " sabi ko pa. Siguro kaya ako ipagpapalit ni jake kay shakira dahil sa sakit ko.

" Sigurado kaba anak? Teka nga. Nagkaproblema ba kayo ni Jake?" Hindi ako sumagot at niyakap nalang siya. Ang sakit! 'Yon ang masakit. Ayokong malaman niya.

" Hayy nako, pero sige anak. Bukas na bukas aalis tayo. " ngumiti si mommy at pinunasan ang pisngi ko. Nagpaalaman narin ako sa kanya bago dumiretso sa kwarto ko.

Si Kim din pala. Hindi alam yung tungkol dito kaya kailangan kong makipagkita sa kanya bukas.

Kinuha ko yung maletang nasa ilalim ng kama ko bago ko binuksan ang aking closet.

Itinupi ko ang mga damit na dadalhin ko, napansin ko ang itim na jacket na nakausli sa gilid. Ramdam ko nanaman ang pagtulo ng luha ko. Kay Jake 'to. Hindi ko papala nasasauli. Siguro ito yung sign na kailangan kong makipagkita sa kanya bukas para makapag-paalam.

KIM

Tinawagan ko si Yuna para sabihin na huwag kaming tumuloy sa U.S bwisit kasi na Alien na 'yon.

Flashback

Infairness ang bait ng boyfriend ng bestfriend ko. Sana talaga magtagumpay kami sa pagpunta namin doon.

" Anak, mukhang goodmood ka ha. " salubong ni mommy.

" Nakakapangit ang Badmood mom. Tingnan mo si Yaya pleng. Laging stress. Kaya nagkaganyan. " natatawang sabi ko.

" Ako nanaman ang natripan mo kim ha. " sabi pa niya at dinuro ako ng tinidor. Haha kapag niloloko lalong lumalaki yung mata.

" Si Madam din mukhang laging Badmood kaya nagkaganyan. Mabuti nalang at hindi ka nagmana sa mommy mo kim. " tawa ng tawa si Yaya pero ako sumimangot at pasimpleng naglakad paalis. Di na ko magtatakha kung bukas nasa labas na yung mga gamit niya.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon