CHAPTER 24

1.4K 97 8
                                    

Kanina pa ako paikot-ikot dito sa kwarto ko.

Ang tanga ko talaga bakit ko nagawa 'yon? Nasaktan ko pa tuloy si jake huhu. Sarap lang iuntog ng ulo ko para hindi na maalala yung nakaraan eh!

Seriously kanina pa ako napapaisip na habang naaalala ko si bryan hindi manlang pumasok sa isip ko si jake hindi kaya?

Iling-iling hinding hindi ko siya makakalimutan atsaka isa pa masaya ako sa kanya at hindi siya gumagawa ng dahilan para makalimutan ko siya.

"Anak gising kana pala. " sabi ni mommy na kakabukas lang ng pinto ng kwarto ko.

"Bakit mom? " tanong ko. Isinara niya muna ang pinto bago lumapit saakin.

"Nakapagisip-isip kana ba anak? Naikwento saamin ng daddy mo ni jake yung nangyari kanina." Hindi ako nagagalit kay jake na ikinwento niya sa parents ko yung kagaguhan na ginawa ko kanina. Alam kong sobra siyang nasaktan dahil kahit ako nasaktan din sa ginawa ko. Wala akong kwentang girlfriend!

"Mommy, I want to spend more time with jake dahil baka hindi maganda ang kalabasan ng test na gagawin sakin." Naiiyak na sabi ko ayoko kasing iwan si jake alam ko naman na maiintindihan niya ko kaya lang ayoko na umasa siya na gagaling talaga ako.

" Pero anak week nalang ang pwede mong ibigay kay jake na araw para makasama siya. I'm sorry daughter pero ang gusto lang namin ay yung gumaling ka. " inayos ni mommy ang buhok ko bago ako niyakap. Siguro dapat ko ng ipaalam kay jake 'to. Nasasakanya naman kung hihintayin niya ko. Ako ipinapangako ko na hindi siya mapapalitan sa puso ko.

" Sige po mommy payag na ko, alam ko naman na maiintindihan ako ni jake." Pilit na ngiting sabi ko, ngumiti naman si mommy kahit na may luhang tumulo sa pisngi niya.

"Masaya ako anak dahil pinili mong magpagamot hindi lamang para sa sarili mo. Magpapagamot ka para saaming mahal mo sa buhay. Magpapagamot ka dahil ayaw mong makalimutan kami, Ilove you nak." Nakakainis 'tong si mommy, pinapaiyak ako huhu.

Kinabukasan maaga akong gumising para makapagluto ng pang lunch nqmin ni jake sa school. First time ko lang 'to nagawa dahil gusto kong maglambing sa kanya para naman kapag umalis ako hindi niya talaga ko makakalimutan.

" Yaya, tikman mo nga kung masarap. " nakangiting sabi ko sa isang kasambahay namin. Naiilang pa nga siyang lumapit eh.

Inabutan ko siya ng kutsara at agad naman niya 'yon kinuha. Tinikman niya yung luto ko. Nakangiti siya siguro masarap.

" Masarap ba?" Excited na tanong ko.

" Opo ma'am, pwede ka na nga pong magasawa eh. " nasamid naman ako sa sinabi niya. Tsk epekto lang siguro ng luto ko kaya kung ano-ano yung sinasabi niya.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon