CHAPTER 30

1.6K 94 7
                                    

“ Uh... why did you know me?” ganito na ba kalaki ang pinagbago ko kaya hindi niya na ako makilala?

“ W-wala, nakikita lang kita sa T.v” pagpapalusot ko. Bakit parang nag-iba yung pakiramdam ko? Parang hindi si Jake ang kaharap ko.

“ Akalain mo nga naman, may nakakilala pa rin sakin kahit nakapang-disguise na 'ko. ” kung tutuusin hindi ko na siya makikilala dahil sa nakasuot siya ng shades at naka-bonet.

“ Mommy, diba siya si Jake Lee, yung pinapanuod natin sa T.v? ” sambit ni Nayu kaya tumango ako at ngumiti.

“ Really? Idol mo pala 'ko. ” Bumaba siya ng konti para pumantay sa anak ko. Bakit ganito? Naiiyak ako.

Sinuot ko yung shades ko na nakasabit sa suot kong damit, ayokong mahalatang naiiyak.

“ Ah opo, marami nga pong nagsasabi na magkamukha raw po tayo eh. ” natawa naman si Jake sa sinabi ng anak namin. Siguro kay Kim niya namana yung kadaldalan niya. Hindi naman kasi kami madaldal ni Jake kaya hindi sa'min namana ni Nayu yung pagiging madaldal.

“ Ganon? So pareho pala tayong gwapo. ” napangiti ako sa sinabi ni Jake, hay nako. Wala paring bago.

“ Opo. ” Confident na sabi ni Nayu. Mag-ama nga sila.

“ Sige mauna na ako ha? Hope to see you soon. ” Ginulo niya ng kaunti ang buhok ni Nayu, “Ah,miss una na 'ko. Salamat sa time, nakakatuwa 'yang anak mo. ” Anak natin. Tumango ako at ngumiti.

“ You're welcome, bye ”

Feeling ko ang sikip-sikip ng pakiramdam ko dahil medyo nagi-guilty pa rin ako sa nangyari, alam kong magagalit siya sakin dahil inilayo ko si Nayu sa kaniya ng mahigit sampung-taon.

----

“ Nayu, Mag-play lang kayo diyan ha. H'wag mag-aaway. ” Sabi ko kay Nayu matapos kong punasan yung likod niyang may pawis.

Nandito kami ngayon sa bahay nila Kim at Drake dahil si Mommy may biglaang meeting sa Company namin,  masyadong boaring sa bahay tapos isabay mo pa yung Jetlag ko.

“ Nasabi mo naba sa kaniya? ” Tanong ni Kim, pero umiling ako.

“ I'm not ready, alam kong magagalit siya kapag sinabi ko. ” tiyaka isama mo pa na hindi niya na ako makilala.

“ Hindi habang-buhay, maitatago mo si Nayu sa kaniya. ” Alam ko naman iyon kaya lang may pamilya na si Jake at wala akong balak sirain sila.

“ I know. Pero ngayon hindi muna. Alam kong may tamang panahon para diyan. ” sambit ko pa. Kailan naman kaya 'yon? Natatakot ako na baka kunin niya sakin si Nayu tapos saktan lang siya ni Shakira.

“ Yuna, Sumabay na kayo samin kumain, malapit na 'tong niluluto ko.”  halos matawa ako kay Drake na naka-apron. Mukhang under siya kay Kim ah.

Lumapit siya samin na may hawak pang sandok.

“ May reunion sa Linggo, sama ka?”  sabi pa niya. Reunion kasama yung mga kabanda nila dati? Infairness nakakamiss din sila, siguro may kaniya-kaniyang pamilya na rin sila.

“ I'll try. Baka kasi hindi pumayag si Nayu na umalis ako ng hindi siya kasama eh. ” Sambit ko sabay tingin kay Nayu na busy sa pakikipaglaro ng Toy car kay Dwayne, babae kasi si Dwim kaya Barbie yung nilalaro niya.

“ Malay mo yun na yung tamang panahon na sinasabi mo para malaman na ni Jake yung tungkol sa anak niyo. ” sandali naman akong napaisip sa sinabi ni Kim.

“ Tiyaka si Jake hindi na namin madalas makita dahil papunta-punta nalang siya sa ibang bansa mula nung umalis ka. ” napilitan lang kaya siyang pakasalan si Shakira noon? O baka naman sa limang taon na nawala ako bago sila ikasal, napamahal na rin siya.

“ Ayoko naman na hindi malaman ni Jake o ni Nayu yung koneksiyon nila sa isa't isa parehas silang may karapatan na malaman 'yon. Feeling ko tuloy ang sama-sama kong ina. ” Naiiyak kong sambit, kauya siguro hindi ako pinalad para kay Jake kasi mas inuna kong gumaling agad ng hindi man lang inisip yung nararamdaman niya. Sana man lang nag-paalam ako para hindi siya nagmukhang-tanga.

“ Alam namin na magwo-worth yung plano mo para sa mag-ama kaya nandito lang kami para suportahan ka sa desisyon mo. ” sabi ni Drake na sinabayan ng tango ni Kim, ang laki talaga ng pasalamat ko sa mag-asawang 'to. Halos sila na rin kasi yung naging katuwang ko sa pag-aalaga kay Nayu. Tumira rin kasi sila sa America at noong last last year lang sila lumipat dito sa pilipinas.

“ Salamat talaga. ” Sambit ko pa habang na kay Nayu pa rin ang tingin ko.

---

Nakalipas ang ilang araw, nag-set na ng place sina Drake para sa gaganaping Reunion.

Sa loob ng sampung taon kung iniisip niyong matanda na ang itsura namin,  ibig sabihin mali kayo ng iniisip. Kumpara noon mas nagkaroon ng achievement ang balat at kutis ko. Si Kim na noon at medyo chubby naging mapayat at sexy, si Drake na hindi masyadong nabiyayaan ng Malalaking muscles ngayon naman ay may abs na. Si Jake naman mas gumwapo ngayon at mas nag-mature ang itsura hindi katulad noon na baby face.


“ Nakakamiss yung pagiging teen-agers 'no? ” Sabi ko kay Kim habang tinutulungan ko siyang mag-luto.

“ Oo nga, tatanda na lang talaga tayo. 29 na kaya tayo. ” Sambit niya habang naghihiwa ng baboy.

“ Buti kapa sinuwerte kay Drake. ” Masuwerte siya dahil mahal na mahal siya ni Drake. Masuwerte siya dahil buo ang pamilya niya.

“ Oo nga eh,akala ko talaga hindi kami para sa isa't isa noon. ” na-kwento niya kasi sakin noon yung tungkol sa pagbabalik ni Drake, kinikilig pa nga siya habang magkukwento eh.

“ Si Ivan, diba sinundan ka niya sa America noong pag-alis mo palang?”

Wala na rin akong balita kay Ivan mula nung pinagtabuyan ko siya, pinagtangkaan niya kasi noon pero lasing siya that time. Hindi ko lang talaga matanggap na kaya niya palang gawin 'yon. Pero kung magkikita man kami sa Reunion siguro kakalimutan ko nalang yung nangyari dahil mukhang pinagsisihan nanaman niya iyon.

“Oo pero diba nga pinagtabuyan ko siya? ” nai-kwento ko na sa kaniya 'yon kaya lang hindi talaga siya makapaniwala kaya nakaraming kwento na ako.

“ May fiance na siya ngayon diba? ” hindi ko alam pero masaya ako kung totoo man 'yon dahil nagmahal na siya ng taong mahal din siya.

“ Ewan, ” nagkibit-balikat ako

Mga ilang-oras ang nakalipas, umuwi muna kami ni Nayu sa bahay para makapag-ayos. Sinabi ko naman kay Kim at Drake na susunod nalang kami sa resort, sinama na rin nila yung dalawa nilang anak para may kalaro si Nayu. Kasama naman yung yaya ni Nayu kaya may magba-bantay sa kanila.

Nang matapos na kaming mag-ayos ni Nayu , dumiretso na kaming resort at mga ilang minuto lang, nakarating din kami agad.

Nagpalista lang ako bago mag-entrance, kahit nasa labas palang ako rinig na rinig ko na ang mga tawanan nila.


“ Hi guys, long time no see. ” nakangiting sambit ko, kumunot naman ang noo ko ng bigla silang natahimik at nanlalaki pa ang mga mata.


“ Oh? Ako 'to si Yuna, hindi niyo ba 'ko nakikilala? ” Sambit ko pa. Napatingin ako kay Jake na nasa baso lang na may lamang alak lang nakatingin.


Ilang sandali pa, nagsitayuan sila at sabay-sabay akong niyakap. Natigil naman sila dahil sa pag-iyak ni Nayu.


“ Woah! Ang gwapo ng batang 'to ah.” Mangha na sambit ni King, at lumapit kay Nayu.

“ Ganyan na ganyan yung itsura ko noon. ” Natawa naman kaming lahat sa sinabi ni Joey.


“ Yuna, sinong yung ama niya? May asawa kana ba ngayon? ” napalunok ako ng bahagya dahil sa tanong ni King.



Natatakot akong sabihin. Alam kong galit sa'kin si Jake, baka kunin niya sakin yung anak namin.


Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon