EPILOGUE

2.1K 100 8
                                    


Kaba na may halong excitement yung nararamdaman ko ngayon. Kagabi kasi nagtext sakin si Jake na magkita raw kami kinabukasan sa Memorial. At ito nga, ngayong araw na 'yon.

Two weeks narin ang nakalipas mula nang malaman niyang anak niya si Nayu. Sa sobrang close nilang mag-ama, halos hindi na sila mapag-hiwalay.

“Mommy, Play daw po kami ni Kenzo.” Sambit ni Nayu habang kinakalabit ako. Si Kenzo, anak siya ni Shakira at Joey.

Halos magka-edad lang sila ni Nayu. Kaya pala hindi rin natuloy ang pinaplano ni Shakira noon, dahil nabuntis siya at pinalayas siya sa pamamahay nila.

“Jack Nayu, wag kang maglilikot ha? Aalis lang si Mommy.” Sambit ko bago maglagay ng lipgloss,

“Pupunta ka po ba kay Daddy?”

“Yup.”

“Magkakabalikan napo ba kayo?”

Natahimik ako dahil sa natanong niya. Kahit ako hindi ko alam kung anong sasabihin niya at kailangan naming magkita ngayon.

“Oh ayan na si Kenzo, play na kayo.” Pagi-iba ko, ayokong umasa siya.

Tumakbo siya papalapit kay Kenzo at nagsimula ng makipaglaro.

Kinuha ko ang susi ng kotse para lumabas na nang biglang mag-ring ang phone ko.

“Hello?”

[I'm here]

Napangiti ako nang marinig ko yung boses niya.

“Hm, paalis narin ako dito sa bahay.”

[Nandito ako sa tapat ng house nyo.]

“Oh no! Baka makita ka ni Nayu, magpu-pumilit na sumama 'yon.” Dahil sa sobrang pagkatuwa ni Nayu sa Daddy niya, hirap na kaming paghiwalayin sila.

[So? Bakit gusto mo 'kong masolo?]

Napasapo ako ng noo dahil alam ko na, na nakangisi siya ngayon. Ts, iba nanaman yung iniisip niya.

“H-hindi ah, sige isama nalang natin si Nayu.” Bakit kahit hindi niya ako nakikita, naiilang parin ako?

[Just kiddin' so ready kana?]

“Yeah, oh wait sina Mom and Dad dumating. Wait lang ibibilin ko lang si Nayu sa kanila.”

[Okay]

In-end ko ang tawag at lumapit kina Mom and Dad.

“Yuna san punta mo?” Tanong ni Mommy,

“Kay Jake Mom, paki-bantay muna si Nayu, naka-leave kasi yung Maid niya.”

“Sana naman magkabalikan na kayo, kahit para lang sa apo ko.” Sana nga Mom, sana.

Tiningnan ko lang si Dad na parang may malalim na iniisip dahil nakatingin lang siya sa sahig.

“Dad, alis na po ako.” Paalam ko at bineso sila ni Mommy, He's mad? Wala naman ako maling nagawa ah.

Pagka-bukas ko ng gate, si Jake agad ang bumungad sakin habang nakasandal siya sa kotse niya.

“Let's go?” Aya niya, tumango naman ako at agad niya akong pinag-buksan ng pinto.

“Thanks,” Sambit ko

Pinaglalaruan niya yung susi sa daliri niya at umikot para pumunta sa Driver seat.

Kinakabahan ako, kahit napakalakas na ng Air-con feeling ko ang init-init parin.

“ Masaya ako na kasama ulit kita.” Sambit niya nang tuluyan na siyang makapasok. Bakit ba siya nambibigla? Ako rin naman masaya.

“A-ako rin” ngumiti ako pero bakas parin ang kaba sa pananalita ko.

Love Is Not A Game [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon