Hinding hindi ko ipagpapalit si yuna sa shakira na'yon. Tangina umpisa palang ang sakit na niya sa mata!
Yes I admit. Marami akong naloko na girls before at totoo rin na si jasmine ang una kong minahal.
Pero hindi ko alam kung bakit nagbago ang lahat siguro noong dumating si yuna sa buhay ko. Pero thanks to her at narealize ko na hindi lang kay jasmine umiikot ang mundo ko.
" Diba si Ivan 'yon? Tara punatahan natin jake. " bagot akong tumingin kay Ivan habang may kinakausap siya na babaeng halata mong iritang-irita.
"Nah! Let him. it looks like interesting. " I smirked. Mukhang mababasted ang isang 'to.
" Okay." Abnormal biglang nagpapout. Nakakadiri akala mo hindi lalaki tss.
Binalikan ko ng tingin yung kausap ni Ivan. Maganda siya kaya hindi na ako magtatakha kung bakit binubulabog siya ni Ivan.
" Shit!" Bulong ko nang makita ko si jasmine. Kailangan ko pa siyang kausapin dahil sa gusto na niyang maghiwalay kami. Akala niya ba papayag ako? Kapag sakin na sakin lang!
" Bro!" Biglang sulpot ni King.
" Basketball tayo. " Aya niya. Himala yata at nagaaya siya. Madalas kasi siyang pinagbabawalan nang girlfriend niya." Pass muna. Kakausapin ko pa si jasmine. " Sabi ko nalang tumango naman siya at tumungo sa kinaroroonan ni Ivan at nung babaeng kausap niya.
Hindi ko alam kung bakit nacurious ako sa babaeng 'yon. Ang weird kasi hindi naman ako ganito ka interesado sa ibang babae kahit na sobrang ganda at sexy pa yan. Pero hindi eh iba siya hindi ko alam pero parang may iba sa kanya.
Hinintay ko sila hanggang sa makaalis si Ivan para malapitan ko yung babae. eh tangina lalapit palang ako may lumapit na agad sa kanya.
Pasimple kong tiningnan si jasmine at base sa kilos niya mukhang hindi niya pa alam na nandito ako sa canteen.
Nakatingin lang ako sa babae at mukhang badtrip na badtrip siya habang kausap yung kasama niya.
Hindi ko na sinayang yung pagkakataon noong umalis na yung kasama niya para lapitan siya.
Nagsimula narin siyang tumayo at maglakad. Damn! Hindi ko alam kung paano ako magsisimulang magpakilala sa kanya.
Huh?
"Miss may tagos ka." Bakit parang nahiya ako sa sinabi ko.
Sa una ang dami pang palusot tss. Tumakbo ako papuntang locker para kuhanin yung itim na jacket ko.
" Tagos ang meron ako, hindi ako nilalamig." Sabi niya noong pagkaabot ko ng jacket.
Tss. Maganda nga tanga naman. Commonsense nato para sa mga babae.
Kinuha ko ulit yung jacket at ipinulupot ko sa baywang niya.
" You can go. Wala ng makakakita." Tumalikod nako para puntahan si jasmine.
" Wait!" Napahinto ako ng sumigaw siya.
" What?" I asked
"Ano nga palang pangalan mo? " pasimple akong napangisi dahil sa tanong niya. Iba talaga pag gwapo.
" Jake Lee." Sagot ko. Napatingin ako kay jasmine na halos naiinis na.
Sumunod na araw nakipagbreak sakin si jasmine. Ginawa ko na lahat para bumalik siya pero wala. Kaya naisip ko na kapag nawala ako doon niya lang marerealize na mahal niya ko.
Palakad na ko papuntang room ko ng makasalubong ko si Ivan na tumatakbo.
"Oh Bro may nabuntis kaba at tinatakbuhan mo yang responsibilidad mo?" Natatawang sabi ko.
"Gago. Kinikilig ako tumabi ka dyan." Sabi pa niya at tumakbo paalis. Tangina bago yun ah. Siya na ngayon yung kinikilig bumibigay siya takte.
Muli akong naglakad at nakasalubong ko yung babaeng nasa canteen. Nakita kong napahinto siya nang makita ako.
Dammit!
"Follow me." Sabi ko sa kanya. May naisip akong plano.
Hindi ko naman na siya kinailangang pilitin pa dahil sumunod naman siya ng walang reklamo.
Huminto kami sa Canteen at sakto maraming studyante. At ang mas maganda pa nandito rin si jasmine.
Hindi ko alam na may kadaldalan din pala 'tong babaeng 'to. Puro reklamo sakit sa tainga.
Hindi ko na pinatagal ang lahat kailangan magselos ni jasmine para bumalik na siya sakin.
Bahala na kahit bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa request kong kiss. tss. Alam ko naman na hindi niya gagawin 'yon kaya ako nalang ang gumawa.
Simple lang ako na yung humatak at humalik siguro naman hindi na siya choosy.
Lumabas ako ng canteen matapos kong sabihin sa kanya ang plano ko. Na magpapanggap siya bilang girlfriend ko.
Akala ko okay na kasi hindi naman siya umangal noong hinalikan ko siya.
Practice namin sa basketball at isa si jasmine sa cheerleader kaya gusto kong papuntahin yung babaeng nangangalang yuna. Kung iniisip n'yong inistalk ko siya hindi noh! Nalaman ko lang kay Ivan. Napagalam ko rin na may gusto siya kay yuna.
So yun nga hindi siya pumayag kaya gumawa ako ng paraan tutal may condition naman siya na gusto niyang maligawan kaya Ayon nga yung ginawa ko. Para kay jasmine.
Kinausap ko yung lima pang kagrupo namin sa band para iset-up yung plano ko na paghold-up kay yuna. Simple lang hindi pera at katawan ang gusto ko. Kundi yung puso niya.
Akala ko kikiligin. Tss nabadtrip pa!
Hindi naman ako masyadong nahirapan dahil sinagot niya rin ako agad.
Nagpakiss ako sa kanya dinahilan ko pa nga na nakikita kami ni jasmine kahit hindi naman talaga.
******
Naghahang cp ko, may 2,3,4 na chapter pa na si jake ang pov.
BINABASA MO ANG
Love Is Not A Game [COMPLETED]
RomanceNagloko, Natuto, dahil Nagmahal. 'Yan si Jake Adam Lee, Handang magsakripisyo para sa kanyang minamahal na si Yuna Miracle Chen.