CHINKY's POV
Kaga-graduate ko lang ng College sa kursong Fashion Designing sa isa sa pinaka-maganda at pinaka-mahal na paaralan for Fashion Designing dito sa bansa—bilang Cum Laude. Pero hindi ako nag-aral sa school na 'yon dahil mayaman kami, kundi dahil scholar ako at libre ang aking tuition fees.
Ang school ko din ang nag-recommend sa akin sa kompanyang papasukan ko ngayon. Magkaibigan daw kasi 'yong Dean namin at 'yong Presidente ng kompanya na ‘yon, kaya 'yon. Isa sa pinaka-prestige at pinaka-kilalang Fashion clothing ng bansa ang Legacy, kaya napaka-overwhelming at nakaka-proud makapasok doon.
At kapag nakapag-ipon na ako ng maraming salapi mula sa aking sasahurin doon, ang advance no?he-he. Bukod sa gusto kong i-angat sa buhay ang aking pamilya, gusto ko pang mapagbuti ang aking propesyon, gusto kong mag-masteral sa France, kung saan isa ito sa pinaka-kilalang bansa sa larangan ng Fashion.
Teka lang ha, ikukuwento ko lang muna saglit ang buhay ko sa inyo, habang naghihintay ako ng jeep papunta sa trabaho.
Ganito 'yon, tubong Pangasinan kami ng Pamilya ko, kaso dito na ako sa manila nakatira ngayon at magta-trabaho. Ako si Chinita Kaye Villaruz o 'Chinky' for short, hindi ako Chinita, kung bakit 'yon ang ipinangalan sa akin ni Nanay.
No'ng tinanong ko siya noon kung bakit, ang sabi niya trip-trip lang daw, ewan ko ba ang lakas din makapang-trip ni Nanay e. Twenty one years old na ako at isang verified-slash-certified NBSB. Wala kasing nakakakita sa 'nakatago' kung kagandahan at alindog. He-he-he.
Sa Probinsiya ako nag-aral ng Elementary at High school, pero dito na ako sa Manila nag-College at dahil na rin sa sipag at tiyaga ni Nanay, nakapagtapos ako ng pag-aaral, with flying colors, bilang isang Fashion Designer. Salamat sa Diyos.
Nasa probinsya ngayon ang pamilya ko, kaya mag-isa ako dito sa Manila. Si Nanay ay isang tindera ng isda sa palengke, pero proud na proud ako doon. Tapos may dalawa akong mga Ate sina Josephine at Pilar, kaso maaga kasi silang nagsipag-harutan, kaya may pamilya na sila ngayon.
Si Tatay? Ayun, nasa heaven na kasama ni Papa God, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Namatay siya mula sa isang car accident six years ago. Sad nga e, kasi hindi na niya ako naabutang nakapag-tapos ng kolehiyo. Pero alam ko namang masaya na rin siya para sa akin.
At heto na ako ngayon, malapit ng makatungtong at makapag-trabaho sa isang magandang kompanya. Sana lang mababait din ang mga tao doon.
Umalis na ako sa dati kong apartment at nag-rent ng bagong apartment na mas malapit sa kompanyang papasukan ko. Humiram na muna ako kay Nanay ng perang pinang-down ko, babayaran ko na lang siya kapag nagka-sahod na ako.
Simple lang ang kinuha kong bagong apartment, pero namamahalan pa rin ako sa Two thousand a month, parang kasing ang ganda naman ng apartment kung makapag-price ang landlady namin. Kung makakahanap lang talaga ako ng mas mura, iiwanan ko agad ang apartment ko ngayon. Tipid-tipid muna kasi 'pag may time. *buntong-hininga*
Ayan, sa wakas nandyan na din ang jeep, pasensya na sa mahabang salaysay ng buhay ko. Ang dami ko na tuloy nai-kuwento tsa inyo, ang tagal kasi ng jeep.
Isang sakayan lang ito papunta sa kompanya, lalakarin ko na sana para makatipid, kaso baka mag-amoy pawis at polluted air naman ako, first day ko pa naman. Dapat looking fresh and beautiful, kahit tago. He-he-he.
LEGACY
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...