Chapter Fifty Eight: Misunderstading! ♥

19.2K 275 7
                                    

CHRYSLER’s POV

“So, ano nga ‘yong problema na sinasabi mo?” Tanong ko kay Angela.

Nasa sala kami no’n, inilapag ko muna si Baby kanina sa kama ko.

“He left me!”

“He left you?” nagulat kong tanong.

“Oo e,” ngumiti siya pero I know naiiyak na siya. “Now I know, ganito pala kahirap ‘yong iwan ka ng lalaking ama ng magiging anak mo. Karma na yata ‘to sa kamalditahang ginawa ko no’n sa inyo ni Chinky e. Bumabalik na sa akin ang lahat.” sabi n’ya.

Tinapik ko siya sa balikat n’ya. “Sigurado akong may plano ang Diyos sa lahat ng nangyari dati.” sagot ko. “So, ano na ang plano mo ngayon?”

“Kapag nalaman ‘to ni Daddy at Mommy—na buntis ako at walang ama, sigurado akong hihimatayin sila. I’ve cause a lot troubles before, ayoko na silang masaktan uli.” sabi n’ya.

“So, your plan will be….?”

“Paano kaya kong…”

“No! Don’t think of that way!” sansala ko sa sasabihin n’ya.

Ipapalaglag n’ya ang bata? Nababaliw na ba siya?

“Sira! Hindi ko gagawin ‘yang iniisip mo no!” sabi n’ya na ikinahinga ko naman ng maluwag. “Sasabihin kong magbabakasyon na muna ako ng isang taon sa States.”

“Pero hindi mo naman forever na maitatago ‘yan.” Kako.

Napatango naman siya. “’Yon na lang kasi ang tanging paraan na alam ko e.”

“E di ipagtapat mo na sa kanila ang katotohanan. The truth will set you free, ika-nga.”

“E hindi naman gano’n kadali ‘yon e, ayoko na nga silang masaktan ‘di ba? Saka may sakit sa puso si Daddy, baka mamaya—”

E bakit hindi na lang niya ipaliwanag ng husto sa mga magulang n’ya? Maiintindihan din naman siya e, kasi walang magulang na makakatiis sa mga anak nila.

“Punta tayo sa bar?” yaya n’ya.

“Bar? Ano namang gagawin natin doon?”

“Matutulog!!!” she said sarcastically. Saka napangiti. “Syempre sasayaw.”

“NO! Bawal kang maglasing, kawawa naman ang baby sa tiyan mo!”

“E hindi naman ako iinom e, gusto ko lang talaga makalimot ng problema!”

“Itulog mo na lang ‘yan.”

“Ang KJ naman nito oh, sige na kasi..” sabay hila n’ya sa akin patayo mula sa pagkakaupo sa sofa.

“Walang mag-aalaga doon sa baby.” Kako na tinutukoy ang baby sa basket.

She chuckled. “Kanina ayaw mo doon sa bata ah, ngayon Daddy na Daddy na ang peg mo.”

            “Umuwi ka na nga lang kasi.”

            “Tinatamad pa ako e. Unless, ihatid mo ako.” She grinned.

“OO na! Pero hahanapin ko muna [yong magulang ng baby!”

“Tara, maghanap na tayo!”

Tumayo na kami saka nagtungo sa kuwarto ko para kunin ‘yong bata na noon ay gising na pala at nilalaro na ang mga paa n’ya.Napangiti ako. Ang cute.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon