CHNKY's POV
“Lola Yna! Napadalaw yata kayo.” Napagbuksan ko ng pintuan si Lola.
Napadalaw kasi siya ng biglaan dito sa condo ngayon. She looks so happy and always beautiful. Para ngang wala pa siya sa edad na mga nasa line of 7 e.
“Hello hija.” bati n’ya sa akin, saka n’ya ako mahigpit na niyakap.
Waah! So comfortable naman. Na-miss ko na din tuloy sina Nanay sa probinsya. Buti nga at natawagan ko sila kahapon.He-he. Busy pala sa new business nila—ang pa-load business. HA-HA. Ayos na din ‘yon para bukod sa pagtitinda sa palengke, may pagkalibangan pa sila. Sana lang ay huwag puro utang.
And I was also glad to know na nakapag-patayo na din ng siomai business sa Mall sina Ate, magkakasosyo sila together with their husbands. Matagal na rin kasi nilang plano ‘yon. Ayiee.. Ang happy ko na talaga. Basta talaga kapag may sipag at tiyaga, umaasenso e.
“Hija, ang saya mo yata.” Puna ni Lola sa akin.
E di ikuwenento ko nga ‘yong tungkol sa pamilya ko. At naging masaya na din si Lola for me. Umupo si Lola sa sofa at dinalhan ko sila ng merienda. Kagagaling ko lang sa trabaho at wala pa si Chrys. Pero bago dumating si Lola, nanunuod na ako ng youtube at pinagpa-pantasyahan ko na naman ‘yong mga Los Viajeros ng Eat Bulaga.
Ang guguwapo talaga promise! Haay naku naman oh! Nakaka-TL mga friends! Pero syempre mas guwapo pa rin ang asawa ko sa lahat. Naks, ako na talaga ang may crush sa asawa ko. HA-HA. Secret ‘yan ha! Baka kasi kapag nalaman n’ya, bigla siyang magka-hydrocephalus at tuluyan pang lumaki ang ulo n’ya. Mas mahihirapan na akong makipag-usap sa kanya.
“Mag-da-dalawang buwan na pala ‘yang tiyan mo no? Iniinom mo ba ng mabuti ang mga vitamins mo? Kumakain ka ba ng tama? Bakit hindi ka na lang muna mag-maternal leave hija.” tuloy-tuloy na suhestyon ni Lola sa akin.
Waah! Ramdam na ramdam ko ang excitement n’ya sa nalalapit n’yang pagiging Lola sa tuhod. Mas excited pa nga yata si Lola kesa kay Chrys!
“Naku, kaya ko pa naman po Lola e, ‘wag po kayong mag-alala.” Sagot ko. Saka ako umupo sa tabi n’ya.
“Basta huwag kang magpapakapagod okay, by the way, dumating ang isa ko pang apo from states last week and we’ll be having a welcome party for him tomorrow. I want you and Chrys to attend.” –Lola
Waah! ‘Eto na siguro ‘yong sinasabi ni Chrys last kahapon. Pero teka, hindi kaya nakakahiya naman?
“Lahat po ba kayong pamilya nandoon?” tanong ko.
Mamaya kasi bigla na lang akong ma-OP. Eh mukhang ang gaganda kasi ng lahi nila. Saka mamaya mapagkamalan pa akong katulong doon. Nyaaah! Mapahiya pa si Chrys. Talagang si Chrys yong inisip e. Pero nahihiya talaga ako. Hindi kasi ako sanay sa mga sosyalang gatherings tulad nito.
Pang-pucho-pucho party lang kasi ang pinupuntahan namin nina Nanay noon—tulad ng kasalan sa kabilang barangay. Mga pabinyag, kaarawan. At simple lang din ‘yong pagdaraos. Sa mga Cruise kasi parang pang-noble people lang ang party nila.
“Ka-kasi po Lola—“
“I won’t accept a “NO” for an answer.” She smiled.
E di ang ibig sabihin n’yan “YES” lang ang pwede? Sa tingin niyo may magagawa pa ba ako? Wala na diba? Haay! Ayon ngumiti na lang ako. Hanggang sa dumating na rin si Chrys na mukhang pagod. Mabuti na lang pala nakapag-luto na din ako. Iba na ang mabuti at masipag na may-bahay e.
“Hello my loving Apo.” bati ni Lola sa kadarating na si Chrys. Mabilis namang lumapit si Chrys kay Lola saka niya ito niyakap at hinalikan sa pisngi.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...