CHINKY’s POV
So ayon na nga, nag-lunch kami sa labas. Sa isang fine Resto. Doon namin ipinagpatuloy ang pag-uusap namin tungkol sa magiging project namin. Being with him—feels like the old times. ‘Yon nga lang, marami ng nagbago. Mas gumwapo na kasi kasi siya, mas nag-matured, ‘yong tipong ang bait at ang gentleman na n’ya.
Marami din noong nagpapapansin sa kanya sa Reston a pinuntahan namin, pero sa akin lang talaga ‘yong atensyon n’ya. Wala lang, hindi naman ako gano’n kinilig.
SO, HETO nga, kadarating lang namin sa venue ng photoshoot. Sa may beach. Alas-dos ‘yong usapan, pero napunta sa alas kuwatro kasi nga ang late no’ng mga models, saka mainit daw. For today, mga wedding gowns ang kukuhanan, ‘yong magiging background nila e ‘yong sunset.
Imbes na may kaunti pang orientation sana, kasi nga alas-dos ang call time, ayon mabilisan na ang lahat. ‘Eto nakaupo kami ni Chrys sa bandang dulo habang nanunuod sa photoshoot na nangyayari sa monitor. Maganda ‘yong mga gowns.
‘Yon nga gamit no’ng isang model ‘yong gowns na ako ang gumawa, ‘yong isa naman ang sa kompanya nina Chrys.
Habang nangyayari ang photoshoot ay napansin kong parang biglang kumulimlim ang kalangitan. Medyo papalubog na ang araw, kaso bago pa namin makita si Mr . Sunset ay bigla na lang pumatak ang ulan. Hindi naman ako kumanta e!
Naku! Takbuhan na tuloy kami na may kanya-kanyang mga bitbit. Kaya pala ang lakas din ng hangin kanina kahit medyo ma-sikat ang araw, kasi sa bandang hapon pala ay uulan.
Buti na lang medyo madami kaming staffs, kaya ang daming nakabuhat sa mga dala namin at hindi gaanong nabasa ‘yong mga gowns namin. Nakakaloka ha!
Teka—aray, parang napuwing ako. Sa pagtakbo ko kasi na nakasunod sa kanila, nalagyan yata ng buhangin ‘yong mga mata ko. Waah! Basa na tuloy ako, kasi nga hindi ako makakita ng husto kasi nalagyan ng buhangin ang isa kong mata. Aaahh.. Nahulog ‘yong contact lense ko!
Teka, nasan na ba ‘yon? Waah! Hindi ko na makita! Papalakas na ng papalakas ang patak ng ulan. Hala! Basa na ako! Nakasilong na yata ang lahat ng mga kasamahan ko, kasi wala na sila sa paningin ko. Tumakbo ako ng mabilis para maghanap ng masisilungan ko.
CHRYSLER’s POV
“Nasaan si Chinky?” tanong ko kay Bianca.
Kasi sa pagkakaalam ko ay kasunod lang namin siyang tumakbo kanina. Nasa harapan na kami lahat ng hotel habang sumisilong dahil sa malakas na ulan.
“Ay, akala ko nga din po Sir, nakasunod sa atin.” Sagot ni Bianca.
Napabuga ako ng hangin. Saan na ba nagsuot ‘yon at bigla na lang nawala?
“Dito lang kayo, at hahanapin ko lang siya.” Kako.
“Ah sige po Sir,” sagot naman nila.
Pero akmang tatakbo na ako para hanapin siya nang—mapansin namin na may papalapit sa lugar namin na tumatakbo. Mabilis naming nakilala na si Chinky na noon ay basang-basa na sa ulan! Hinintay namin siya hanggang sa makarating siya sa kinaroroonan namin.
Napabuga ako ng hangin. Pinag-alala n’ya ako ng husto!
“Where have you been?” kako ng makalapit na siya sa amin. Abot-abot n’ya ang kanyang hininga. “Basang-basa ka na!” kako sa kanya. Saka ko mabilis na tinanggal ang coat ko at ipinatong sa balikat n’ya. Medyo maginaw na kasi.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
عاطفيةPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...