CHRYSLER’s POV
“Medyo malala ang natamo ng inyong asawa sa pagkakahulog n’ya sa hagdan, she had bruises, major head injuries at nagkaroon din siya ng blood clot on her brain—na sa kabutihang-palad, na-operahan ng matagumpay. But I really didn’t expect na magkakaroon siya ng selective amnesia, right after she woke up. All the tests were okay, kaya naman nagtaka talaga kami sa naging resulta. But on the other hand, siguro makakabuti na rin ‘yong ganito sa kanya temporarily—dahil sa pagkakalaglag ng baby n’yo. If ever kasing malaman n’ya na wala na ang baby n’yo, baka may tendency na magka-nervous breakdown siya. But don’t worry, makakaalala din siya.”
Paliwanag ng Doctor sa akin last time.
Halos isang linggo at kalahati din kaming nanatili sa hospital para sa tuluyang pagpapagaling ni Chinky bago kami nakauwi dito sa bahay ni Lola. Dito na daw muna kami pansamantala para sa pagpapagaling n’ya at para mabantayan din muna siya nina Nanay at ng mga kapatid n’ya na pansamantala ring nanunuluyan dito.
Nandito ako ngayon sa isa sa pinaka-maluwang na guest room ng bahay, kasama ang lahat. At habang masayang nakikipag-kuwentuhan si Chinky sa lahat—ako naman, nakatitig lang sa kanya habang humihiling na sana ay dumating na ang araw na maalala na uli n’ya ako. She was okay now. She looks so happy and healthy. At masaya ako para sa kanya.
Syempre nasasaktan pa rin ako dahil ako lang ang bukod tanging tao na hindi niya naaalala. I missed her already. ‘Yong kulitan namin, ‘yong pagsusungit ko sa kanya na talaga namang sinasadya ko lang para magpapansin sa kanya. Ang kaingayan n’ya, her laughters at pagiging makulet.
“Emo?”
Si Elix ang nalingunan kong nagsalita na naupo rin sa sofa sa tabi ko. Hindi ako sumagot sa kanya kasi natuon na naman ang atensyon ko kay Chinky na noon ay ngiting-ngiti sa lahat.
“Maaalala ka din n’ya,” narinig kong sabi uli ni Elix. “Pero ano ba talaga ang nangyari noon? Hindi ka pa rin nagsasalita.”
Napalingon ako sa kanya. Oo nga pala, kakausapin daw ako ni Lola at ni Nanay mamaya tungkol sa mga nangyari noon. Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila ang tunay na nangyari. Medyo kinakabahan ako, kasi hindi ko alam kong saan ako magsisimula.
Bukod sa akin, sina Lola at Nanay ang dalawa sa talagang umiyak no’ng malaman nila ang pagkawala ni Baby Acer. Naalala ko pa nga ‘yong sinabi sa amin ng Doctor.
“Are you the family of patient Chinky Cruise?” tanong ng Doctor na kalalabas galing sa ICU noon, pagkatapos ihatid si Chinky sa loob ay lumabas din agad.
“Opo.” Sabay-sabay naming sagot.
Nakita kong medyo humugot siya ng malalim na hininga bago n’ya ipinagpatuloy ang kanyang pagsasalita.
“Sad to say but the baby—is—“ tumigil saglit si Doc sa pagsasalita, saka.. “is—already gone.” Halos hindi pa n’ya masabi ang mga katagang ‘yon sa amin.
Parang biglang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko ng mga sandaling ‘yon. Parang may malaki at matigas na bagay ang biglang dumagan sa akin. Napayuko ako ng maramdaman ko na lang ang mainit na likidong dumadaloy sa pinsgi ko. Parang may sumasakal sa puso ko at nahihirapan akong huminga. My innocent baby—our innocent angel.
Napailing ako—it was really my entire fault. Ako lang naman ang dapat sisihin sa mga nangyaring ‘to.
“Lola! Nanay!”
Napaangat ako ng tingin dahil nakarinig ako ng sigawan. Nakita ko na lang na pareho ng pinapaypayan sina Lola at Nanay dahil pareho silang nanghina dahil sa balita. Tapos bigla na lang umiyak ng malakas si Nanay. Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman n’ya. Lalo na ng makita n’ya si Chinky sa kalagayan nito kanina.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomantikPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...