CHINKY's POV
Waaaah!! Hindi ko pa rin makalimutan ‘yong naging titigan namin ni Chrysler kanina sa may ilog, ‘yong sinandig niya ako sa may puno.Nyaaah, kinabahan talaga ako doon. Akala ko pa nga kanina, hahalikan na n’ya ako e. Charot!
Kasi ba naman ang lapit na nga namin sa isa't isa, tinapat pa niya yong mukha niya sa mukha ko. Ang dami kong kaba kanina. Teka, hindi naman kaya may 'HD' na yun sa akin? Napahagikgik ako. Pero bigla din akong nag-seryoso. Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa isipan ko. ‘Sus ginoo!
Imposible! E nandiriri nga ‘yon sa akin, parang daig ko ‘yong taong may ketong. Pero ang alam ko talaga ADHD ang meron siya—hindi HD. Ha-ha-ha.
What is ADHD: Attention Deficit Hyperactivity Disorder. A disorder beginning in childhood, characterized by a persistent inability to sit still, focus attention on specific tasks, and control impulses.
HA-HA-HA.. Napahampas ako sa mesa. Charot! Wala palang mesa dito, kasi nasa kama na ako at nakahiga. Matutulog na kasi ako.
Whoah! Ang sarap talaga mahiga dito sa dati kong kama. Nakaka-miss . Once a month naman ako umuuwi no’ng nag-aaral pa ako, pero syempre iba pa rin kapag nag-i-stay ka talaga. Hmmm.. Ang bango pa ng kumot at unan ko, sarap matulog.
Tapos ang presko pa ng hangin sa labas, sanay kasi akong nakabukas ang bintana ko sa tuwing natutulog ako. Para makatipid na rin sa kuryente at hindi na mag-aircon. Nyee.. Joke. Wala kami no’n, electric fan lang. He-he.
Mabuti nga at maawain ang mga lamok dito sa probinsya, hindi katulad sa manila na ang ha-harass. Hindi kasi nila ako kinakagat dito. Pero subukan lang nila, baka malason agad sila sa dugo ko. Ha-ha.
Alas onse na pala ng gabi, pero hindi pa ako makatulog. Nag-a-adjust na naman yata ang katawan ko sa bago ngunit luma kong environment. Makainom nga muna ng tubig.
Lumabas ako ng kuwarto ko para magpunta ng kusina at uminom. Nadatnan ko ang Devil Boss ko na naroon at umiinom din ng tubig. Nakatalikod siya noon, kaya nagdahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya.
*Evil plan= gulatin siya!* Natawa ako ng lihim.
"Booooom!" pangugulat ko na talagang hinawakan ko pa siya sa balikat n’ya.
Nakita kong na-stiff ang buo niyang katawan mula sa pagkakatayo.One second.. Two.. Three.. Hala! Hindi naman na siya gumagalaw.
"Hoy, okay ka lang?" sabay kalabit ko sa kanya.
Saka ako nagpunta sa harapan n’ya. Nakita ko ang pamumutla ng mukha n’ya. Hala! Mukhang inatake na yata ang isang ito sa puso. Tatawag na ba ako ng ambulasya?
"Hoy!" saka ko niyugyog yong balikat n’ya.
Kailangan ko pang tumingkayad kasi ang tangakd ng mokong na ‘to. Kung bakit ba naman kasi nasalo n’ya yata lahat ng blessings ni Lord ng katangkaran. Habang ako ay natutulog ng mga sandaling ‘yon. Ang daya!
Bumalik tayo sa hitsura n’ya. Ayon na nga, namumutla na siya at parang nanigas na ang kanyang katawan sa kinatatayuan n’ya. Ha-ha-ha-ha.. Mukhang gulat na gulat nga siya. Alright! My plan was a success. Pero nagulat na lang ako ng bigla siyang magsalita.
"Ikaaaw!" nakabawi at galit na n’yang sabi.
Ahh, galit na galit na nga ‘yong pagmumukha n’ya. Halos nga mag-dugtong na ‘yong mga kilay n’ya. Hinawakan n’ya ako sa aking braso. Nyaaaah! Para akong na-kuryente, kaya agad ko ‘yong binawi. At kelan pa ako naging si Volta na may kuryente powers?
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...