CHINKY’s POV
One month later
Nakakamiss din pala ang mga nakagawian ko ng gawin. Nakakamiss din pala ang nakakapagod na pagta-trabaho sa opisina. Nakakamiss din pala ang mga maiingay at makukulit kong mga kasamahan sa trabaho. Nakakamiss din sina Lola Yna at Elix. Nakakamiss din ang condo unit at ang kuwartong tinutuluyan ko, pati na si CeeDee at ang ampon kong si Gelly.
Nakakamiss din si ano uhm si—si Chrys at ang kasungitan n’ya. Baliw na siguro ako!! Pero namimiss ko ‘yong mga pang-aasar n’ya sa akin. ‘Yong mga childish acts n’ya. At ang maganda n’yang boses sa tuwing kinakantahan n’ya ako.
I miss his angelic face and devilish attitude. I miss all about him—
“Hoy emoterang frog, dinner na! Sunod ka na sa bahay..” pambubulabog ni Ate Pilar sa akin.
Nasa tabing ilog kasi ako no’n at ayon nga nag-e-emo. Saka gusto ko rin kasing makasagap ng sariwang hangin at mapag-isa.
“Oo na Ate!” kako. Saka siya nginitian.
“Sus! Tama na ang pagda-drama mo dyan ha! Dalian mo na!”
“Oo na po.” Kako. Kaya umalis na rin siya.
Pssh! Napansin pa yata kasi n’ya ang namumuong luha sa aking mga mata. Yes, I admit that I really hate him—pero hindi ko alam kung anong spell ang ginamit n’ya sa akin dahil unti-unti na ‘yong nawawala habang lumilipas ang mga araw.
At ang HATE na ‘yon ay napapalitan na ng MISS. I miss him! Napailing ako. Kapag siguro nakita ko siya at humingi siya ng patawad, baka mabilis pa sa alas-kuwatro ko siya patawarin e.
Pero siguro mabuti na rin ‘yong ganito—kasi ganito naman talaga dapat e, umayon na sa tamang lugar ang lahat. Maaari na silang magkabalikan ni Angela—kahit against pa ang lahat ng splitends ko sa buhok. Wala na AKO—na hahadlang sa kanila.
“Anak, may problema ba?”
Nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Nanay sa aking likuran. Waah! Napasunod na din tuloy si Nanay dito! Umupo si Nanay sa swing sa tabi ko. Waah, oo nga pala, pinapatawag na nila ako para mag-dinner, pero heto at nagmo-monologue pa din. Umiling ako, saka ko ibinaling ang aking atenyson sa malayong tanawin.
“Namimiss ko lang po kasi ‘yong siyudad ‘Nay.” Kako. Saka ako humugot ng malalim na hininga.
Pahabol, nakakamiss din pala ang ingay, gulo at polusyon sa siyudad.
“Ang siyudad nga ba? O baka naman si—“
“SSSSSS-Stop’Nay!”
Pamumutol ko sa sasabihin ni Nanay. Hanggat maaari ay ipinagbabawal kong banggitin ng kahit na sino man ang pangalan n’ya. Bawal sabihin! Bawal!
“’Sus, ang bitter pa rin ng anak ko ah.” Nangingiting wika ni Nanay. “Akala ko ba naka-move on ka na? E di ba nga nag-file ka na ng divorce paper n’yo? E parang ayaw mo pa siyang pakawalan sa puso mo e.”
“Nanay talaga..” naiiling na sabi ko. “Naka-move on na nga po ako—30% pa nga lang. Pero hindi rin maglalaon aaabot din po yon ng 100%. Mahina po kasi ‘yong signal.” Biro ko.
Natawa si Nanay. “Mahal mo pa naman siya ‘di ba? At sa pagkakaalam ko e mahal ka din naman n’ya, bakit hindi kayo pwede?” –Nanay.
Umiling ako. “Dahil—dahil hindi naman po talaga pwede. Saka mare-realize din po n’ya sooner or later na si Angela talaga ang mahal n’ya. Na pang-aliw lang ako sa kanya, pantanggal boredom.”
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...