Chapter Forty Seven: A mini-concert for you.. ♥

21.2K 278 13
                                    

CHINKY’s POV

SAAN mo ako dadalhin?” kako sa kanya, nang bigla na lang n’ya akong hilain pasakay sa kotse n’ya.

Mga alas kuwatro na noon ng hapon, kasalukuyan kasi kaming nandito sa mall—dito na kami nag-lunch and meryenda kanina, tapos nag-window shopping din—nang bigla na lang n’ya akong hilain papunta sa parking lot.

“Basta!” sabi n’ya.

Pagkasakay namin ay saka agad na pinaharurot ang sasakyan n’ya paalis. Wala akong ideya kung saan n’ya ako dadalhin pero after 30 minutes ay bigla na lang siyang huminto—sa isang videoke bar? Ano namang gagawin namin dito? But it looked familiar.

“Halika ka na!” sabi n’ya, nang binuksan n’ya ang pintuan nang kinauupuan ko, saka ako hinila palabas ng kotse.

Iginiya n’ya ako papasok sa isang booth at nagulat na lang ako ng makita ko ang mga workmates kong sina Tanya and the guys na naroon din.

“Hi Chinky!” masayang bati nila sa akin, saka nila ako mabilis na niyakap lahat.

Waaahh. Na-miss ko din sila! Kaya napayakap na din tuloy ako sa kanila.

“Kamusta ka na?” sabay-sabay nilang tanong sa akin.

Napangiti ako. “Okay na ako. Thank God.  Pero teka, anong ginagawa natin dito?” kako.

Tumawa silang lahat. “Ano bang ginagawa sa isang videoke bar?” sabi ni Evelyn.

Napakamot ako ng ulo. “Kakanta?”

“Tumpak!” sagot nilang lahat.

Saka nila ako hinila paupo sa harap ng videoke machine katabi ni Chrys. Nyek! Kakanta kami? Este ako pala? Hindi ako marunong kumanta! Patay na! Akmang tatayo uli ako ng hawakan ni Chrys ang kamay ko.

“Dito ka lang.” sabi n’ya.

            “Pero hindi ako marunong kumanta e.” bulong ko sa kanya.

He smiled. “Akong bahala.”

“Oh ikaw na Sir Chrys!” sabi nilang lahat kay Chrys ng matapos na sila Tanya sa pagkanta.

“Okay, play n’yo na.” utos naman niya.

Biglang kumabog ang puso ko ng marinig ko ang pamilyar na kantang ‘Beautiful in my eyes’ na nag-play sa Videoke machine, wait lang, ‘yon ang kakantahin n’ya? Waaah! Hindi ko alam pero parang may malaking impact ang kantang ito sa buhay ko.

Nagsimula na siyang kumanta at napansin ko na lang sa sarili ko na parang hindi man lang yata ako kumurap sa buong oras kumakanta siya, inangkin n’ya ang buong atensyon ko. He delivered the song well. Para na nga isang siyang batikang balladeer.

Pero ang mas lalong nakapagpabilis ng heartbeat ko ay ng bigla na lang abutan ni Jowi ng gitara si Chrys. Ano to—may concert siya? 

“I don’t know how to serenade a girl—pero sana makatulong ito.” Sabi n‘ya ng nakatitig sa akin ng husto.

Nagsigawan tuloy ang lahat. Napalunok ako ng mariin kasi nagsimula na siyang mag-strum ng hawak n’yang gitara.

♫♪ “Ikaw na ang may sabi. Na ako’y mahal mo rin. At sinabi mo. Na ang pag-ibig mo’y di magbabago. Ngunit bakit.. sa tuwing ako’y lumalapit ika’y lumalayo.. Puso’y, laging nasasaktan pag may kasama kang iba..”  ♪ ♫

Waaahh! Titig na titig siya sa akin! Grabe na ito, ang bilis na ng kabog ng puso ko.. Teka! Déjà vu ba ito? Para kasing nangyari na to e.. Hindi ko lang maalala. And he’s singing “Ako’y sa’yo”, sino ba naman ang hindi kikiligin?

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon