Chapter Seventeen: Family ♥

26.6K 385 17
                                    

 CHRYSLER’s POV

 Aaaah!! Nasapo ko ang nook o. Ang sakit sakit ng ulo ko. Para siyang malakas na mina-martilyo! Pumipintig-pintig pa! ‘Eto ang kapalit ng paglalasing ko kagabi.

 Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, saka ako mabilis na tumayo. Sh*t! Nahilo ako, kaya napasandal ako sa sofa. SOFA? Sa pagkakaalala ko sa sahig na ako bumagsak kagabi at—don’t tell me nabuhat ako no’ng maliit na Chinky na ‘yon?  Five feet lang siya samantalang ako almost six feet na!

Woah! May super strength din pala ang babaeng ‘yon kung sakali mang nabuhat talaga n’ya ako para dalhin dito sa sofa.

Saktong pagtayo ko mula sa sofa ng biglang bumukas ang kuwarto inuukopa ni Chinky. Ewan ko kung bakit bigla na lang nanlaki ang mga mata n’ya at tinakpan agad ang bibig n’ya. OO nga pala! Buntis siya, baka nagiging sensitive na ang pang-amoy n’ya. Amoy alak pa rin kasi ako.

Mabilis siyang naglakad papunta sa kusina. Ako naman ay nagtatakang napapunta na rin doon para kumuha din ng inumin ko. Nauuhaw ako!

Wala pa rin kaming kibuan. Ako—wala namang sasabihin sa kanya, kaya bakit ko siya kakausapin. Siya—baka ganoon din, ewan ko sa kanya. Inabot ko ‘yong baso, kaso inaabot din pala n’ya ‘yon. Nagkasabay naming inabot ang iisang baso—dahilan para magkadaiti ang aming mga balat. Tapos para akong may sakit na bigla na lang siyang dumistansya ng malayong-malayo.

“Hoy! Anong tingin mo sa akin, may nakakahawang sakit?” masungit na tanong ko sa kanya. Saka ko siya nilapitan.

Pero palayo siya ng palayo sa akin. Ano’ng problema ng isang to?

“Dyan ka lang!” sigaw niya sa akin.

Saka siya mabilis na dumampot ng baso at sinalinan ang baso ng tubig  sa ref. Akmang aalis na siya ng bigla ko siyang harangin.

“Anong problema mo?” tanong ko.

Pero tama ba ang nakikita ko. Bigla siyang namula? Eh adik pala ‘to e! Wala pa naman akong ginagawa sa kanya, namumula na siya.

“Wa-wala akong problema!” ang sabi n’ya, saka siya mabilis na iniwasan ako, pero napatigil siya sa paglalakad ng bigla akong magsalita.

“May ginawa na naman ba ako sa’yo kagabi dahil sa kalasingan ko at ganyan ka kung maka-blush?” tanong ko.

Pero umiling siya ng madaming beses.

“Wa-wala kang ginawa sa akin! Hindi tayo aksidente na nag-kiss! Wala! Walang nanyari!” mabilis n’yang sagot.

“Ah okay. Binuhat mo ba ako kagabi papunta sa sofa?” curious na tanong ko.

            “Hindi! Naglakad ka ng tulog!” ang sagot n’ya, saka na siya nagmamadaling umalis.

 Tsk. Ang weird talaga ng babaeng ‘yon! Mabuti na lang at Sunday, dayoff ko. Kaya makakapagpahinga naman ako. Stress na nga ako sa trabaho—pati pa ba naman sa buhay? Hay naku! Hindi na ako magtataka, kung isang araw bigla na lang mamuti lahat ng buhok ko.

CHINKY’s POV

Omeged! Nagdahan-dahan na nga akong lumabas ng kuwarto para hindi siya magising, pero gising na pala siya. Ang totoo niyan, kaya siya sa sofa nakahiga ay dahil tinulungan ko siya mapunta doon kagabi, half awake naman siya, kaya hindi ako ganoon nahirapan—masyado na kasing malayo ang kuwarto n’ya, baka matumba na naman kami at—Omeged!

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon