CHINKY's POV
"Vic, don’t go there! Oh Ken, come here! No, Jerry, don’t do that!" saway ko sa mga makukulit kong anak na naglalaro noon sa garden. Nasa balcony kami noon.
My Gosh! Three years had past. At heto na ang makukulit kong mga babies! Actually apat sila, si Vaness ‘yong isa na noon ay tulog sa kanlungan ng asawa ko. Quadruplets ang naging bunga ng masayang buhay may asawa ko.
"Ang kukulit ng mga batang ‘to grabe!" nangingiting sabi ni Elix sa akin.
"Sinabi mo pa!" Grabe! Siguro, tatanda ako ng mabilis sa mga batang ‘to.
Apat lang sila ha, pero pakiramdam ko mga times ten sila sa dami! Ang kukulit talaga, tapos mga lalaki pa. Saan ka pa? Pero masarap naman maging ina sa mga ‘to e. Ang cu-cute kasi. Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng quadruplets na anak, nasa lahi yata ng pamilya ko ang mga kambalin, baka ‘yong Lola ng lola ng lola ng lola ko ay may apo ring kambal-kambal. Charot! ‘Di ako sure. Pero masaya naman ako sa mga babies ko kahit mas makukulit pa sila sa makukulit.
"Vic... Mommy said don't go there!" sabi ni Ken-Ken kay Vic.
Ay ewan ko sa mga bagets na to! Matitigas ang mga ulo. Sa Apat, si Jerry ang panganay, si Ken ang sumunod, tapos si Vaness at pang-apat si Vic na siyang pinaka-makulit. At sila ang F4 ko. Dahil natutuwa ako sa Meteor Garden no’ng ipinagbubuntis ko sila, kaya naipangalan ko tuloy ang mga ‘yon sa kanila. Bagay naman sa kanila kasi ang cu-cute ng mga babies ko. Nagmana sila sa Daddy nila.
"Honey, ikaw na ngang bahalang sumaway sa kanila." kako.
Saka ako napabuntong-hininga.
"Yes Honey."
Saka n’ya ipinakarga kay Lola Yna na noon ay nakangiting nanunuod sa naglalarong mga bata, ang hawak n’yang si Vaness na noon ay tulog na tulog.
"Hoy Elix, ba’t ka napapangiti dyan mag-isa?" tanong ko kay Elix ng mapatingin ako sa kanya.
"Ang ganda n’yo kasing pagmasdang pamilya." Sagot ni Elix. "Akalain mo ‘yon, kayo pa rin talaga ni Chrys ang magkakatuluyan sa huli. Ang dami pang nangyari bago n’yo nakamit kung nasaan kayo."
Napangiti naman ako sa sinabi ni Elix. Totoo kasi! Parang ang dami pang nangyari bago kami naging masaya ni Chrys.
"True Love is indeed true!" nakangiti ko namang sabi.
Saka nag-flashback sa akin ang lahat ng nangyari, three years ago.
"Chinita Kaye Villaruz, will you accept Sean Elixir Cruise, to be your lawful husband for sickness and in health, for richer and for poorer, til death do you part?"
"Yes..."
"Sandali lang po Father, Chinky!" biglang sansala sa amin ni Elix.
Napatingin naman kami pareho ni Father sa kanya.
"Wala pa po kasi ‘yong real groom." Sabi n’ya na ikinagulat namin.
"Ano bang sinasabi mo Elix?" kako.
"Thank you for trusting in me Chinky, kaya ko nabuo ang plano na ‘to."
"What? I don't get you." Naguguluhang sabi ko.
"I planned for this. Na pakasalan ka, dahil alam kong dito lang siya maglalakas ng loob na agawin ka mula sa akin. Ang torpe no’n e. I know my cousin, hindi siya papayag na bigla na lang mawawala ang babaeng mahal n’ya ng gano’n-gano’n na lang. I know, pupunta siya dito para pigilan ang kasal na ‘to!"
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
عاطفيةPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...