CHINKY’s POV
Hindi ko alam kung anong uri ng hypnotismo ang ginamit sa akin ni Lola Yna kung bakit napapaisip talaga ako. Waaaaah, nalilito na talaga ako! Naaawa din kasi ako kay Lola at sa pagmamalasakit n’ya sa Devil na Apo n’ya, parang si Nanay lang din kina ate noon. Haay.. Ang bilis ko talagang mahabag.
Napabuntong-hininga ako. Malakas talaga ang convincing powers ni Lola Yna at talagang nadala ako ng bongga sa mga ikuwenento n’ya! Kalerks! Kung pumayag akong magpakasal kay Chrys, ang problema, mukhang hindi naman ako gustong pakasalan n’on.
Pero ‘di ba nga tutulungan ko lang naman siyang buuin ang puso n’ya? WOW naman! At kelan pa ako naging mighty bond? Waaah!! Ako na ang maawain! Naiintidihan ko kasi talaga si Lola Yna, ganyan-ganyan din si Nanay dati!
Ang suhestyon pa nga ni Lola magpanggap daw akong may nangyari sa amin ni Chrys last time, ha-ha, ano yun desperada? Nakakatakot din kaya ang Devil Boss kong y’on, hindi ko pa siya nakikitang magalit ng sobra-sobra, pero baka kapag sinabi namin ni Lola ang naging usapan namin, baka bigla na lang magunaw ang mundo— dahil sa galit n’ya. Mas lalo lang akong hindi makakapag-aral sa Paris.
Waaah, paano ba kasi ako nasuong sa ganitong problema? Ako ay simpleng mamamayan lang ng bansang Pilipinas na nagsimulang mag-trabaho sa Legacy para matutustusan ang kahirapan ng pamilya ko at makapag-aral sa ibang bansa—paanong napasok sa buhay ko ang pagpapakasal?
Oh, maybe there’s something wrong with my fate. Na wrong turn yata ako, kaya iba ang napuntahan ng aking tadhana. Nakakaloka!
CHRYSLER’s POV
Ang dami kong pagod at stressed—siguro mga nasa 98%! Haay! Paperworks there! Paperworks here! Tapos idagdag pa ang kalokohan ni Lola, hay naku baka bukas n’yan pulutin na lang ako sa kalye na nagpapalaboy-laboy na dahil sa kabaliwan.
Tss.. Ayun, hindi ko sinunod ang sinabi ni Lola na mag-file daw ng vacation leave dahil sa kasal and stuffs. Hindi pa ako nababaliw! Siguro naman malalambing ko pa si Lola at sa huli mapapayag ko ding hindi magpakasal sa babaeng ‘yon.
No the hell way I will marry her! Magpapaka-tandang binata na lang ako! It’s not that she’s not pretty, may laman na kasi ang puso ko. ‘Yon lang ‘yon!! At wala ng room ang sinumang babae sa loob ng puso ko.
“Ay kalabaw!” Nagulat na lang ako ng bigla akong makarining ng kumalentong sa loob ng kusina ko.
Kadarating ko lang galing sa opisina. Ganito kasi ang set up ng condo ko. Malawak siya diba. Pagkapasok sa loob, makikita mo ang sala ko na may kalakihan din, tapos may dalawang kuwarto: ang guest room ko, na kung saan naka-room si Gelly, ang teddy bear ko na minsan dinadala ko sa room ko, na ibinigay ni Angela noon, para daw i-hug ko kapag name-miss ko na siya.
Katabi din n’on ay isang CR para sa lahat, mapa-bisita o kung sinumang gustong mag-CR, tapos ‘yong room ko na may Cr na sa loob,tapos may isang door uli hindi kalayuan sa room ko, doon papasok sa kitchen at nando’n na din ang dining area ko. So ayun na nga may kumalentong sa loob ng kitchen ko!
Kaya nagulat ako. A-Ano kaya ‘yon? Hindi kaya napasok na ako ng mga magnanakaw? Dahan-dahan akong pumasok sa guest room ko para kunin yong baseball bat ko, lagot sa akin ang taong magnanakaw na yun—pero teka…Eh bakit sa kusina siya nagnanakaw imbes na sa kuwarto ko?
Hmmm.. Napapaisip ako. AHA! Alam ko na! Baka PG (patay gutom) ‘yong magnanakaw na yon. Tsk.. O baka may balak siyang kunin ‘yong Ref at iba pang mga kagamitan ko sa kusina para ibenta sa iba.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...