Chapter Twenty Nine: Secret muna ♥

22.3K 342 13
                                    

CHRYSLER’s POV

She kissed me when I saw her—yeah, hinalikan na ako ni Angela ng makita ko si Chinky and Elix standing near at my door. Pero nakatalikod na noon si Chinky habang nakaharap siya kay Elix na nakahawak ang mga balikat n’ya.

Maybe she saw us kissing. Kaya napatalikod siya. Mabilis akong lumayo kay Angela ng makita ko sila. Hindi ako kaagad nakakilos ng halikan ako ni Angela dahil nagulat rin ako.

            “Chinky???” sabi ko, pero nanatili lang siyang nakatalikod at nakaharap kay Elix.

I called her name many times hanggang sa lumapit na ako sa kanya. Pakiramdam ko, napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. I don’t know, wala naman kaming ginagawang masama ni Angela, it’s normal to kiss the girl I loved, hindi ko alam pero nakaramdam ako na parang may mali.

Parang kailangan kong mag-explain kay Chinky, na hindi ko naman kailangan pang gawin, dahil alam naman n’yang may babae ng nagmamay-ari ng puso ko. Pero parang kailangan ko pa rin.

“Bakit Chrys?” nagtataka pa ngang tanong ni Angela.

Pero parang hindi ko na siya napansin. Pagkalapit ko kay Chinky at hinawakan siya sa kanyang braso para hilain palabas at kausapin siya, nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang kumaripas takbo. Akmang susunod na agad si Elix kay Chinky nang hawakan ko siya sa balikat n’ya.

“Ako na!” sabi ko.

Salamat at tumango naman siya. Ang bilis tumakbo ni Chinky. Nag-alala tuloy ako na baka bigla na lang siyang madapa o madulas, baka maano pa sila ni Baby! Mabuti na lang at maayos naman siyang nakarating sa elevator. At mabilis ko din siyang nasundan. Napagod ako doon ha! Pero ang ipinagtataka ko kung bakit bigla na lang siyang tumakbo?

“Lets talk!” sabi ko sa kanya, saka ko agad na pinindot ang 20th floor. Tahimik kasi doon, rooftop kasi.

Doon kami mag-uusap. Wala pa rin kaming imikan sa loob ng elevator habang umaandar ‘yon. Hindi ko rin kasi alam kung paano ko bubuksan ang topic na ‘yon. Damn! Ngayon lang ako napipipi ng ganito sa buong buhay ko.

*Ting*

Tumunog na ‘yong doorbell dahil nakarating na kami sa rooftop. Nauna siyang lumabas, sumunod naman ako.

“Anong ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong n’ya.

“Ha? Ah kasi ano, ahh.. kuwan..” Paano na nga ba magsalita? Para akong nawalan ng dila.

“Nagmamdali pa kasi ako, may tatapusin pa akong project.” Sabi n’ya.

“Ah ‘yong ano—kasi..” Argh! I can’t say it!

“Ah yong kanina?” she smiled. “She must be Angela, right?”  Paano n’ya nakilala si Angela? Pero napatango ako. “What about her?”

“About you saw awhile ago.” Nag-aalangan kong sabi.

But she just smiled. “About you two—kissing?” she laughed. “Normal lang naman ‘yon sa inyong dalawa ‘di ba? You’re lovers. It’s really normal.”

“Normal?”

Hindi lang kasi ‘yon ‘yong ini-expect kong sasabihin n’ya. I thought—I saw something in her eyes awhile ago. If I wasn’t mistaken—it was ‘Pain?’ O baka naman na-e-exaggerate ko lang ang mga bagay-bagay. Or maybe wala naman talaga kasi akong halaga sa kanya? Para magselos siya sa nakita n’ya sa amin ni Angela.

Ha-Ha. I laughed. Paano ba naman kasi nag-overthink ako ng mga bagay-bagay.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon