Chapter Thirty Two: Merry Christmas! ♥

24.1K 343 10
                                    

CHINKY’s POV

Ewan ko kung anong nakain ng Chrys na ‘to, kung bakit bigla na lang n’ya akong pinigilang umalis. Mamamatay daw siya sa gutom? Patawa naman talaga ang isang ‘to e. Pwede naman siyang mag-order na lang ng pagkain n’ya anumang oras n’ya gustuhin.

Dapat talaga ako ‘yong mag-serve ng pagkain n’ya? Wooshu! Hindi pa niya aminin, naaadik na siya sa mga luto ko e.  So sa huli,napag-desisyonan ko ding huwag ng umalis. Saka hindi kasi maganda sa pakiramdam ang iniiwanan, masakit siya. Kaya ayon, magluluto na lang ako ng food at dito na lang kaming tatlo mag-di-dinner.

“Tulungan na kitang magluto.” Pagpi-presenta ni Elix na sumunod sa akin sa kusina.

            “Talaga? Marunong ka ding magluto?”

He smiled. “Kaunti lang,”

I smiled. “Oo ba, magsimula na tayo—“

“Ayoko ng ibang luto ha, gusto ko ‘yong luto mo lang.” mataray na sabi ni Chrys sa akin na nakasunod na din pala sa kusina.

Naupo siya sa dining chair at may kung anong ginagawa sa phone n’ya. Napailing ako. He really dislikes his cousis that much? Ang bait kaya ni Elix. Weird talaga ang Chrys na ‘to.

“Let’s start.” Sabi ni Elix,

Nagsimula na siyang maghugas ng mga veges na gagamitin ko sa lulutuin kong kare-kare. Sana naman huwag magreklamo si Chrys sa mabahong alamang mamaya, kasi part talaga ‘yon ng ulam.  Tapos spicy chicken curry. Tiga-hugas, tiga-cut ng veges at tiga-abot lang naman ng mga kasangkapan si Elix e.

“Pinagpapawisan ka na.” sabi ni Elix,

Saka niya akmang pupunasan ang noo ko ng kamay n’ya—pero biglang may pumigil sa gagawin n’ya.

“Ako na, she’s my wife and I am responsible for doing that.” Masungit na sabi Chyrs.

Na inilabas pa ang panyo sa kanyang bulsa at pinunas sa aking pawis. Nakita kong umiling at napangiti na lang si Elix. Nginitian ko na lang din si Elix bilang paumanhin sa kalokohang inaakto ng pinsan n’ya.

Chrys is now acting like a jealous husband. Matutuwa na sana ako e, kaso alam ko namang naiinis lang talaga siya sa pinsan n’ya e at kinakalaban lang n’ya. Palibhasa ang bait-bait ni Elix, kaya naiinggit ‘tong si Chrys.

Nang matapos na kaming magluto ay kumain na rin kami. Infairness, hindi ko narinig na nagreklamo si Chrys tungkol sa kinaaartehan n’yang alamang. Nahihiya din siguro siyang magreklamo kasi kaharap n’ya si Elix na noon ay sarap na sarap sa kare-kare ko.

Masarap naman talaga ang alamang e, OA lang siya. Sa huli, nag-volunteer ang dalawalang lalake para maghugas, kaya pinabayaan ko na lang. Iniwan ko na sila sa kusina at nagtungo na ako sa sala para manuod ng TV.

Nang biglang mag-ring ang telepono namin..

“Hello! Magandang gabi po.” Bati ko sa kabilang linya.

“Hi Chinky hija, ikaw ba ‘yan?”  Waah! Si Lola Yna!

“Opo ‘La, kamusta na po? Matagal na po tayong hindi nagkikita ah.”

“’Eto, mabuti naman hija, busy sa kung ano-ano, hindi na tuloy ako nakakadalaw dyan, mabuti na lang at magkikita na tayo bukas.”

“Magkikita po tayo bukas? Bakit po?”

Narinig kong tumawa si Lola sa kabilang linya. Nagtaka tuloy ako. Ano bang meron bukas na hindi ko alam? 

“Masyado ka na yatang busy sa work mo hija, naalagaan mo pa ba ang sarili mo?”

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon