CHRYSLER’s POV
Grrrrr! Nagtatagis ang mga bagang ko. Nakakainis kasi! Paanong nasasabi ni Elix ‘yon sa mismong harapan ko habang nakatingin kay Chinky ng diretso? Magtabi kami noon sa dining table ng magaling kong pinsan at katapat ko si Chinky.
Pero parang sa mga pagtitig na ginagawa ni Elix kay Chinky, parang silang dalawa na lang ang taong natitira sa mundo. Nang hindi pa rin siya bumabawi ng tingin kay Chinky ay kunwaring nasipa ko na lang ang paa n’ya sa ilalim ng mesa, pero ang totoo n’yan ay sinadya ko talaga!
“Sorry.” Monotone kong sabi.
Buti nga at nagawa ko pang kalmahin ang sarili ko, naku kung hindi lang ako nakapag-pigil, baka nangubngob na ‘to sa carbonara na nasa plato n’ya. Tumango lang siya sa akin sa paghingi ko ng Sorry. ‘Sus! Sipain ko pa siya uli e. Joke lang.
“Hijo, are you okay?” ginagap ni Lola ang kamay ko. Napansin yata ni Lola ang pagdugtong ng mga kilay ko dahil sa inis.
Kasi naman ang Elix na ‘to e, nakakataas-ng-dugo dahil sa mga pinagsasabi n’ya.
“Saan ba manggagaling ang special girl na ‘yon?” si chinky naman ang nagtanong.
Ang manhid talaga n’ya! O sadyang wala lang siyang interes? O hindi kaya nasasaktan na siya sa kaalamang hindi siya ang gusto ni Elix? Kasi kung alam n’yang siya ‘yong babaeng tinutukoy ni Elix, e di sana masaya na siya ‘di ba? One sided love. Kawawa. Di bale, we’re mutual Chinky. Mahal ko din ang taong hindi ako mahal—at ikaw yon!
TEKA! Pero hindi kasi one-sided ‘yong sa kanya e, kasi gusto rin naman siya ni Elix, ‘yon nga hindi niya alam. Arghhhh!
“She’s somewhere over the rainbow.” Nakangiting sagot ni Elix.
“Ang layo pala.” Naiiling na sabi rin ni Chinky.
Naku! Magsama nga kayong dalawa! Ay hindi pala, hindi sila pwedeng magsama kasi ako nga ang asawa ni Chinky!! Ako lang ang dapat n’yang kasama—forever.
“Hayaan mo hijo, ipagdasal mo lang ‘yan na sana magkasama na kayo ng special someone mo, wala namang dasal na hindi pinapakinggan ng Diyos e.” sabi naman ni Nanay kay Elix.
“E paano po kung kasal na ‘yong babaeng nagugustuhan ni Elix, ibibigay kaya sa kanya ng Diyos ang hiling n’ya?” bigla ko na lang naitanong.
Napatitig tuloy silang lahat sa akin. Napatingin din tuloy ako isa-isa sa kanila.
“E di i-give up na lang n’ya ‘yong babae, madami pa namang iba dyan e, saka kasal na ‘yong babaeng gusto n’ya, kaya wag na siyang umepal pa.” sabi ni Ate Jo na talagang ikinangiti ko.
Mahahalikan ko talaga si Ate Jo sa award-winning na sagot n’yang ‘yon. Saka ko binigyan ng sardonic smile si Elix na ikinailing niya. BWA-HA-HA-HA..
“E paano naman Ate kung puro sakit at kalungkutan lang ang hatid no’ng lalake sa kanya?” tanong ni Elix.
“E di kung gano’n, agawin mo na lang ‘yong girl doon sa asawa n’ya, hindi pala deserving ang asawa e, mukha ka namang mabait, kaya susuporta kami sa’yo.” Sagot ni Ate Pilar.
Napatingin din sa akin si Elix at nag-sardonic smile din siya. Aba! Matindi!!
“E paano kung akala mo lang sinasaktan n’ya ‘yong girl, kasi hindi n’ya lang maipakita sa girl ‘yong true feelings n’ya, kasi nga natotorpe siya?” sabi ko uli.
Nahakot ko na naman ang atensyon ng lahat. Parang ganito ‘yon e, kapag nagsasalita ako, lahat ng mga mata nila sa akin, gano’n din kapag si Elix ang nagsasalita. Pabaling-baling lang!
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...