CHRYSLER’s POV
Pero hindi talaga ako nananaginip ‘di ba? Uuwi na talaga si Angela, hindi man n’ya sinabi kung kailan pero soon na daw. Ibig sabihin ay su-surpresahin n’ya ako, na baka one of these days makita ko na siya. I’m really happy.
“Gusto kong mag-celebrate!” Yahoo! Sa labis kong kasiyahan e pinag-apir ko pa 'yong dalawa mga paa ko.
CHINKY’s POV
*Tugs, Tugs, Tugs* Ang ingay ng tugtog. *Tugs, Tugs, Tugs* Sa isang mamahaling bar kami nagpunta ng mga kasamahan ko, ang dami-daming tao, amoy alak sa buong paligid pero hindi siya ‘yong mabaho, parang ang sosyal kasi dito.
Kasama ko sina Tanya, Evelyn, Sarah, Lair, Josa at Jowi, kumpleto ‘yong team namin maliban kay Ms. Lucila, dahil abala siya sa pagiging mabuting may-bahay n’ya. Palibhasa itong mga kasamahan ko pulos mga single, kaya wala pang mga pinagkakaabalahan sa buhay.
Entrance fee pa lang nalula na ako, limang daang piso daw isang tao, hindi pa daw kasali ‘yong mga inumin doon. Parang ayoko na nga tumuloy e.
Kanina rin, parang ayaw din akong papasukin no’ng si Mamang guard, dahil mukha daw kasi akong Elementary student dahil sa height kong 5 flat, ewan ko kung maiinis ba ako o matutuwa, pero mas pinili ko na lang matuwa, atleast baby face pa din ako. He-he.
“Juice lang sa akin, hindi kasi ako umiinom e.” sabi ko kina Tanya na noon ay nag-oorder na ng mga iinumin namin.
Karumal-dumal kasi ang nagagawa ng alak sa akin, kapag kasi nakainom na ako at nalasing, nagiging isa akong—Dyosa—charot! Nagiging mas freak ako, katulad na lang no’ng pinainom ako ng mga kaklase ko no’ng first year College ako, para maging kaibigan ko daw sila, kailangan ko daw inumin ‘yong alak na pinapainom nila sa akin, pero no’ng makatatlong baso na ako, nag-iba na ang aura ko.
Mas natakot tuloy silang lahat sa akin. Kaya hindi na natuloy ang pakikipag-kaibigan nila sa akin. Basta hindi ko na alam ‘yong mga pinaggagagawa ko, para kasing nasasaniban ako ng ispiritu no’ng alak kapag nakakainom ako.
Ayon ‘yong iba sa grupo namin ay nagsimula ng sumalaw sa dance floor, naiwan na lang kami nina Tanya, Sarah at Evelyn sa mesa. *Tugs Tugs Tugs* Ang ingay talaga ng tugtog. Parang sumasabay pati ang puso ko sa pagkabog no’ng speaker.
“Hey Chin, try this one.” Sabay abot sa akin ni Tanya ng isang basong may laman na alak.
“Ah hindi kasi ako umiinom n’yan e, pass muna.” Nakangiting tugon ko, mabilis din kasi akong malasing e.
Biglang bumusangot si Tanya. “Come on Chin, isa lang. Tutal welcome party mo ‘to, kaya sige na.” pamimilit niya.
“Oo nga,” dagdag pa nila Evelyn.
Ayoko sana, pero para mapagbigyan lang sila, kinuha ko na rin ‘yong basong nakaumang sa akin. Libre din naman nila ito, sige na nga, bilang pasasalamat na rin.
Inisang tungga ko ‘yong shot glass. Waaah.. (.)__(.) Nanlaki ang mga mata ko! Ang lakas! Ang pait ng lasa. Parang biglang nahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko. Oooh, heaven! -_____- Teka, alak pala ito, hindi drugs. HA-HA-HA.
“Isa pa!” sabay-sabay nilang sabi.
Saka muling nilagyan ang shot glass at iniabot sa akin.
“Last na ‘to ha!” sabi ko bago ko inabot ‘yong baso at inisang lagok uli.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...