CHINKY's POV
"Huwag ka ngang magpahila dyan, ang bigat-bigat mo e!" reklamo ko.
Paano ba naman kasi ayaw maglakad ng kumag na ’to, kaya itinulak-tulak ko na lang siya sa kanyang likuran. Siguro ay nagsimula na rin siyang kabahan dahil iniisip n’yang baka matatanggal na rin siya sa trabaho.
"Hoy! Sabi ng maglakad ka e!" sabi ko pa uli. Ngunit humarap siya sa akin na naka-kunot ang noo.
"Huwag mo nga akong itulak at lalo na ang hawakan!" masungit na sabi niya sa akin!
Aba! Aba! Siya pa ngayon ang may ganang magalit ha! E kung i-untog ko kaya siya sa mga muscles ko? Huh! Baka hindi n’ya alam e nagbubuhat ako dati ng mga hallow blocks sa probinsiya, siguro nga mas malakas pa ako sa kanya e, mukha kasing walang bahid ng kalyo ang kamay niya e, mukhang hindi siya nakaranas ng hirap ng buhay.
Pero hindi naman siguro siya magta-trabaho kung mayaman na siya, ‘di ba? Baka sadyang hindi lang siya mukhang mahirap kahit mahirap pa siya. Ako kasi mukha ko pa lang, mahirap na. Pero huwag kayo, cute naman daw ako sabi ng Tatay ko no'ng nabubuhay pa siya at malaki ang paniniwala kong totoo ‘yon.
"Sumama ka sa akin sa Office of the President! Halika ka na!" saka ko siya hinila sa black suit na suot niya. Pero bigla niyang hinablot ‘yong damit n’ya na hawak ko.
"You are working here?" may galit ang tono niya, pero wapakels.
At sa ginagawa n’yang pagtitig sa akin, parang bigla akong nanlamig—aww, ginaaww!! ‘Di joke lang, nakatapat kasi ako sa aircon. Brrrrr…
"E ano ngayon kung nagta-trabaho ako dito? Bakit ikaw lang ba ang may karapatang magtrabaho dito?" mataray kong sabi.
Para kasi sa tono ng kumag na ‘to, hindi ako nababagay dito.Ooo na napaka-guwapo na n’ya, pero hinding-hindi ako magkaka-crush sa katulad niya. Never! Para na din akong pumatol sa isang ipis, kadiri!
"Hindi mo ba ako kilala Miss?" Kunot-noong tanong n’ya.
"Miss-miss-in mo mukha mo! Wala akong time para makipag-hulaan sa'yo no, kanina pa ako pinapatawag ni Boss, baka sumabog na ‘yon sa galit dahil sa paghihintay n’ya sa akin!" sagot ko.
"Don't you really know who I am?" pag-uulit uli niya.
Ang kulit din niya e! Sa palagay ba n’ya sa isang pagkikita lang namin ay makikilala ko na siya kaagad? Ano ‘yon may super powers akong makaalam ng pangalan? Manghuhula ba ako?
"Hindi kita kilala at wala akong time para kilalanin ka ‘no! Asa ka naman!" sabi ko, Ang taray ko ba? Wala rin akong monthly period. Kasi naman e, pinapainit n’ya ang ulo ko! Napabuntong-hininga ako. "Ah okay, kilala na pala kita, ikaw, ikaw ‘yong Coffee Thief sa coffee shop kanina, dahil ninakaw mo ang kape ko!" nakangisi kong paratang.
Mas lalong kumunot yong noo niya. Ha-ha-ha.
"Coffee Thief? Coffee Thief bang matatawag ang isang taong nagpaalam sa crew na makipagpalit ng kape sa iba at pumayag sila?" tanong niya.
Hmm, may punto naman siya ng 1%. Ang mahaharot na crew kasi e. Pero I don't care.
"Basta you're a Coffee Thief! Final!" pang-aasar ko. Mukha na kasi siyang pikon, ha-ha..
"Get inside my office now!" mayamaya ay sabi niya.
Saka bigla na lang siyang pumasok sa Office of the President. WOW! Kapalmuks din ang isang ito e, feeling n’ya siguro maniniwala ako na siya ang Presidente porki pumasok siya doon at naka-business suit siya. Of course not! HA-HA-HA. Lokohin niya lelang niya. Baka nga side kick lang siya ng President o baka naman tiga-punas lang ng sapatos.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
عاطفيةPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...