CHRYSLER’s POV
I don’t know pero ang bilis naman yatang natupad no’ng wish ko kanina. Hiniling ko kasi na sana magparamdam na si Angela—and to my surprise—may gift na siya sa akin. Sabi ni Chinky, nadatnan na lang daw n’ya kanina ito sa may mailbox. Kaya kinuha na n’ya. May nakasulat daw kanina na from Angela ito, kaso tinanggal na n’ya kasi madumi na daw ‘yong papel.
E di hindi na ako makapaghintay para buksan ang regalo ko—at napangiti ako ng makita ko ito—it was an infinity necklace. Naaalala pa din pala n’ya na gusto namin ng ganitong necklace before. During college kasi, balak talaga naming bumili ng couple na infinity necklace, kaso naudlot ng naudlot hanggang sa nakapunta na siya ng Amerika.
The necklace was beautiful! Masayang-masaya ako ngayon! I almost give her up, pero mukhang kumakapit pa ang tadhana namin. I shoudn’t let this feelings envelop my life dahil may asawa na ako at magkakaroon ng anak, pero wala akong magagawa—masaya ako with Angela kahit lagi n’ya akong binibigo.
Makatayo na nga! Papasok pa kasi ako sa trabaho. Parang ang bilis ng oras ah! Kanina gabi pa lang, tapos umaga na kaagad. Ganoon yata talaga kapag masaya—bumibilis ang oras.
Naabutan ko si Chinky na nagpe-prepare na ng breakfast. Hmm, she looks different today. Nakaipit ang bangs n’ya sa gilid, tapos hindi nakatali ang itim na itim n’yang buhok na hanggang balikat at parang napakadulas kapag hinawakan, pumuputi pa yata siya dahil siguro sa exposure sa aircon—nakakaputi daw ‘yon e. At nagkakaroon na rin ng kurba ang katawan n’ya.
Nanlaki at mga mata ko at mabilis akong napailing dahil sa mga iniisip at pinagsasasabi ko tungkol sa kanya. Ano ba ‘yan, wala lang kasi akong masabi kaya kung ano-ano na.
CHINKY’s POV
“Kain na!” yaya ko kay Chrys no’ng mapansin kong naroon nap ala siya at nakatayo sa may gilid ko.
Maaga akong naligo ngayon at nagbihis. Nakakadalawang lates na kasi ako, kaya dapat maaga din minsan. Ang saya ng aura ng lalakeng ‘to ah, mukhang nag-imagine lang siya buong magdamag.
“Bakit ka nakatitig sa akin?” taas-kilay kung tanong.
Pinapantasya na ba ako nito? Ang feeling no?HA-HA. E malay ko ba kung kinukulam na pala n;ya ako sa pamamagitan ng pagtitig. Bigla siyang nag-iwas ng tingin at mabilis siyang naglakad palapit sa mesa at kaaagad na umupo at nagsimula ng kumain.
MAY PINAPATAPOS silang design sa akin. Napili kasi sa team namin na ako daw ang magre-present. Palibhasa daw fresh pa ‘yong mga concepts ko. Nyek! Kinabahan naman ako. Pero anong magagawa ko, bilang pinakabata sa team, sumang-ayon na lang ako.
Buweeeeh! Teka, may morning sickness na naman ako. Buweeeh! Mabilis akong nagtungo sa CR. Nandoon na naman si Sarah at nag-aayos. Pala-ayos talaga itong babaeng ‘to. Napailing ako, ano naman kaya ngayon ang ipapalusot ko sa kanya—Buweeeeh!
“Chinky, may sakit ka ba?” tanong n’ya.
“Oo! Nakakain kasi ako ng panis na pagkain.” Pagpapalusot ko na lang para hindi na ako mag-isip ng mas mahirap na palusot.
“Naku, gusto mo bang samahan na kita sa hospital—“
“No!” mabilis kong sagot.
Mamaya, malaman pa n’yang hindi dahil may nakain akong panis kaya ako naduduwal—kundi dahil buntis ako. Nyaaa! Mag-one month na din ang tiyan ko! Mabuti na lang at hindi ganoon ka-obvious na buntis ako. Though minsan talaga lagi akong naduduwal sa amoy nila sa loob ng FD room.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
רומנטיקהPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...