CHINKY’s POV
“Elix is not my husband, he is just my super buddy.” Paliwanag ko sa mga batang kanina pa kinukulit si Elix—bakit daw hindi sinabi ni Elix na mag-asawa kami.
“Really?” sabay na tanong ng magkapatid.
“Yeah, we’re just friends. Ang kukulit.” Saka ginulo ni Elix ang mga buhok ng magkapatid.
“Kent! Chuck!” may isang babaeng tumawag sa pangalan ng dalawang magkapatid.
“We’ll be right there Mom,” sabi naman ng dalawa.
Mommy pala nila ‘yon at tinatawag na nga sila.
“Excuse us for awhile, we’ll be right back.” Nakangiting sabi ni Kent.
“See you later.” Nakangiti ring sabi ni Chuck.
Nang makaalis na ang dalawa ay sabay kaming nagkatawanan ni Elix.
“Ang cu-cute naman nilang dalawa.” Sabi ko.
“Yeah, I like those kids. Ang sarap nilang kausap at kasama.” Sabi din n’ya. “Pero they really thought na tayo ang mag-asawa ha.” Dugtong pa n’ya.
Natawa uli ako. “Oo nga e, mukha siguro tayong mag-asawa.”
Saka uli ako tumawa sa thought na mukha kaming mag-asawa ni Elix. E para ko na ngang bestfriend si Elix e o kapatid basta gano’n.
“Malay mo, balang araw maging tayo pala.” Seryosong sabi Elix.
Nanlaki ang mga mata ko. Saka ako napaubo. Sakto kasing pag-inom ko ay bigla n’yang sinabi ‘yon kaya nasamid na naman ako.
“Malay mo, balang araw maging tayo pala.” Ano daw? Hala!
“HA-HA-HA-HA, I was just joking. Bigla ka namang namutla dyan.” Natatawang sabi n’ya.
Haaay.. Nakahinga tuloy ako ng maluwag. Joke lang pala ‘yon. Ang sira ko lang din—kasi ang bilis kong mag-react para maniwala.
“Ikaw ha, makabanat wagas.” Sabay hampas ko ng magaan sa balikat n’ya.
Natawa lang siya, natawa na lang din tuloy ako.
“Hi mga Apo, kamusta kayo dito?”
Nalingunan namin si Lola Yna na nakalapit na pala sa amin at nakangiti.
“Okay naman po kami dito Lola.” Magkasabay na sagot namin ni Elix, saka kami nagkangitian, kasi magkapareho kami ng isinagot.
“Good, ngapala, parang hindi ko yata nakikita si Chrys.” Puna ni Lola.
Uh-oh!!! Paano ko ‘yan ipapaliwanag ngayon?
“Kasi po Lola, uhmmm—“
“Susunod na lang daw po siya mamaya dito, may aasikasuhin pa daw siya saglit sa opisina.” Pagsalo sa akin ni Elix, kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Ang batang ‘yon talaga, holiday na holiday, nagpapapaka-workaholic.” Nangingiting sabi ni Lola.
“Oo nga po e.” sabi ko na lang, saka kami nagkatinginan ni Elix.
Tapos bigla na lang akong dinagsa ng lungkot sa puso ko. Thinking that—masaya na ngayon si Chrys kasama ang—tunay naman talaga n’yang mahal. Masakit lang kasing isipin na Christmas na Christmas—ibang babae ang kasama ng asawa mo. Imbes na kaming mag-ina n’ya. Waah! Get lost sad feeling. Ayokong malungkot.
“Okay ka lang?” mayamaya ay bulong sa akin ni Elix.
Tumango ako. Akala ko kasi kaya kong huwag isipin ang mga bagay na ‘yon—kasi alam kong sa huli malulungkot din naman ako, pero hindi ko pala talaga kayang pigilan ang puso ko, e kasi nga nahulog na ito ng tuluyan sa kumag na ‘yon.
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomansaPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...