Chapter Thiry Five: Happy New Year! ♥

23.2K 337 12
                                    

CHINKY’s POV

Pagkalabas ni Chrys mula sa kuwarto n’ya kinaumagahan ay nakangiti siya at may pa-humming-humming pa, kaya nga naman hindi ko maiwasang ma-werduhan sa ikinikilos. May napanaginipan kaya siyang masayang pangyayari? O baka naman nanalo siya ng jackpot sa lotto tapos sinekreto n’ya sa akin para hindi ako makibalato? O baka naman may napanood siyang kalokohan sa internet? O baka tungkol na naman kay Angela ang dahilan. Psh!

“Ang aga-aga mo namang natamaan ng topak!” kako sa kanya na ikinalingon n’ya sa akin. Bihis na kami noon at magbi-breakfast na lang, bago pumasok sa opisina.

“Hindi ako tino-topak no! Masaya lang ako.” Sagot n’ya.

Ang weird n’ya! Dumiretso na kami sa kusina at magkatapat na umupo sa dining table. Nagluto na ako ng breakfast ng maaga. Hindi ko talaga maiwasang hindi mapatinigin sa kanya, nasisilaw kasi ako sa mga ngiti n’ya e. Natakasan na naman yata siya sa katinuan at basta-basta na lang nangingiti ng mag-isa. Ano ba talagang nangyari?

 Nadako ang aking mga mata sa suot n’yang necktie. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko—‘yon ba ‘yong ibinigay kong necktie sa kanya? O kamukha lang? Hindi ko lang kasi sure kung ‘yon ‘yon e, ginamit n’ya kaagad? Nakakatuwa naman! He-he.. Kaya din ba masaya siya kasi suot n’ya ang bigay ko? Ayiiee..

Mapangarap na naman ako. Tumigil din ako agad sa pag-iisip ng kung ano-ano, baka kasi ako pa ang maunang mabaliw sa aming dalawa ng lalaking ‘to. Nag-focus na lang ako sa pagkain ko. Hanggang sa matapos na rin kami. Siya na uli ang maghuhugas. Gano’n na kasi ‘yong naging daily routine namin e. Ako ang tiga-luto, siya naman ang tiga-hugas. All is fair.

Tinupi na muna niya ang kanyang white long sleeve hanggang siko, saka siya tumayo para maligpit ng pinagkainan namin, nang may mapansin ako sa kanya.

“Bakit suot mo ‘yan?” saka ko itinuro ang suot-suot n’yang kuwintas.

Akala ko nawala na ‘yon ng tuluyan e! Kasi naman pinahanap ko pa ‘yon sa mga katiwala sa bahay ni Lola e, kaso wala daw silang nakitang anumang bakas ng kuwintas. Kaya nga naman hindi ko mapaniwalaan na nasa kanya na uli ‘yon.

“Secret! Bakit ko sasabihin.” Sagot n’ya.

Ang tino ng tanong ko, kung makasagot ‘to, nakakabanas e.

“Saan mo ‘yan nahanap? Kailan pa na sa’yo ‘yan?”

“Bakit may problema ba sa pagsusuot ko nito?” he smirked.

Waaah! OO may problema! Kasi ako ang nagregalo n’yan at hindi ang Angela mo! At dahil sa’yo kaya ako nagsinungaling na kay Angela galing ‘yan kahit sa akin naman. Ahh! Basta! Pero bakit pa siya magtitiyaga sa bigay kong kuwintas kung nandyan naman na si Angela—na anumang oras ay pwede naman siyang bilhan na lang ng bago.

“Ewan ko sayo.” Sabi ko na lang. Basta huwag na huwag n’yang malait-lait ang kuwintas na ‘yon ha, kundi lagot siya sa akin!

“Teka nga lang muna,” lumapit siya akin. As in palapit ng palapit sa akin habang nakatingin siya sa aking—waaaah! Dibdib? Ang manyak naman ng lalakeng ‘to! Wala na nga siyang makita— “Ngayon ko lang napansin ‘yang necklace mo ha.” Pagpapatuloy n’ya.

Kuwintas daw? Waah! Kung ganoon, sa kuwintas ko pala siya nakatingin. Hindi sa may ano ko! Serrey nemen! Kala ko kasi—waah! Forget it!

“Kabibigay lang naman ni Elix to sa akin no’ng Pasko, natural ngayon-ngayon mo lang ‘to makikita.” Sagot ko.

Pero bigla na lang kumunot ang noo n’ya.

“Bakit ka tumatanggap ng regalo mula sa lalaking ‘yon, ha?” parang galit na ang tono n’ya.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon