CHINKY’s POV
Babalik siya kasi nandito pa kaya ang mga damit n’ya. Saka condo n’ya ‘to, alangan namang bigla na lang n’yang iwanan ‘to, ‘di ba? Napatigil ako sa pagmo-monologue ng bigla akong makarinig ng nagpipindot ng password sa harap ng pintuan. Nandyan na siya! Kiya n’yo na!
*lab dab lab dab*
Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Bigla na namang nag-hysterical ang puso ko. Kaya napatigil ako sa pag-upo-tayo-lakad na ginagawa ko. Tinignan ko sa monitor kung sino ang nagpi-pindot na ‘yon, e malay ko ba kong magnanakaw pala.
Pero napangiti ako ng makita ko na si Chrys ‘yon. Waah! Bakit na ako nandito sa harap ng pintuan at ready na siyang salubungin? Mamaya iisipin pa n’yang inaabangan at hinihintay ko siya, though ganoon nga naman talaga ang ginagawa ko.
Pero alangan namang ipangalandakan ko pa rin sa kanya ‘yon. H-e-l-l-o! May hiya pa rin naman ako no! Mabilis akong nahiga sa sofa. Saka ko i-on ang TV. Kunwari nakatulugan ko na naman ang panunuod. Ganon naman kasi ako e.
Ayan na siya, narinig ko na siyang pumasok sa loob. Narinig ko na ang mga footsteps n’yang palapit sa akin.
“Haay naku, nakatulog na naman siya dito.” Narinig kong sabi n’ya.
Saka ko naramdamang umupo siya malapit sa may ulo ko. Nagsimula na namang magwala ang puso ko.
*lab dab lab dab lab dab*
Takte! Baka mamaya mapansin pa n’yang nagpapanggap lang akong tulog. Pakiramdam ko kasi nakatitig lang siya sa akin, kaya nagsimula na ring manginig ang buo kong kalamnan. Naramdaman ko ang pag-alis n’ya ng buhok na nakatabing sa mukha ko.
Kyaaa! Para akong nakuryente, dahil sa pagkakadaiti ng kamay n’ya sa pisngi ko. Ayaw mapasunod ng puso ko sa utos kong tumigil na siya sa mabilis na pagpipintig. Waah! Bakit ba ako nagkaka-ganito?
“Tulog na nga siya, namumula pa rin ang mukha. Tsk. Tsk..” sabi pa n’ya.
Waah! Napansin yata niya ang pamumula ng mukha ko. Wala, tina-traydor pa yata ako ng mga body organs ko. Nakakaloka na ito!
“Chinky, gising!” sabay yugyog n’ya sa akin. Syempre hindi ako sumagot. “Chinky, sa kuwarto mo, ka na matulog.”
Wala! Hindi pa rin ako sumasagot o kumikilos. Paninindigan ko na ang pagtutulug-tulugan ko. Hindi na n’ya ako magigising, baka nga dito na rin ako matulog—waaah! Buti hindi ako napasigaw ng maramdaman kong bigla na lang n’ya akong binuhat mula sa pagkakahiga ko sa sofa. Sa pagkakahula ko ay dadalhin na n’ya ako sa kuwarto ko.
Tama nga ako! Kasi ibinababa na n’ya ako sa kama. Madilim ang kuwarto ko at tanging ilaw lang na nagmumula sa buwan at mga bituin ang ilaw ko. Kaya binuksan ko ng maliit ang mga mata ko, pero ‘yong hindi n’ya mapapansin.
Nakatayo lang siya sa tapat ko habang nakatitig pa rin sa akin. Napalunok ako ng mariin. Bakit siya ganoon makatingin? Nakuu. Buti na lang at hindi n’ya ako nakikita. At mas dinagundong ako ng maraming kaba ng dahan-dahang bumababa ang kanyang mukha, palapit sa akin.
Napalunok ako ng mariin. Ano kaya ang binabalak n’yang gawin? Lasing na naman ba siya at nagiging maganda uli ako sa mga mata n’ya? Pero hindi siya amoy lasing e. Napapikit ako ng malapit na siya sa mukha ko. Habang hinihintay ko na lang ang gagawin n’ya.
Pero sa tagal ng paghihintay ko, hindi ko na napigilang manilip uli. Waah! Malayo na ang mukha n’ya sa akin, nakatayo na siya ng maayos. Hindi na n’ya itinuloy ang anumang binabalak niyang gawin sa akin. Sayang naman oh!
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
عاطفيةPwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...