Chapter Thirty Six: Indirect Love confessions. ♥

22.6K 358 11
                                    

CHINKY’s POV

Ilang minuto na lang magbabagong taon na. Waaah!  2014 na! Madadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko—buti na lang at medyo matagal-tagal pa. Pero ang kina-e-excite-an ko ay ang nalalapit ng paglabas ng Baby ko. Wala pa nga pala akong naiisip na pangalan n’ya, Hi-hi. Kailangan ko din kasing sumangguni sa Daddy ng baby ko, baka mamaya kasi bigla na lang n’yang ayawan ang suhestyon ko.

Gusto ko sana siyang maging Chrysler Prime Cruise Jr., kaso nag-iba na agad ko ang isip, baka mamaya n’yan maging kaugali pa n’ya ang baby ko. Isang malaking “NO! NO!” ‘yon!

“Halika na sa labas, sisindihan na namin ‘yong fireworks.” Yaya sa akin ni Elix, na noon ay mabilis ng nahila ang kamay ko.

Sa may tabing ilog kami nagpunta, pinaupo n’ya ako doon sa swing. At doon daw sila ng mga bayaw ko sa may ‘di kalayuan magpapaputok, kasama sina Ate at ng kanilang mga anak, habang ako dito na lang daw para hindi ko maamoy ang usok.

10..9..8..7..6..5..4..3..2…

“Happy New Year!” nakangiti kong sigaw. Kumaway din sila sa akin sabay sindi ng mga fireworks.

Waah! Ang ganda! Siguro kung bata lang ako, nagtatatalon na ako sa labis na tuwa. Kasi ang cute talaga e. Sumapit na ang taong 2014. Happy New Year sa sarili ko, sa pamilya ko, sa mga kaibigan ko at pati na rin kay—Chrys.

Pumikit ako saglit para umusal ng mga wishes ko. Gano’n daw kasi kapag bagong taon, nagwi-wish, kaya sige na din, wala namang mawawala e.

“Sana po Lord, maging healthy and happy palagi ang family and friends ko pati na rin si baby, sana maging malusog siya pagkasilang n’ya. Sana  po bumait na din si Chrys at sa akin n’yo na lang siya itadhana—"

Nanlaki ang mga mata ko—sa bigla na lang sinabi ng isip ko, napamulat tuloy ako ng ‘di oras. My gosh! Nakakaloka—

“Ano yong i-wi-nished mo?”

At halos malaglag ang aking mga panga ng makita ko siya—oo siya mismo—si Chrys na noon ay nasa katabing swing ko na. Pero teka, totoo ba ito? Am I only dreaming? E na kina Angela yata siya e? Anong ginagawa n’ya dito ngayon? Nakatitig lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung kailan siya maglalaho hanggang sa paningin ko—

“Aray!” napa-aray ako ng bigla n’yang kinurot ang pisngi ko. “Bakit ka ba nangungurot dyan?” pasinghal kong sabi. Ang sakit kasi.

He smirked. “Para patunayan sa mga mata mo na totoo talaga ako at hindi ka nananaginip.” Sagot niya.

Waah! Oo nga no. Hindi ako nananaginip! Kasi nga nasaktan ako sa kurot n’ya at talagang nandito siya sa tabi ko ngayon. Pero anong ginagawa n’ya dito? Bakit siya nandito?

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Rude! E ‘di ba nga sabi mo na iniimbita tayo ni Nanay na mag-attend ng New Year’s party nila? Kaya ako nandito!”

Nanay daw? At kelan pa n’ya tinatawag na Nanay ang Nanay ko?

 “Ngayon! Hindi mo ba narinig?” sagot ng epal kong isipan. 

            “Pero paano si—“

“Ang ganda ng mga fireworks!” pag-iiba n’ya  agad ng topic.

“Sina Elix ang nagpapaputok dyan!” imporma ko. Hindi ko alam kung anong problema nila ni Angela, pero hindi ko na lang itinanong. Buhay nila ‘yon.

“Ay hindi na pala maganda.” Bawi n’ya. LOL. Ang bitter talaga ng lalaking ‘to.

“Dali mag-wish ka din!” sabi ko.

I married my Devil BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon