CHINKY’s POV
Nandito na kami sa loob ng Mall. Sa bilihan ng damit ng mga babies. Dahil alam na daw namin ang kasarian ni Baby, pwede na kaming bumili ng mga damit n’ya, na ikinatuwa ko naman. Super excited na din kasi ako e.
“How about this?” sabay taas ni Chrys no’ng kulay blue na cute baby boy clothes.
Napangiti ako. Kasi ‘di ba dati parang wala lang siyang pakialam—pero iba na ngayon. He seems like a responsible Daddy na. Ayieee.. Dahil dyan mas lalo na tuloy siyang kumu-cute sa paningin ko. At dahil sa ka-guwapuhan ng asawa ko, kaya heto para siyang artistang dinudumog ng mga babae sa paligid.
Kesyo ang guwapo-guwapo daw o baka naman daw artista siya o modelo. Hala! Ang haharot lang ng mga babaeng ‘to. Nakita ko pa nga, may kumukuha na ng pictures n’ya sa di kalayuan. Tsk! Hindi ba obvious na may asawa na ang lalaking kinahuhumalingan nila—at ako yon?
“Hey, I’m talking to you.” Sabi n’ya, hindi ko kasi siya nasagot sa katanungan n’ya. Masyado kasi akong concentrated sa mga babaeng nasa paligid—ginu-guwardyahan ko lang ang siya—baka kasi may bigla na lang manghalik, nakuuu, kung nagkataon, makakatikim sila sa akin ng lapirot sa singit!
“Hindi mo ba napapansin ang mga girls na nasa paligid mo?” tanong ko sa kanya.
Para kasing hindi naman n’ya nahahalata ang paglapit-lapit ng mga ‘to sa kanya, ang obvious kaya.
“The hell I care.” Sagot n’ya. “So, ano na?” sabay uli taas n’ya sa baby clothes na hawak n’ya.
Napangiti tuloy ako. Ayieee.. Ako lang ang pinapansin n’ya—ang kinakausap n’ya at wala na siyang pakialam sa mga long-legged and sexy girls na nagpapa-cute sa kanya sa tabi-tabi.
Sabi na nga ba e, cute din ako. Ha-haha-ha. Me and my Guts. Bow!
“I think, maganda nga ‘yan, bagay lang sa “baby” natin.” Sagot ko. Sinadya ko talagang diniinan ang salitang “baby” para iparinig ‘yon sa mga babaeng haliparot sa tabi-tabi.
Narinig kong napansighap silang lahat. Ang iba siguro ay halos balatan na ako sa mga isipan nila. Ang iba naman, taas-baba ang tingin sa akin na parang sinasabi nilang ‘You don’t look like his wife’ pero wala na akong pakialam, ha-ha-ha. Mamatay sila sa inggit!
“Yeah, itong red din. Kunin na kaya natin lahat ng ‘yan.” Sabi n’ya.
Saka na n’ya inilagay ang lahat ng nahahawakan n’yang damit sa cart, bibilhin na lang daw namin ang lahat ‘yon. LOL. Ang dami naman. Ang bilis kayang lumaki ng mga bata ngayon, dapat hinay-hinay lang sa pagbili.
“Kaunti lang ang bilhin mo, tatahian ko pa naman si Baby ng mga damit n’ya e.” kako. Nag-design nga kasi ako ng damit ni Acer. Actually, malapit ko na nga ‘yon matapos e. Kaunting push na lang.
“I want to give him everything.” Sabi n’ya. saka na siya naglakad papunta sa cashier para magbayad na.
Napamaang na lang ako. Nakuu, napagkikinita ko na—paglaki ni Acer, magiging spoiled siya dahil sa ipinapakita ng Daddy n’ya. Pero syempre hindi ko naman hahayaan na maging super spoiled brat siya, aalalay naman ako syempre.
Pagkatapos naming mamili ng mga gamit ni Baby ay ako naman daw ang ibibilhan n’ya ng maternity dress. Kyaaa! Matagal ko na ding gusto bumili ng maternity dress, kasi nga tatatlong pares lang ang isinusuot ko sa bahay, paulit-ulit. Buti nga ‘yong damit na ginagamit ko pagpasok sa work, medyo maluwang, kaya nake-keri ko pa. Hindi kasi ako malaki magbuntis e.
Napasunod na lang ako ng akayin n’ya ako papunta sa Mommy’s boutique, na tindahan ng mga maternity dress. Ang gaganda—pero ang mamahal. Gravity! He bought 6 pairs of maternity dress. Ang cu-cute! Excited na tuloy akong i-suot ang lahat ng ‘yon. Ang saya lang! Siya ba hindi bibili ng paternity clothes? Hi-hi.. Ang corny ko no? Masaya e!
BINABASA MO ANG
I married my Devil Boss
RomancePwede kayang magkaroon nang magandang love story ang dalawang langit at lupa ang agwat? Being married with her Devil Boss was the craziest decision she had ever made! Copyrights November 2013 Original story written by: missrxist PS. Will try to ed...